
EJ, nasa Oregon na para sa World Athletic Championships
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 20 Jul 2022

Nakatakdang dumating noong Lunes (Martes sa Maynila) sa Eugene, Oregon si Pilipino pole vaulter Ernest John Obiena upang katawanin ang Pilipinas sa World Athletic Championships na kasalukuyang idinaraos sa nabanggit na lunsod sa Estados Unidos.
Sinabi ni Jeanette Obiena, ina ng pambato ng bansa at ng Asya sa kanyang paboritong disiplina, na umalis ang kanyang anak mula Los Angeles sa California, kung saan si EJ ay lumagi pansumandali, noong Lunes ng umaga patungong lugar ng pandaigdigang kompetisyon sa pagitan ng mga magagaling na atleta sa track and field sa mundo.
“Nagkausap kami sandali noong Sunday evening para ipaalam na aalis sila Monday ng madaling araw papuntang Eugene at doon tapusin ang kanyang paghahanda sa Worlds at at the same time ay join the competition,” pahayag ni Jeanette.
“Nakapag-praktis naman si EJ, ayon sa kanya, ng ilang beses sa karatig na Chula Vista training center para sa kanyang paghahanda after he was released from a 12-hour detention sa immigration office ng Los Angeles International Airport,“ ani ni Jeanette sa isang pakikipag-usap sa reporter na ito kahapon.
“Okay na daw naman si EJ at naka-rekober na sa malungkot na experience na naranasan niya habang nak-detain,” dugtong ng ina, isa ring atleta noong kanyang kapanahunan.
“First time kasi niyang maranasan ang pagkaka-detain kaya medyo nagkaroon ng bahagyang trauma,“ pagtatapat ng asawa ng dating pambansang pole vaulter na si Emerson.
Nais daw lamang sanang linawin ng mga kamag-anak ni EJ na hindi siya nakulong tulad ng mga report sa media na nabasa LA. Na-detain lamang siya,” paliwanag ni Jeanette.
“Iba daw kasi ang implikasyon ng nakulong na ang ibig sabihin ay kriminal siya na makasisira sa pagkatao niya bilang pambansang atleta at bilang Pilipino,” ani Jeanette.
Kalulunsad pa lamang ni “Flying Pinoy” sa LAX nang pigilan siya ng US Department of Homeland Security na umalis sa paliparan base sa sumbong ng isang whistleblower sa suspetsang pagtakas sa kasong kriminal na isinampa sa kanya ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) noong nakaraang taon.
Na naging dahilan para pigilan din ang may pang-anim na ranggong Pilipino sa mundo sa loob ng 12 ng US Immigration Department.
Galing sa Formea, Italya noon si EJ kung saan siya ay naka-base ilang taon na ang nakalilipas base sa athletic scholarship na natanggap niya mula sa International Athletics Federation. Si Obiena ay kaun a-unahan at kaisa-isa pa lamang na athletang Pilipino na nagawarann ng ganitong karangalan.
Ang mga akusasyong ipinataw kay EJ ay binawi ng lahat ng PATAFA na ibinalik siyang muli sa pagiging miyembro ng pambansang koponan sa nakaraang 31st SEA Games kung saan ayn nai-depensa niya ang kanyang korona sa pole vault na una n iyang akamit noong 2019 dito sa bansa.
Nakatakdang lumahok si EJ sa qualification round Worlds sa Biyernes, Hulyo 22 para maaka-abante sa Finals sa Hulyo 24.
Ang Asian record holder na nalampasan ang 5.93m Innsbruck, Austria on September 11, 2021 ay nangibabaw sa Taby Stavhoppsgala sa Sweden bago ang matagumapay niyang ng pagtatangggol, ng korona sa Hechingen, Germany bago mlumipad patungong Eugene.
Si EJ, na pinangaralan kailan lamang bilang “Outstanding Manilan in the field of sports, ay nakahukay din ng gintong medalya sa European City of Sports in L’Aquila, Italy dalawang linggo lamang ang nakararaan.
Si EJ ang kaisa-isang Pilipinong nakapasok sa Worlds makaraang si Filipino-American hurdler na si Eric Cray ay bigong makakuha ng tiket sa men’s 400m hurdles.
Si Cray na may ranggong pang-43 sa 400 hurdlers sa daigdig ay kinulang ng tatlong puntos sa top 40 na nagkamit ng tiket papuntang Oregon.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Rodrigo to challenge undefeated Sandoval in US
By Lito delos Reyes, Sat, 23 Aug 2025Round 12 with Mauricio Sulaimàn: Call to Action 12 Items for Boxers' Safety
By Mauricio Sulaimán, Fri, 22 Aug 2025Libranza vs Pangga headlines Elorde card on Aug 24
By Lito delos Reyes, Fri, 22 Aug 2025GM Antonio to compete in P100,000 top prize Rapid chessfest this Sunday in Roxas City, Capiz Province
By Marlon Bernardino, Fri, 22 Aug 2025AISAT Basic Ed football training starts
By Kim delos Reyes-Teves, Fri, 22 Aug 2025Josh Navarro Scores Another Win in Pomona, California
By Carlos Costa, Fri, 22 Aug 2025UNDEFEATED CRIZTIAN PITT LAURENTE SET TO FACE HEBI MARAPU FOR IBF PAN PACIFIC TITLE
Fri, 22 Aug 2025Dare To Enter: Undefeated WBC Interim Champion Vergil Ortiz to Defend Super Welterweight Title From Number 1 Contender Erickson “The Hammer” Lubin
Fri, 22 Aug 2025Euri Cedeno Takes on Willie Jones on Friday, September 5th at Wind Creek Event Center in Bethlehem, PA
Fri, 22 Aug 2025COE AND HART CLASH ON BOOTS ENNIS CARD IN PHILADELPHIA
Thu, 21 Aug 2025‘There's nothing that he brings to the table that I've not got an answer for’ Sam Rennie on upcoming fight at Thunderdome 51
Thu, 21 Aug 2025JAMAINE "THE TECHNICIAN" ORTIZ TRAINING CAMP NOTES
Thu, 21 Aug 2025Gervonta Davis vs. Jake Paul: Exhibition Bout Announced for November
By Gabriel F. Cordero, Thu, 21 Aug 2025Legendary boxing coach John Brown Compares cornering Tommy Morrison & Rising young star Marco Romero
Thu, 21 Aug 2025World Kid to Host Meet-and-Greet and Open Workouts In advance of “The Return” on August 31 in Detroit
Thu, 21 Aug 2025