
SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: Maputol na kaya ni Kayla Sanchez ang 90 taong pagkauhaw ng bansa sa Olympic medal sa swimming?
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Mon, 18 Jul 2022

Kayla Sanchez.
Kung nalalaman sana noon ni Filipino-American diver Victoria Manalo Draves na posible niyang katawanin ang Pilipinas noong 1948 Olympic Games na ginanap sa London, England Hulyo 29-Agosto 14, noon pa lamang sana’y nakamit na ng bansa ang kauna-unahang gintong medalya nito sa tuwing ika-apat na taong palaro na tinawag ding “The Greatest Sports Show On Earth.”
Si Vicki, anak ng isang chef at musician na si Teofilo Manalo at British maid Gertrude Taylor, bago naging miyembro ng Olympic US swimming team ay katakot-takot na hirap ang pinagdaanan dala ng noon ay umiiral na diskriminasyon sa Amerikka laban sa mga dayuhang ang kulay ng balat ay hindi kasimbusilak ng mga katutubong Amerikano.
Pero dahil nga sa kanyang kahusayang sumisid ay nakuha nga siyang Olympian at nakapag-uwi ng dalawang gold medal, tig-isa sa platform at springboard diving events sa palarong tumapos sa 12-taong hindi pagdaraos nito mula noong 1936 Games sa Berlin dala ng World War II.
Ang Fil-Am ang siya ring tinanghal na kauna-unahang Amerikanong maninisid na babae na nagwagi ng kambal na gintong medalya sa kasaaysayan ng Olympics. At kauna-unahan ding Asyano-Amerikanong nakagawa nito.
Ang kabayanihan sanang ito ni Manalo-Draves ang nagsilbing hudyat ng kapangyarihan ng mga kababaihang Pilipino sa larangan ng palakasan na kamakailan lamang ay ipinakita ni weigtlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Pilipina na nakapag-uwi ng isang gintong medalya at isang pilak buhat sa Olympics.
At ni equestrienne Mikee Cojuangco-Jaworski, kauna-unahang Pilipina na nahalal bilang miyembro ng makapangyarihang Execuitive Board ng International Olympic Committee.
At nina golfers Yuka Saso at Bianca Pagdanganan at skateboarder Margie Didal na gaya ni Diaz ay kinompleto ang apat na kababaihang tanging nagsipag-uwi ng gintong medalya mula 2018 Asian Games na idinaos sa Jakarta.
May ilan pang mga Fil-Am na manlalangoy ang sana’y nagsipag-dala ng pangalan ng bansa at ng lahing Pilipino sa Olimpiyada. Kahuli-hulihan sa kanila ay si Natalie Coughlin ng 2004 Athens Games fame na humakot ng limang medalya – 2 ginto, 2 pilak at 1 tanso.
Inulit ng batambata at talentadong manlalangoy na si Coughlin na tubong Vallejo sa Northern California, ang kanyang kabayanihan apat na taon ang nakalipas sa Beijing kung saan siya ay opisyal na pinarangalan bilang “Swimmer of the Year” dala ng 12 niyang tagumpay sa US NCAA swimming meets.
Samantalang si Vicki Manalo Draves ay hindi man lamang naisipang imbitahin ng noon ay naghaharing Philippine Amateur Simming Association (PASA) na dalhin ang pangalan ng bansa sa mga sumunod pang kompetisyong nilahukan niya matapos ang London Games, sinubok asosasyong makuha si Coughlin na katawanin ang Pilipinas sa lahat ng kompetisyong lalahukan nito.
Na hindi naman nangyari.
May ilang linggo pa lamang ang nakararaan, isa na namang dayuhan atletang may dugong Pinoy na nananalaytay sa kanyang mga ugat – ang dalawang beses na Canadian Olympian na si Kayla Sanchez ang boluntaryong nagpahayag ng kanyang pagnanais na madala ang bandilang Pilipino sa lahat ng kompetisyong maari niyang kanyang salihan sa hinaharap.
Ito ay matapos siyang makakuha ng permiso mula sa Swimming Canada na magpapalaya sa kanya na dalhin ang anumang bansang napili niya sa mga nalalapit na kompetisyon, kabilang ang 2024 XXXIII Games of the Olympics na gaganapin sa Paris kung saan ang Pilipinas ay nagsimulang lumahok sa pinakamalaki at pinaka-prestihiyosong palaro sa pagitan ng mga magagaling na atleta sa buong mundo.
Si Sanchez, miyembro ng Canadian Senior National Team simula 2017, ay ipinanganak sa Singapore ng kanyang mga magulang na kapuwa Pilipino. Ang kanyang malapit na koneksiyon sa kasaysayan ng kanyang pamilya, ayon sa kanya ang nagbunsod sa kanya na maglaro dalaa ang poangalan ng Pilipinas at ng Lahing Kaayumanggi.
