COMMENTARY on Pacquiao
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Sun, 21 Mar 2010
Umiral na naman ang ating masamang ugali na kapag binigyan tayo ng isang daliri, gusto natin ay makuha ang buong braso.
Tinutukoy namin dito ang huling laban ng idolo ng buong ka-Pilipinuhan, si World Boxing Organization welterweight champion Manny Pacquiao na noong kalabanin ang challenger na si Joshua Clottey ng Ghana ay nanalo nga pero sa puntos lamang. Unanimous decision.
?Bitin,? ang agad na reaksyon ng mga mahihilig sa boksing. ?Mahina na si Pacquiao. Wala nang pampatulog.?
O kaya?y ?Laglag si Clottey. Ayaw sumuntok. Masaya nang matapos ang laban para kolektahin ang premyong $2.3 milyon.?
Bakit tayo ganoon? Namihasa ba tayo at nasanay sa dahilang tuwing lalaban ang ating Pambansang Kamao ay laging panalo sa pamamagitan ng knockout o technical knockout? Na kapag hindi na ganoon ag resulta ay wala at mahina na?
Hindi talaga tayo naniniwala sa kasabihang ?ang panalo ay panalo kahit paano mo tingnan.
Dapat sana nakita ng mga so-called boxing experts na si Clottey na dinomina ni Pacquiao sa loob ng 12 round noong Marso 13 (Marso 14 sa Pilipinas) para maidepensa ang kanyang korona sa World Boxing Organization welterweight ay hindi gaya ni Oscar De La Hoya na, ayon sa mga hindi naniniwala sa Pilipino ay tinalo din ng Pambansang Kamao sa pamamagitan ng technical knockout sa loob ng siyam na round nang ang huli ay palaos na. Pagkatapos nga ng pagkatalong iyn ay nag-retiro na ang boxing legend
Ang contender na mula sa bansang Ghana ay hindi rin maiku-kumpara kay Miguel Cotto na pinarusahan ni Pacquiao sa loob ng 12 round bago niya ito tinalo sa pamamagitan din ng TKO.
Nakuha ng 31 anyos na Pilipino ring icon and korona ni Cotto sa 147 librang dibisyon na hindi ikinasiya ng di iilang Pilipino at foreign mediamen at boxing aficionado sa dahilang ang laban na tinawag na, ay ginanap sa catchweight na 145 libra o 2 librang kulang sa itinakdang bigat sa welterweight.
Nakalimutan din ng mga kritiko na ang 32 anyos na si Clottey ay isang lehitimong147-lb.campaigner na itinuring na pinakamabigat , pinakamalakas at pinakamalaking nakalaban ni Pacman sa kanyang 15 taong professional career na nagsimula noong siya ay nasa junior lightweight pa lamang o sa 106 dibisyon.
Na nang umakyat ito sa parisukat na lona ay umabot ang timbang sa hanggang 160 libra, samantalang ang ating bida ay umabot lamang sa mahigit 150 libra.
Sa kabila nito, pinipilit ding sirain ng maraming kritiko, kabilang na rito ang tinatawag na Pilipinong eksperto sa boksing, ang panalo ni Pacquiao na anila?y bigong mapatulog si Clottey gaya ng kapalarang sinapit nina De La Hoya, Ricky Hatton at Cotton a pawing hindi narining ang tunog ng huling kampana nang matapos ang laban.
Tila daw magkasiya na lamang si Clottey na depensahan ang sarili upang maprotektahan ang kanyang reputasyon na wala pang nakakapagpabagsak sa kanya sa mahigit na 30 laban niya.
Hindi man lamang naisip ng mga Pacquiao non-believers na sa dami ng suntok na binitiwan ng ating bida ay talagang hindi na makukuhang pumorma man lamang ni Clottey upang ipakita ang lakas ng kanyang arsenal.
Saksi ang may 51,000 manonood, pangatlong pinakamalaking bilang ng nanood ng boksing sa kasaysayan ng sport, sa mala-higante at makabagong Dallas Cowboys Stadium na itinayo sa halagang $1.3 bilyon sa Arlington ang kahangahangang opensibang ipinakita ni Pacquiao na nakapagbitiw ng 1,321 sa kalaban, mahigit na 832 sa binitiwan ng kanyang challenger na tinaguriang ?The Grandmaster?.
Nangangahulugang nagbitiw si Pacman ng mahigit 100 suntok bawat round o sa bawat tatlong minuto.
Ang ginawang ito ng kampeon sa mundo sa pitong weight division ay testimonya lamang ng kanyang superyor na kondisyon na nakuha sa pitong linggong pagsasanay na ang puhunan ay pawis at dugo at di matatawarang sakripisyo, sa Wild Card Gym na pagaari ng kanyang chief trainer na si Freddie Roach sa downtown Los Angeles.
