Mobile Home | Desktop Version




SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: Bakit kailangang lumaban muli si Manny Pacquiao?

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Fri, 22 Jul 2022



Noong pasimula ng kasalukuyang taon ilang buwan matapos na ipahaayag ng maalamat na si Manny Pacquiao na tatapusin na niya ang kanyang makasaysayang 27 taong karera sa boksing, ang Pilipinas ay may limang pandaigdig na kampeon para kilalaning isa sa iilang bansa sa mundo na may ganoong karaming hari sa iba’t-ibang dibisyon ng sweet science.

Nandoon si Mark Magsayo na hawak ang korona sa feafherweight ng World Boxing Council; Jerwin Ancajas, International Boxing Federation super-flyweight; John Riel Casimero, World Boxing Organization bantamweight; Nonito Donaire. WBC bantamweight; at Rene Mark Cuarto, IBF minimumweight.

Isa-isa ang mga kampeong Pilipinong ito ay napaalis sa kani-kanilang trono, hangang sa ngayon, nasa kalagitnaan pa lamang ng taong 2022, ay wala na tayong maipagmamalaking kababayang naghahawak ng titulo.

Pebrero pa lamang, hindi inaasahang natalo si Ancajas ni Argentine Fernando Martinez, habang noong Mayo, ang kontrobersiyal na si Casimero ay nahubaran ng kanyang korona sa dahilang walang ni katiting na kaugnayan sa boksing.

Isang buwan ang nakalipas noong Hunyo, si Donaire naman ang nasipa sa tronong kanyang kinauupuan matapos gulpihin ng Hapong si Naoya Inoue sa kanyang mismong bakuran sa Saitama, Japan.

Isang linggo bago matapos ang paghahari ni Magsayo sa kanyang dibisyon, nagdusa si Cuarto sa isang kaduda-dudang desisyon sa Mexico.

At ang kahuli-hulihang Pinoy na nakatayo para ipagtanggol ang anumang naiiwang karangalan sa bansa, si Magsayo, ay bigo rin sa isang split decision laban sa Mehikanong si Rey Vargas sa Alamodome sa San Antonio, Texas, tahanan ng tanyag na Spurs sa US NBA.

Eh sino nga ba naman ang makakaisip na hindi pa natatapos ang taon ay wala nang maipagmamalaking kampeon ang Pilipinas sa sport na pinakamamahal ng mga Pilipino maliban sa basketball?

Malungkot, di po ba?

Lalo’t kung iisiping noong nakaraang buwan ng Hunyo lamang ay nakahulagpos din sa mga kamay ng mga Pilipinong basketbolista ang titulo sa Southeastg Asian Games na naagaw ng Indonesia na sa pangalawang pagkakaton lamang ay nanalo sa atin sa entabladong pang-internasyonal.

At nitong nnakaraang linggo pa lamang ay natalo ng Japan, sa unang pagkakataon, ang Team Pilipinas, at pigilan ang huli na makapasok sa quarterfinal round sa ginaganap na third window ng Asia Cup qualifier.

Hindi si Pacquiao, ang kaisa-isang nilalang sa ibabaw ng daigdig na ito na humawak ng 12 kampeonato sa walong dibisyon ng boksing, isang rekord na walang umaasang mababasag ng sinumang boksingero saan mang bansa nanggaling hanggang sa matapos ang milenyong ito.

Sa mga nakakakilala nga kay Manny, isa ito sa mga pangunahing dahilan upang, sa ika-apat na pagkakataon, ay magpahayag siyang aakyat muli sa ibabaw ng parisukat na lona hindi lamang para sa pera, karangalan at popularidad at lahat ng bagay na mayroon na siya kundi para makatulong na ibangon ang boksing sa kinarapaan nito.

Siya lamang, si Sen. Manny, ang makagagawa nito!

Babalik ang ating si Manny sa boksing sa Disyembre. Tiyak na ito at bagama’t sa isang labang eksibisyon lamang ang kanyang haharapin, sasala ang sandok sa palayok, pero hindi ang ganap na pagbabalik niya as ring.

Depende sa mga magyayari sa darating niyang labang magsi-silbing pagsubok sa iniisip niyang plano para mahango ang Philippine boxing sa balong kinasasadlakan nito sa kasalukuyan.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Two Pacquiaos on same card?
    By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025
  • OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
    By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025
  • Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
    By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025
  • WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
    By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025
  • Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
    Tue, 02 Dec 2025
  • USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
    Tue, 02 Dec 2025
  • THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
    Tue, 02 Dec 2025
  • Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
    Tue, 02 Dec 2025
  • Dejon Farrell Francis Turning Things Around
    Tue, 02 Dec 2025
  • WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
    Tue, 02 Dec 2025
  • PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
    Tue, 02 Dec 2025
  • Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
    By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025
  • Jimuel draws in pro debut
    By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025
  • Kevin Durant sets new NBA record
    By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025
  • LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
    Sun, 30 Nov 2025