“I’ve always been really proud of my Filipino heritage,” wika ni Sanchez, ayon sa kanyang pahayag na ibinigay sa sa Swimming Canada.
“Aside from how much I’ve grown and how good everything has been in Canada, I needed to make this really difficult decision for myself and my family to take this opportunity to represent the Philippines,” dugtong niya.
“I want to help inspire people that are like me to swim and get into the sport,” anang 21 anyos na idinagdag pa ang “possibility of changing nationalities,” na pinagbigyan ng Swimming Canada para siya palayain mula sa huling araw ng World Championships na ginanap Hunyo 25.
At di tulad ng mga kaso nina Manalo at Coughlin, buong pusong tatanggapin ito ng PASA lalo’t wala pang ni isang manlalangoy na Pilipino ang nakapag-uwi ng kahit anong kulay medalya mula pa noong si Teofilo Yldofonso ay handugan ang bansa ng dalawang sunod na bronze medal kapuwa sa 200 meter breaststroke noong 1928 sa Amsterdam at 1932 sa Los Angeles.
Taong 1982 huling nakapagdala ang Pilipinas ng Asian Games medal medalya sa kagandahang loob ni Billy Wilson -- gold sa 200 freestyle, silver sa 400 freestyle at bronze sa 1500 freestyle.
Si Sanchez ay lumaki sa Scarborough, Ontario at siya ay naging miyembro ng Swimming Canada High Performance Centre makaraan ang 2016 Olympic Games in Rio. Nakapag-uwi siya ng silver medal mula sa Junior Pan Pacific Championships noong tag-init na iyon.
Kinatawan niya ang Canada ng tatlong beses sa LC World Championships. Nakapag-uwi siya ng dalawang Olympic medal sa relay mula 2020 Tokyo Games at anim sa Worlds.
“I am so thankful and appreciative of Canada. I wouldn’t be the athlete I am today without the support and how much I grew and learned,” ani Sanchez.
“It’s just a point in my life where it’s time for a change. I am stepping into a new point in my swim career where I can start to focus on myself and at the same time I’m hoping to help people in the Philippines.”
Ayon sa FINA Rules, si Sanchez ay hindi makalalangoy dala ang Pilipinas isang taon makaraang siya’y pakawalann ng Swimming Canada (Hunyo 25). Makakalahok siya sa 2023 World Championships sa Fukuoka, Japan, Hulyo 14-30 ng nasabing taon.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Rodrigo to challenge undefeated Sandoval in US
By Lito delos Reyes, Sat, 23 Aug 2025Round 12 with Mauricio Sulaimàn: Call to Action 12 Items for Boxers' Safety
By Mauricio Sulaimán, Fri, 22 Aug 2025Libranza vs Pangga headlines Elorde card on Aug 24
By Lito delos Reyes, Fri, 22 Aug 2025GM Antonio to compete in P100,000 top prize Rapid chessfest this Sunday in Roxas City, Capiz Province
By Marlon Bernardino, Fri, 22 Aug 2025AISAT Basic Ed football training starts
By Kim delos Reyes-Teves, Fri, 22 Aug 2025Josh Navarro Scores Another Win in Pomona, California
By Carlos Costa, Fri, 22 Aug 2025UNDEFEATED CRIZTIAN PITT LAURENTE SET TO FACE HEBI MARAPU FOR IBF PAN PACIFIC TITLE
Fri, 22 Aug 2025Dare To Enter: Undefeated WBC Interim Champion Vergil Ortiz to Defend Super Welterweight Title From Number 1 Contender Erickson “The Hammer” Lubin
Fri, 22 Aug 2025Euri Cedeno Takes on Willie Jones on Friday, September 5th at Wind Creek Event Center in Bethlehem, PA
Fri, 22 Aug 2025COE AND HART CLASH ON BOOTS ENNIS CARD IN PHILADELPHIA
Thu, 21 Aug 2025‘There's nothing that he brings to the table that I've not got an answer for’ Sam Rennie on upcoming fight at Thunderdome 51
Thu, 21 Aug 2025JAMAINE "THE TECHNICIAN" ORTIZ TRAINING CAMP NOTES
Thu, 21 Aug 2025Gervonta Davis vs. Jake Paul: Exhibition Bout Announced for November
By Gabriel F. Cordero, Thu, 21 Aug 2025Legendary boxing coach John Brown Compares cornering Tommy Morrison & Rising young star Marco Romero
Thu, 21 Aug 2025World Kid to Host Meet-and-Greet and Open Workouts In advance of “The Return” on August 31 in Detroit
Thu, 21 Aug 2025