Mobile Home | Desktop Version




Kasal ngyong araw ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at coach Julius Naranjo

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Tue, 26 Jul 2022


Hidilyn Diaz.
Ikakasal ngayong araw ang weightlifter na si Hidilyn Diaz at ang kanyang coach na si Julius Naranjo bilang pagdiriwang ng ika-isang-taong anibersaryo ng kanilang matagumpay na pagbibigay sa Pilipinas ng kauna-unahang Olympic gold medal nito.

Nitong araw na ito, kaugnayn ng pagdaraos ng XXXII Games of the Olympics sa Tokyo isang taon na ang nakalilipas nang sa isang madula at makaysayang pagkakataon ay naiuwi ng ipinagmamalaki ng Zamboanga ang 55-kilogram event ng kanyang sport sa harap mismo ng kanyang magiging kabiyak na kanya ring coach.

Mismong si dating pangalawang pangulo ng bansa Leni Robredo at eight-division world boxing champion Manny Pacquiao at iba ang personalidad na kumakatawan sa palakasan, negosyo at pelikula ang naimbitahang sumaksi sa marangyang seremonyang gaganapin sa Philippine Military Academy sa Baguio City.

Si Hidilyn, matapos mahukay ang ginto sa Tokyo Games, ay na-promote bilang staff sergent ng Philippine Air Force mula sa kanyang regular na ranggong sarhento.

Sa Baguio rin ipinahayag ng dalawa ang kanilang napiapintong kasal noong Oktubre, 2021.

Sabay na niniulat ng dalawang pagtataliin sa sa banal na Sakaramento na personal nilang pinuntahan sa bahay si VP Leni para imbitahing maging ninang.

Si VP Leni at dating Senador Manny ang tatayong mga ninang at ninong sa kasal kabilang ang mga business tycoons na sina Manny V. Pangilinan ng MVP Group of Companies, Ramon S. Ang ng San Miguel Corp. at Teresita Tan Sy-Coson ng SM Investments Corporation.

Sina MVP, RSA at SMIC ANG mga walang sawang taga-suporta ni Hidilyn sa landas na kanyang tinahak patungong Olympic gold. At tatahakin pa para sa kanyang pangalawang ginto sa 2024 Paris Games at iba pang karangalan mula sa iba’t-ibang sporting arena sa mundo

Sina Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino at PBA chair Ricky Vargas ay bahagi rin ng wedding entourage.

Nakatakda ring gumampan ng kani-akanilag papel ang mga tanyag na artista sa pinilakang tabing na sina Angel Locsin na gaganap bilang matron of honor; Judy Anne Santos, principal sponsor; at Iza Calzado, bridesmaid; at Vicki Belo, principal sponsor.

Ilang matataas na pinuno ng Sandatahang Lakas, kabilang si Philippine Air Force (PAF) chief, Lt. Gen. Allen T. Paredes,ang inaasahang dadalo.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • BEN WHITTAKER PRESS CONFERENCE: EVERYTHING THAT WAS SAID AS NEW MATCHROOM SIGNING MEETS GAVAZI – PLUS: VUONG vs GWYNNE II
    Sun, 19 Oct 2025
  • BIADO, YAPP, AND DUONG POWER TEAM ASIA TO THE BRINK OF GLORY
    Sat, 18 Oct 2025
  • Prado, Catubig dominate DTI Run
    By Lito delos Reyes, Sat, 18 Oct 2025
  • YORK HALL FIGHT NIGHT RESULTS: GEORGE LIDDARD MAKES HISTORY TO BECOME THE YOUNGEST EVER BRITISH MIDDLEWEIGHT CHAMPION
    Sat, 18 Oct 2025
  • Usyk in Bare Knuckle event?
    By Gabriel F. Cordero, Sat, 18 Oct 2025
  • IIEE Singapore tops National Chess Olympiad, Quezon City Simba's Tribe wins 2 matches in PCAP
    By Marlon Bernardino, Sat, 18 Oct 2025
  • Liddard Destroys Conway to Claim British Middleweight Title, Becomes Youngest-Ever Champion
    By Dong Secuya, Sat, 18 Oct 2025
  • Keiron Conway vs George Liddard: Unbeaten Prospect Faces Stiff Challenge
    By Chris Carlson, Sat, 18 Oct 2025
  • Alicaba to fight for WBC Asian Continental super fly
    By Lito delos Reyes, Sat, 18 Oct 2025
  • DAY TWO: STARBOY MANAS STEALS THE SHOW AS TEAM ASIA EXTENDS PERFECT RUN
    Sat, 18 Oct 2025
  • MANNY PACQUIAO PROMOTIONS INTRODUCES CHIEF FINANCIAL OFFICER AND VICE PRESIDENT TONY COHEN
    Sat, 18 Oct 2025
  • Joseph Subia Signs with Wise Owl Boxing
    Sat, 18 Oct 2025
  • Sirimongkhol, Midgley Make Weight for WBF World Title in Thailand
    By Carlos Costa, Fri, 17 Oct 2025
  • ICTSI South Pacific on Oct. 28-31
    By Lito delos Reyes, Fri, 17 Oct 2025
  • PIONEERING FILIPINO BOXERS TAKE THE SPOTLIGHT ON FIL-AM HISTORY MONTH (PART II)
    By Dong Secuya, Fri, 17 Oct 2025