Mobile Home | Desktop Version




Salamat sa "Thrilla In Manila," nagbago ang tingin ng mundo sa Pilipinas

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Tue, 28 Jun 2022




Alam ba ninyo na ang paghaharap nina Muhammad Ali, “The Greatest,” at “Smokin “Joe Frazier para sa kampeonato sa heavyweight sa daidig na hawak ng una na bininyagang “Thrilla In Manila” at natakdang maganap dito sa Maynila noong Oktubre 1, 1975 ay muntik nang hindi matuloy?

Dahil sa, ayon na rin kay Louisville Lip mismo, sa masasamang balitang nababasa niya noon sa malalaking pahayagan sa Estados Unidos tungkol sa Pilipinas ang nagbunsod sa kanya upang di tuparin ang bahagi niya sa kontrata.

Sa isang impormal na pakipag-usap ni Ali sa mga mamamahayag sa kanyang Manila Hotel suits ilang araw bago ang laban, inamin ng kampeon na nangangamba siya at miyembro ng kanyang kampo sa kanilang kaligtasan sa pagpunta sa Pilipinas.

Marami, aniya ang nagpayo sa kanya, ilan mismo dito ay mga Pilipino, na mapanganib na magpunta sa Maynila. May mga nagsabi sa kanya, dugtong ni Ali, na “there was shooting on the streets and fighting and people getting killed and that the Filipino people were no good.” “They (Filipinos) hate you, you are muslim, they are killing muslims, it’s just like Hitler.” Pagdating lamang niya at ni Frazier, kaya niya napagtanto na ang lahat ng mga narinig niya tungkol sa Pilipinas at mga Pilipino, kay Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay salat sa katotohanan.

“Lying dogs, lying people!” bulalas ng kampeon tukoy ang mga dayuhang mamamahayag), “Filipinos are the sweetest people in the world. I see muslims and Christians hugging ang kissing each other.”

Noong mga panahong iyon, tulad ng mga kaganapan ngayon, ay nasa kainitan ang kampanya ng mga kalaban ni Marcos na hiyain siya at ang itinatag niyang New Society subalit sa halip na mangyari ito, ang nasira at napahiya ay ang buong bansa at ang lahing Pilipino.

Kalaunan, ani Ali, ay napag-isip-isip niyang tumuloy sa Pilipinas kung saan ay nalaman niyang lahat ng mga negatibong balitang ikinakalat ng mga dayuhang press “were nothing but lies, lies, lies.”

“When white men in America and some of my own Muslim brothers tol dme about those horrible stories about the Philippines, that made me more determined to get to the truth,” aniya.

“I will believe it (only) when I see for myself,” wika ni Ali. ’And what I have been seeing (since setting my foot here) are the exact opposite of what I was told.”

Sa mga narinig niya tungkol kay Pangulong Makoy, sinabi ni Ali: “he is a great and humble man who is trying to do what is best for his people. It was a great honor to meet a man of his stature and courage.”

Ayon kay Ali, si Marcos ang nagbigay sa kanya “the right and privilege to be paid for his work, which I will use as what I had done in the past, and what the President would’ve wanted it, help poor people by building schools, hospitals, houses and enabling colored children to have decent future.”

Pinuri ng kampeon ang pamahalaan sa pagsisikap nitong madala ang laban sa Pilipinas para mabago ang pagtingin ng buong daigdig sa bansa at sa mga Pilipinong pinipilit sirain ng mga taong ang hangad ay maupo sa kapangyarihan.

At talaga namang 47 taon na ang nakararaan mula ng matapos ang saga ng Thrilla in Manila, kahit na ano ang nangyari sa dalawang nagharap, na kapuwa pumanaw na, ang alaala ng huli sa tatlong beses nilang pagkikita sa ring ay patuloy na namamalagi sa isipan ng lahat – Pilipinas, Mayniia, Pilipino at ang kanilang kagandahang asal kung bakit sila napamahal sa lahat ng tao sa mundo.

Thrilla in Manila --The fight of the Year, The fight of the Century, The Greatest Fight of All Time, -- ay hndi lamang nagpatingkad sa karangalang “The Greatest” kay Ali, ito rin, salamat kay Ali, Frazier at Pangulong Marcos, ang nagsilbing instrumentong nagbalik Pilipinas sa pagkilalang muntik na maglaho dahil sa maduming uri ng pulitika.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Shakur vs Zepeda & Morrell vs Khataev Fight Analysis
    By Ralph Rimpell, Thu, 10 Jul 2025
  • Peñalosa To Test "Lover Boy" Llover Versus Accomplished Panamanian Veteran Concepcion
    By Teodoro Medina Reynoso, Thu, 10 Jul 2025
  • USA Boxing Youth High Performance Team Begins Brandenburg Cup Prep Camp
    Thu, 10 Jul 2025
  • Dream Fight: “Bam” Rodriguez vs “Puma” Martinez on the Horizon
    By Carlos Costa, Thu, 10 Jul 2025
  • Perez vs Vivas Headlines All Star Boxing's Prueba de Fuego Card on July 25
    Thu, 10 Jul 2025
  • Christy Martin Promotions & Ringside Ticket Inc. Present ‘Lopez Vs. Vargas’ Welterweight Battle
    Thu, 10 Jul 2025
  • Vegas Fight Experience Where Authentic Sparring Meets Cinematic Vegas Energy
    Thu, 10 Jul 2025
  • 4 Division World Champion & Hall of Famer Erik Morales Confirmed for Eighth Annual Box Fan Expo, During Mexican Independence Day Weekend, Saturday September 13, in Las Vegas
    Thu, 10 Jul 2025
  • SALITA PROMOTIONS SIGNS FORMER WORLD CHAMPION TONY HARRISON
    Thu, 10 Jul 2025
  • FIGHT EMPIRE! TUAZON, ADOR, DE BARBO, JOMAR, AND MORE ARE READY FOR ACTION IN BRICO SANTIG'S EXCITING SHOW JULY 12 IN THAILAND
    By Carlos Costa, Wed, 09 Jul 2025
  • Shakur Stevenson and David Morrell Face "Crossroad Fights" This Saturday in Queens
    By Ralph Rimpell, Wed, 09 Jul 2025
  • Christy Martin’s “Mayhem in Music City 2” to Feature Undefeated Vic Hernandez Facing Jayvon Garnett for NABA & Jr. NABF Featherweight Championships
    Wed, 09 Jul 2025
  • James Perkins & Anthony Andreozzi Headlines “Oceanside Prize Fights”
    Wed, 09 Jul 2025
  • GORST PURSUES GOLDEN GLORY IN JEDDAH, DEFENDING WORLD POOL CHAMPIONSHIP TITLE IN SAUDI ARABIA, 21–26 JULY
    Wed, 09 Jul 2025
  • Hovhannisyan and Barrientes Set for High-Stakes Showdowns July 18 on DAZN
    Tue, 08 Jul 2025