Mobile Home | Desktop Version




Kaunlaran ng Philippine sports, pag-uukulan ng pansin ng administgrasyon ni Pangulong BBM

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Fri, 01 Jul 2022



Mula sa araw na ito, Hulyo 1, ang bagong kahahalal na Pangulo ng bansa, si Chief Executive Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ang uugit na ng pamahalaan sa susunod na anim na taon.

Mula sa SAKSI NGAYON SPORTS, PHILBOXING at kolumnistang ito, ipinaablot namin kay Panguling BBM ang aming malugod na pagbati sa kanyang pagkakahalal noong eleksiyong ginanap noong Mayo 9 at inagurasyon kahapon.

Marami na ang nangyari mula nang mga di malimimutang araw na iyon. Ilang miyembro na ng kanyang gabinete ang napangalanan, kabilang ang kanyang economic team para kumatha ng ma programang layon mapaunlad ang ekonomiya at kalagayann nating mamamayan na sa mga arqw na ito ay halos lugmok na.

Ilang mga atleta, dating atleta at lider sa sports sa bansa ang nagpapadala sa atin ng mensahe na nagtatanong kung ano ang magiging kinabukasan ng sports sa Pilipinas sa harap, anila, sa pagkakaputol ng ating 97 taong pagkauhaw sa gintong medalya mula sa Olympic Games noong nakaraang palaro nang 2021.

Wala pang malinaw na pahayag mula Palasyo ng Malakanyang ang nagsasabi kung anong mga bagong programa ang iopatutupad ng bagong administrasyon tungkol dito.

Subalit batay sa ilang panayam sa kanya ng kolumnistang ito noong siya’y senador pa, siguradong ang sports ang isa sa mga pangunahing pag-uukulan ng pansin ni BBM sa kanyang pamamahala.

Pagod na marahil sa mga pagkatalong nalalasap ng mga atletang Pilipino noong mga panahong iyon, nanawagan ang nakababatang Marcos sa lahat ng stakeholder na magkaisa para sa pagbabago ng istraktura ng noon ay umiiral na programa sa ikauunlad ng palakasan sa Pilipinas.

Sa isang sesyon ng SCOOP (Sports Communicators Organization of the Philippines) Sa Kamayan ipinanukala ni Marcos “the need to replace the present sub-cabinet Philippine Sports Commission with a cabinet-level Department of Sports.”

Sa kanyang speech sa Gabriel “Flash” Elorde Awards Night and Banquet of Champions ilang taon na rin ang nakararan, ipinangako ni BBM ang kanyang suporta sa lahat ng bills na may kaugnayan sa sports na nakabinbin pa sa senado, kabilang ang paglikha ng National Department of Sports upang matigil na ang patuloy na kabiguan ng Pilipino sa mga interhasyonal kompoetisyong nilalahukan nila.

“Why is it that we are languishing in the medal tallies in regional and international competitions? tanong niya sa mga nakikinig. “Kahiya-ahiya ang nagiging performance natin sa mga international competitions.”

Pinuna rin ng dating gobernador ng Ilocos Norte ang kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan kaugnay ng program para masiguro ang kanilang kinabukasan sa panahong sila’y retirado na. Ipinangako rin niya ang kanyang todong suporta sa kaganapan nito,

“I am making this pledge before you all that our Filipino boxers and athletes can and will expect my full supports as your legislator and as a Filipino,” aniya.

“Masugid kong susuportahan ang mga panukala sa Senado na naglalayong matulungan ang ating mga boksingero at atleta,” pangako niya.

Napuna rin ni Marcos na tila ang Philippine Sports Commission kinukulang sa mandato nitong protektahan ang mga atleta at coach kasabay ng panawagang; “you can help open the eyes of the government and convince your legislators on the urgency of making changes to our present system, as well as to the wisdom and importance of sports in the government’s responsibility and duty to build a strong and healthy citizenry.”

“Pagkaisahan natin at gawin nating “killer combination” ang pagtutulungan nating ito. At kung sa harap ng lahat ng ito, ay ayaw pa ring makinig ang mga opisyal sa pamahalaan, may “knock-out punch” pa rin sa pamamagitan ng balota at botohan,” pabirong wika ni Marcos.

“Magtulungan po tayong lahat para mapaganda ang larangan ng boksing at ng sports ng ating bansa, Bukas po ang aking tanggapan para sa inyong lahat sa anumang mga sangguni at mga mungkahi na nais ninyong iparating sa akin,” dugtong niya.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Two Pacquiaos on same card?
    By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025
  • OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
    By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025
  • Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
    By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025
  • WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
    By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025
  • Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
    Tue, 02 Dec 2025
  • USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
    Tue, 02 Dec 2025
  • THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
    Tue, 02 Dec 2025
  • Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
    Tue, 02 Dec 2025
  • Dejon Farrell Francis Turning Things Around
    Tue, 02 Dec 2025
  • WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
    Tue, 02 Dec 2025
  • PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
    Tue, 02 Dec 2025
  • Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
    By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025
  • Jimuel draws in pro debut
    By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025
  • Kevin Durant sets new NBA record
    By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025
  • LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
    Sun, 30 Nov 2025