Mobile Home | Desktop Version




Ang kahalagahan ng kabutihang loob sa kapwa?

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 07 Dec 2014



NAGING usap-usapan at kontrobersiyal ang desisyon naming mag-asawa na ibenta ang tahanang aming naipundar sa Forbes Park sa Lunsod ng Makati.

Maganda, magara at tahimik ang naturang subdivision at sadyang kaaya-aya ang manirahan sa ganitong uri ng pamayanan.

Subalit may mga panuntunang dapat sundin ang mga nakatira rito. Gaya, halimbawa, tungkol sa mkga tatanggaping bisita na kailangan ay maayos ang pananamit.

At dahil galing po tayo sa pamilyang mahirap, malapit po ang ating puso sa mga taong mahihirap. Ang mga taong pumupunta sa aking pamamahay ay malimit karaniwan kasuotan.

Kahit po mahirap mapantayan ang tagumpay na naabot ko sa larangan ng boksing at kahit maging kasing-yaman ako ni Haring Solomon, hinding-hindi magbabago ang aking pakikitungo lalo na sa mga kababayan kong mahihirap.

Ang isang magandang ugaling namana ko sa aking mahal na ina ay ang pagiging mapagpakumbaba.

Mula pagkabata hanggang sa aking pagtanda, hindi po nakaligtaan ng aking ina na ipaalala sa tuwina ang kahalagahan ng pagpapakumbaba at kabutihang loob sa kapwa.

?Anuman ang marating mo sa buhay, iwasan mong maging palalo. Alalahanin mong isinilang tayo sa mundong ito na hubo?t-hubad. Ito?y sinadya ng Panginoon upang ipaalala sa ating lahat na nagsimula tayo sa wala,? ito ang ginintuang pangaral ng aking ina.

Gaya ng nasabi ko na sa maraming media interview, humihingi po ako ng taos pusong paumanhin kung nakaistorbo ako sa aking mga kapitbahay sa Forbes Park.

Hindi ko po sinasadya. Bilang isang kristiyano, hindi ako puwedeng mamili ng aking bisita. Bukas po ang aking tahanan kahit kanino man.

May babala po sa atin ang Aklat ng Buhay. Ayon sa nakasulat sa Proverbs 22:22-23 ?Do not rob the poor because he is poor, or CRUSH THE AFFLICTED AT THE GATE; for the LORD will plead their case and take the life of those who rob them.?

Sa Zechariah 7:10, pinaalalahan din po tayo, ??and do not oppress the widow or the orphan, the stranger or the poor; and do not devise evil in your hearts against one another.?

Ito po ang gabay ko sa pakikitungo sa aking kapwa lalo na sa mga mahihirap.

Batid ko po ang sakit at hirap ng isang taong lubhang nangangailangan, gutom o may sakit. Naranasan ko po ito at may isang pamilyang ginamit ng Diyos upang akoy kupkupin at iligtas sa kamatayan nang ako ay dapuan ng issang may kalubhaang karamdaman noong ako'y bago pa lamang dito sa Kamaynilaan.

Pagkatapos mangyari sa akin yun, ipinangako ko sa aking sarili na kung bibigyan ako ng Panginoong Diyos ng pagkakataong makatulong sa kapwa, gagawin ko ang kabutihang ipinalasap sa akin ng Pamilya Florentino mula sa Malabon. Sila ang mabuting pamilyang tumulong sa akin.

Dinala nila ako sa ospital, at inalagaan nang ako'y lumabas upang magpagaling, pinakain at regular na pinainom ng gamot hanggang sa tuluyang mawala ang karamdaman ko.

Kaya po, balak naming mag-asawa na bumili ng bahay sa isang lugar na walang panuntunang mahigpit na ipinaiiral sa pagtanggap ng taong dumadalaw anuman ang antas ng kanilang katayuan sa buhay.

Iginagalang ko po ang panuntunang pinaiiral sa Forbes Park. Sa aking mga kapitbahay na nauunawaan ang aking kalagayan, maraming salamat po. Pagpalain nawa kayong lahat ng Poong Maykapal.

Wala po akong sama ng loob o hinanakit kaninuman sa aming pag-alis sa naturang lugar. Malawak po ang ating pang-unawa at mapagpatawad po tayo sa kapwa dahil sa natutunan natin mula sa Aklat ng Buhay.

Ang Bibliya po ang nagmulat sa akin na ang dalawang pinakamahalagang bagay sa mundo ay ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Hanggang sa muli. God bless us all.


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025