Mobile Home | Desktop Version




SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: Bagamat kritikal pa rin, nasa maayos na kalagayan na si Lydia de Vega

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Mon, 25 Jul 2022


Lydia de Vega.

Noong dekada 80s at 90s, nakaharap ng Pilipino sprinter na si Lydia de Vega ang pinakamahuhusay na mananakbong inilaban sa kanya sa kanyang event at pinanalunan niya ang halos lahat ng mga ito sa landas na tinahak niya para siya’y kilalaning “Pinakamabilis na Babae sa Asya“ at “Reyna ng Sprint” sa dakong iton ng daigdig.

Bumalik na sa Pilipinas si Diay, tawag sa kanya sa mundo ng track field matapos ang 17 taong pagtuturo sa Singapore at sa edad na 57 ay lumalaban pa rin, sa pagkakataong ito, para maligtas sa sakit na cancer at tulad ng dating pakikipag-karera niya, inaasahang mananalo siyang muli.

Nasa stage 4 na ng breast cancer si Diay at kasalukuyang nasa ospital.

“She’s now in stable condition, although still critical, according to her doctors,” ulat ng anak niyang dating manlalaro ng volleyball na si “Paneng” Mercado-de Koenigswarter sa reporter na ito noong Biyernes.

“Anything is possible pa daw, the doctors said so medyo marami pang test at operasyon ang dapat gawin. Hopefully, she makes it,” ani Paneng, dating La Salle volleybelles noong siya’y naglalaro pa at kasal kay David Koenigswarter, isang piloto.

“Hindi po pa rin makausap, kaya hindi pa puwedeng dalawin. That’s why we’re asking all those who want to visit my Mom na sana they understand the present situation. Sorry po to everybody na hindi rin namin masabi kung saang ospital siya naka-confine,” paliwanag ni Paneng.

Kinumpirma ni Philippine Sports Commission Officer-In-Charge, at abogadong si Guillermo Iroy, ang isinalaysay tungkol sa pabuting kalagayan ni Diay sa isang bukod na panayam.

Si Atty. Iroy ay nauna nang tumanggap ng utos mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyan si Diay ng lahat ng kinakailangang tulong para sa kanyang agarang paggaling.

“Yeah, Diay is now in stable condition, although, yun nga, medyo critical pa rin,” pahayag naman ni Atty, Iroy. “Fighter si Diay and she had repeatedly showed that during her Asia domination of all the competitions of all her events she took part in her reign as the region’s fastest woman in more than two decades.”

Siniguro ng PSC executive director sa anim na taong administrasyon ni Pangulong Duterte na ang kanyang ahensya “will be following to the letter President BBM’s directive to help Diay in her present predicament.”

“Nagpadala na ang PSC ng initial financial assistance to Diay’s family,” pagtatapat niya. “And I’ll be convening the incoming PSC board sometime to ask for more assistance.”

“The IOC’s power on this matter is limited, so I need the board to act on it,” dugtong niya. “Wala naman akong nakikitang problema para di masunod ang instruction ng Presidente.”

“Diay is a legitimate sports heroine at kailangang tulungan sa oras ng kanyang pangangailangan,” pagtitiyak ni Atty. Iroy.

Unang narating ni Diay ang pagkilala sa kanya bilang "Asia’s Fastest Woman” at "Asia’s Sprint Queen” noong taong 1979 nang magsimula niyang yanigin ang mundo ng track and field nang umani siya ng karangalan hindi lamang sa kanyang sarili kundi pati sa Pilipinas sa mga mahahalagang karerang kanyang nilahukan.

Sa kuwenta ng kolumnistang ito, si Diay ay nakalahok sa 95 na karera mula nang siya’y ma-diskubre. Sa kabuuang bilang na ito, 53 ay sa mga pandaigdigang arena kabilang ang dalawang International Amateur Athletic Federation (IAAF) championships.

Nong siya’y parangalan sa SCOOP’s Awards Night kung kailan si Diay ay napabilang sa Hall of Fame ng Sports Communicators Organization of the Philippines, siya ay nakaipon na ng 14 gold medal sa kanyang paboritong 100 meters, walo sa 200 meters, tatlo sa 400 meters at dalawa sa long jump.

Si Diay ay lumaban din sa triple jump, isang disiplinang sinimulan sa kababaihan noong 1990, na ipinanalo din niya sa kauna-unahan niyang paglahok dito sa National Open noong 1993.

Si Diay ay kauna-unahan at kaisa-isa pa lamang na babaeng sprinter na naghari sa dalawang sunod na Asian Games noong 1982 sa New Delhi at 1986 sa Seoul.

Siya pa rin ang nakakumpleto ng pambihirang mangyaring two golden sprint double sa Asian Amateur Athletic Association (4 As) championships nong 1983 sa Singapore at 1987 sa Jakarta, ang lunsod kung saan ay umiskor siya ng triple whammy nang pagharian niya ang 100 meters, 200 meters at long jump noong 14th SEA Games.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Two Pacquiaos on same card?
    By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025
  • OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
    By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025
  • Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
    By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025
  • WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
    By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025
  • Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
    Tue, 02 Dec 2025
  • USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
    Tue, 02 Dec 2025
  • THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
    Tue, 02 Dec 2025
  • Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
    Tue, 02 Dec 2025
  • Dejon Farrell Francis Turning Things Around
    Tue, 02 Dec 2025
  • WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
    Tue, 02 Dec 2025
  • PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
    Tue, 02 Dec 2025
  • Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
    By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025
  • Jimuel draws in pro debut
    By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025
  • Kevin Durant sets new NBA record
    By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025
  • LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
    Sun, 30 Nov 2025