Na sa makabagong panahong ito ay si Manny lamang ang kinakitaan ng ganoong kabilis at kalakas magbitiw ng suntok mula sa pagtunog ng unang bell hanggang sa huling tunoig ng kampana.
Sa panalong iyon ni Manny, ika-12 sunod niya mula noong talunin siya ni Erik Morales noong 2005 ay muli na namang pinatunayan ng idolo na siya ang dapat kilalaning pound-for-pound king sa boksing swa buong mundo, taliwas sa ibig palabasin ng mga taong sa kanya?y walang paniwala.
Sa labang iyon ay muli na naming ipinakita ni Pacquiao sa buong mundo kung anong uri ng tao ang mga Pilipino, kung gaano tayo katapang, isang karakter na ipinamana sa atin ng mga naunang bayani, kabilang na ang mga Bulakenyong si Marcelo del Pilar at, sa larangan ng Palakasan, ang magkapatid na Carlos at Jose Padilla Jr. na nagdala rin ng di mabulang ng karangalan bilang mga boksingero at Olympian.
Dapat ding mabigyan ng kredito si Clottey na sa kabila ng mga malalakas na suntok ng tinanggap niya ay nanatili siyang nakatayo hanggang sa kahulihulihang tunog ng kampana
Kung si Clottey ay isa lamang na ordinaryong boksingero, hindi na sana siya umabot sa 12 round at marahil sa ika-limang round pa lamang ay ipinaghele na siya sa kanyang panaginip.
At si Pacquiao, bihira ang boksinerong tulad niya na di man lamang nagbago ang bilis at lakas ng kanyang suntok mula sa pagtunog pa lamang ng bell sa first round hanggang sa matapos ang laban.
Kaya naman ganoon na lamang ang papuri ni Clottey sa kanya sa pagsasabing: ?He has great speed,? Clottey said of Pacquiao. ?It was difficult for me to handle that.?
Si Pacquiao man naman ay wala ring masabi sa kanyang challenger na sinabi niyang tunay na malakas gaya nang naunang napabalita kaa nga aniya?y dapat siyang mag-ingat at laging naka-focus sa laban sa dahilang may lakas din si Clottey sa kanyang mga kamao.
(THIS ARTICLE ALSO APPEARS IN THIS WEEK'S 30TH ANNIVERSARY ISSUE OF MABUHAY)
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Dumam-ag fights Limura for vacant OPBF fly title
By Lito delos Reyes, Sat, 28 Dec 2024Jayson Mama vs. Michael Bravo Ends in Technical Draw; Joey Canoy and Rv Deniega shine in Sanman's Last Show of 2024.
Sat, 28 Dec 2024Casama to face Fujita in Tokyo
By Lito delos Reyes, Sat, 28 Dec 2024Mirano, Bernardino, Alidani shine in Penang chess tilt
By Marlon Bernardino, Sat, 28 Dec 2024February 24: Junto Nakatani-David Cuellar Title Showdown Headlines a Bantamweight Bonanza in Tokyo LIVE on ESPN+
Fri, 27 Dec 2024Zamora, Soledad crush opponents in Bangkok
By Lito delos Reyes, Fri, 27 Dec 2024GOLDEN BOY LAUNCHES INTO 2025 WITH ERIC PRIEST HEADLINING FIRST-EVER SHOW AGAINST TYLER “HERCULES” HOWARD
Fri, 27 Dec 2024PH Fighter of the Year, Top Fighters of 2024
By Teodoro Medina Reynoso, Fri, 27 Dec 2024Three in line for title bids
By Joaquin Henson, Fri, 27 Dec 2024Paciones wins WBA Asia light fly title
By Lito delos Reyes, Fri, 27 Dec 2024Yanong KOs Phayom in 2nd round
By Lito delos Reyes, Fri, 27 Dec 2024Cebuana Lhuillier Tennis Team Dominates, Defends Title at 41st PCA Open Championship
By Marlon Bernardino, Fri, 27 Dec 2024MIEL FAJARDO READY FOR YOHANA IN EXCITING WBO 112 GLOBAL TODAY IN TANZANIA
By Carlos Costa, Thu, 26 Dec 2024Today! Paciones, Yanong, Zamora, Soledad Ready for Action in Highland Show in Thailand
By Carlos Costa, Thu, 26 Dec 2024LERASAN, KASSIM, MAKE WEIGHT FOR WBF 118 BELT IN TANZANIA
By Carlos Costa, Thu, 26 Dec 2024