Mobile Home | Desktop Version




Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-11 Bahagi): Daan tungo sa pagbangon ni Pacquiao sa pagkatalo noong 2012

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 10 Mar 2021



Mapaait ng KO pagkatalo ni Pacuiao kay Marquez. (Kuha ni Wendell Rupert Alinea)
Isang araw makaraang malasap ang marahil ay pinakamapait na karanasan sa kanyang noon ay ika-17 taon bilang boksingero – ang matalong nakadapa sa lona sa ika 6 na round ng kanyang 12 round na pakikiharap kay Juan Manuel Marquez -- agad ipinabatid ni Pilipino icon Manny Pacquiao ang kanyang pagbabalik sa ring.

Sa panayam sa reporter na ito noong Disyembre 9, 2012, walong araw bago sumapit ang kanyag ika-34 na taong kaarawan, at kinabukasan makaraang patulugin siya ng maalamat na Mehikano, ipinahayag ng ating si Manny ang kanyang intensyong muling umakyat sa parisukat na lona.

Upang ipaghiganti ang kambal na pagkabigo noong taong iyon kasama ang kontrobersiyal na di nagkakaisang talo kay Timothy Bradley, anim na buwan bago ang KO kay Marquez.

Ito ay sa kabila ng panawagan mula sa kanyanga ina, si Aleng Dionesia, Mommy D sa fans, kabiyak na si Jinkee, mga anak, kamag-anak at malalapit na kaibigan na panahon nang mag-retiro siya sa dahilang wala na naman siyang dapat patunayan pa base sa mga nagawa niya sa larangan ng pakikidigma sa loob ng kulang sa dalawang dekada sa propesyong napili niya.

Iba ang nasa-isip ni Manny. Marami pang bagay ang dapat lupigin at kailangan niya ng isakatuparan ang mga ito. Alang-alang sa kasiyahan ng mga fans sa buong mundo na naniniwala pa sa kanyang kakayahan.

“Disyembre na ngayon, kaya tiyak na sa susunod na taon, babalik na tayo,” bulalas ni Pacquiao sa kolumnistang ito. “By that tijme, 35 pa lamang ako. Marami pa tayong magagawa.”

Sa nasabing interbyu, nabanggit ni Pacquiao ang kanyang kagustuhang bigyan ng pagkakataon si Marquez na makatabla sa kanya. Sa apat nilang paghaharap, lamang pa ang ating bata sa 3-panalo, isang tabla at isang talo.

“In fairness to Marquez, dapat lamang namang bigyan natin siyang maka-tabla bago man lamang siya mag-retiro,” aniya sa reporter na ito.

Samantala, ang pagkabigong ito ni Pacquiao ay lalong maka-antala sa planong iharap na siya kay wala pang talong si Floyd Mayweather Jr. na noon ay malapit ng matapos ang mahabang limang taong negosasyon para mangyari.

Ang tutoo, matapos mapanood ang panalo ni Marquez, nagkalakas ng loob si Mayweather na ipahayag na halos done deal na ang usapan tungkol sa napipintong sagupaan nila ni Pacquiao.

Gaya ng naipangako, Nobiyembre 24, taong 2013, ipinamalas ng noon at dalawang beses na kongresista at ngayon ay senador nang si Manny, ang kanyang kakayahang bumalikwas sa anumang kagipitang maaring mangyari sa buhay ng isang nilalang, boksingero man o hindi.

Ang sumalo sa lahat ng kanyang kabiguan -- si Brandon Rios na pinarusahann niya sa 12 round para pasukuin sa isang nagkakaisang hatol at iuwi sa dalampasigan ng Pilipinas ang bakanteng sinturon ng WBO International welterweight sa sagupaang ginanap sa Venetian Resort sa Macau.

Ang labang ito sa Amerikanong si Rios ay una sa dalawang nairaos sa lunsod ng mga bisyo sa Asya.

Ang impresibong pagbabalik ni Manny ay nasundan ng mas malupit na paglupig sa Amerikano ring si Chris Algeiri, dating kick boxer na nagpanggap na challenger na pinaluhod ni Manny ng anim na beses tungo 12 round na shotout kung saan ay wala ni isa mang yugtong naipanalo ang huli.


(May Karugtong)

Click here to translate this article to other languages via Google.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Ortega wins Laguna chess
    By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024
  • Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
    By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024
  • Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
    Tue, 24 Dec 2024
  • FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
    Tue, 24 Dec 2024
  • IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
    Tue, 24 Dec 2024
  • NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
    By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024
  • Where Have All THE Heavyweights Gone?
    By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024
  • World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
    Mon, 23 Dec 2024
  • Beltran loses by KO in Japan
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
    Mon, 23 Dec 2024
  • Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
    Mon, 23 Dec 2024
  • Quirante KOs former teammate in 4th round
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • Santisima, Portes bow in Japan
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
    Sun, 22 Dec 2024
  • Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
    By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024