
Pinoy vaulter EJ Obiena, laya na sa pagkakap-kulong sa US
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Mon, 18 Jul 2022

Umiral na naman ang pagka-utak talangka ng ilan sa ating mga kababayan.
Sa panahong ang akala ni Pilipino pole vaulter Ernest John Obiena at ng buong komunidad ng palakasan sa Pilipinas na tapos na ang problema niya sa Philippine Athletics Track ang Field Association (PATAFA), ay heto na naman ang ilang kababayan niyang malinaw na walang magawa at nagsumbong umano sa US Department of Homeland Security na sariwa pa ang kaso.
Na naging dahilan sa pagkaka-detine ng may pang-anim na ranggong Pilipino sa loob ng 12 oras sa suspetsang pagtakas sa kasong kriminal na isinampa sa kanya ng PATAFA noong nakaraang taon.
Ang 26 anyos na si Obiena at kalulunsad pa lamang sa Los Angeles International Airport noong Hulyo 7 galing sa Italya kung saan siya naka-base para magtayo ng training camp sa Chula Vista kaugnay ng kanyang paghahanda sa World Athletics Championships na gaganapin sa Eugene, Oregon.
Nakatakdang lumahok si EJ sa qualification round ng kompetisyon sa Hulyo 22 para maaka-abante sa Finals sa Hulyo 24.
Ganoon na lamang ang gulat si EJ Obiena nang siya ay hulihin ng mga atoridad ng US Immigration sa hinalang siya ay takas. Hinihinalang may mga di kilalang whistleblower ang nagsumbong sa atoridad “with the intent to disrupt his entry into the US and disrupt his effort to (win a medal) medal for the Philippines.”
May kopya ang mga opisyal ng US immigration ng ulat ng press tungkol sa akusasayon ng PATAFA na ang pole vaulter ay naglustay ng pondo at nag-palsipika ng dokumento ng pagsasara ng halagang nagtanggap niya mula sa Philippine Sports Commission.
Akusasyong nang malaunan ay binawi at nagbigay daan para siya ay patawarin ng Commission on Audit laban sa anumang anomaly kaugnay nito. Katunayan si EJ ay naidepensa na ang kanyang korona sa nakaraang 31st SEA Games na idinaos sa Hanoi , Vietnam kamakailan lamang.
Sa kanyang pagkakakulong, nakumbinse ni EJ ang mga atoridad na wala siyng kasalanan na nagbigay daan para siya ay palayain kasabay ng paghingi ng kapatawaran ng mga opisyal ng US Immigration at ituloy ang pagtatayo niya ang training camp sa Chula Vista kung saan siya ay nandoon sa kasalukuyan at nagpapatuloy sa kanyang paghahanda sa pinaka-malaking kompetisyong lalahukan niya sa labas ng Olympic Games.
“It was an unfortunate incident to be held in detention without fully understanding the basis,” bulalas ni Obiena maapos makalaya. “It definitely threw me off a bit. But it worked out. I’m back in training and focused on doing my best for my country.”
Sa isang pahayag, sinabi ng team ni Obiena na ang Batang Tundo a kumuha abogado sa US “to fully cooperate with all parties to investigate this matter as false whistleblowing violates multiple US laws.”
Siniguro naman ni EJ na ang nangyari ay kakalimutan nan niya at “I’m focusing on my preparations going to Eugene.”
Ang tuwing ikalawang taong World Championship na idinaraos sa ilalim ng World Athletics ay pinakamagtaas a lebel ng kompesatisyon sa senior international outdoor track and field tulad ng Olympic Games.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
BEN WHITTAKER PRESS CONFERENCE: EVERYTHING THAT WAS SAID AS NEW MATCHROOM SIGNING MEETS GAVAZI – PLUS: VUONG vs GWYNNE II
Sun, 19 Oct 2025BIADO, YAPP, AND DUONG POWER TEAM ASIA TO THE BRINK OF GLORY
Sat, 18 Oct 2025Prado, Catubig dominate DTI Run
By Lito delos Reyes, Sat, 18 Oct 2025YORK HALL FIGHT NIGHT RESULTS: GEORGE LIDDARD MAKES HISTORY TO BECOME THE YOUNGEST EVER BRITISH MIDDLEWEIGHT CHAMPION
Sat, 18 Oct 2025Usyk in Bare Knuckle event?
By Gabriel F. Cordero, Sat, 18 Oct 2025IIEE Singapore tops National Chess Olympiad, Quezon City Simba's Tribe wins 2 matches in PCAP
By Marlon Bernardino, Sat, 18 Oct 2025Liddard Destroys Conway to Claim British Middleweight Title, Becomes Youngest-Ever Champion
By Dong Secuya, Sat, 18 Oct 2025Keiron Conway vs George Liddard: Unbeaten Prospect Faces Stiff Challenge
By Chris Carlson, Sat, 18 Oct 2025Alicaba to fight for WBC Asian Continental super fly
By Lito delos Reyes, Sat, 18 Oct 2025DAY TWO: STARBOY MANAS STEALS THE SHOW AS TEAM ASIA EXTENDS PERFECT RUN
Sat, 18 Oct 2025MANNY PACQUIAO PROMOTIONS INTRODUCES CHIEF FINANCIAL OFFICER AND VICE PRESIDENT TONY COHEN
Sat, 18 Oct 2025Joseph Subia Signs with Wise Owl Boxing
Sat, 18 Oct 2025Sirimongkhol, Midgley Make Weight for WBF World Title in Thailand
By Carlos Costa, Fri, 17 Oct 2025ICTSI South Pacific on Oct. 28-31
By Lito delos Reyes, Fri, 17 Oct 2025PIONEERING FILIPINO BOXERS TAKE THE SPOTLIGHT ON FIL-AM HISTORY MONTH (PART II)
By Dong Secuya, Fri, 17 Oct 2025