SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: Laban ni Hidilyn, tuloy hanggang Paris Olympics
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Fri, 12 Aug 2022
Hidilyn Diaz.
WALA NA SI DIAY! IPINAABOT NG SAKSI NGAYON SPORTS, AT NG SALA SA INIT … SALA SA LAMIG ANG AMING TAOS-PUSIONG PAKIKIRAMAY SA PAGPANAW NG TRACK AND FIELD LEGEND NA YUMAO NA NOONG BAGO MAG-HAHATING GABI NG MIYERKULES MAKARAAN ANG APAT NA TAONG PAKIKIPAGLABAN SA BREAST CANCER!
oOo
Tingnan nga naman ninyo kung anong sakripsiyo ang pinagdadaanan ng ating mga atleta mabigyan lamang ang bansa at ang Lahing Pilipino ng karangalan sa iba’t-ibang larangan ng palakasan sa daigdig.
Si weightlifter Hidilyn Diaz, halimbawa ay dumaan sa napakaraming balakid sa kanyangn huling 12 taong karera para mahandugan nang bansa ng kauna-unahang gintong medalya nito sa nakaraang XXXII Games of the Olympics na idinaos sa Tokyo isang taon na ang nakalilipas.
Sa unang dalawang Olimpiyadamg kanyag nilahukan noong 2008 bilang wild card entry, at 2012 umuwing luhaan ang Zamboanguena dahil sa walang nai-uwing kahit ano sa kabila ng kanyang potensiyal bilang isang batambatang kalahok na itinuringn na pag-asa ng bayan.
Hindi doon natapos ang kalungkutan ni Hidilyn. Bigo siyang katawanin ang bansa noong 2014 Asian Games, dahilan upang siya’y ire-komenda ng ilang nagmamarunong na opisyhal ng sports sa bansa na tanggalin bilang miyembro ng national training pool sa kanyang sport sapagkat wala ng pakinabang na mapapala sa kanya.
Nilabanan niya ang kilusang ito at sa tulong ng kanyang kauna-unahang coach na si Elbert Atilano, ilang tagasunod na naniniwala pa sa kanyang kakayahan at ilang miyembro ng sports media ay bumalangkas ng plano kung paano siya maibabalik sa dati niyang potensiyal.
Sa madalibg salita, nagtagumpay ang grupo at noong 2018, ay pinangunahan ang apat na all-woman gold medalist na bumalik sa Pilipinas sa pagbubunyi ng kanilang mga kababayan.
Nauna rito noong 2016 sa Rio de Janeiro Olympics, nasungkit ng sarhento sa Philippine Air Force ang silver medal at kauna-unahang female athlete na nakapag-uwi ng medalyang may ganoong kulay.
At noon ngang 2021, sa Tokyo, nakamit niya at ng bansa ang kauna-unahang gold medal na sa akala ng marami ay tumapos na sa mahabang taong paghihirap niya at mamuhay na ng tahimik matapos pakasalan ang kanyang Guamanian coach na si Julius Naranjo, eksaktong isang taon makaraan ang kanyang kabayanihan sa Olympics.
Hindi mangyayari iyon, at least hanggang sa matapos ang 2024 Olymics na gaganapin sa Paris kung saan ay nagsimulang lumahok ang Pilipinas sa Olimpiyada 100 taon na ang nakararaan.
Nitong nakaraang linggo lamang, ipinahiwatig ni Hidilyn ang plano niya at ng kanyang asawa na lalahok pa siya sa Paris Olympics, kung saan, wika niya, ay isasagawa niya ang tinagurian niyang “last lift.”
“Today (Sunday), we are officially two years to go before I step onto the platform at the 2024 Paris Olympics,” aniya. “We have set aside our honeymoon, we only have 730 days left.
“Even if its difficult, even though I don’t need to prove anything, I still want to do whatever I can for weightlifting and the Philippines,. ”
“I am manifesting this because this is what I want and weightlifting is what makes me happy,” dugtong ni Hidilyn. “Please accompany me in my decision to go for my last lift. My team will be with me throughout the whole process, but I will need the support and prayers from all of you.”
“I am determined to do more for our country. I am claiming this, for the love of God and our country,” pangako ni Hidilyn.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Ortega wins Laguna chess
By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
Tue, 24 Dec 2024FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
Tue, 24 Dec 2024IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
Tue, 24 Dec 2024NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024Where Have All THE Heavyweights Gone?
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
Mon, 23 Dec 2024Beltran loses by KO in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
Mon, 23 Dec 2024Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
Mon, 23 Dec 2024Quirante KOs former teammate in 4th round
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Santisima, Portes bow in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
Sun, 22 Dec 2024Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024