SALA SA INIT ... SALA SA LAMIG: Pancho Villa: Kauna-unahang Pilipinong kampeong pandaigdig sa boksing
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Thu, 23 Jun 2022
Siyamnapu at siyam na taon ang nakalipas nitong buwang ito, ang Pilipinong si Pancho Villa ay naging kaunaunahang boksingero mula sa dalampasigang ito at maging sa Asya, na tanghaling kampeong pandaigdig sa sport na pinili niyang maging propesyon.
Noong ika 18 ng Hunyo, taong 1923 nang ang noon ay 22 anyos na si Villa, Francisco Guilledo sa tunay na buhay at anak ng isang vanquero (manggagawa sa isang asyenda) at inang iniwan ng asawa, ay pinatulog ng mahimbing si Jimmy Wilde ng Wales sa pitong round para iuwi ang pandaigdig na korona sa flyweight (112 librang dibisyon) at isulat ang kanyang pangalan sa Hall of Fame ng Boksing 36 taon matapos siyang pumanaw.
Sa pagtatapos ng nakaraang milenio, pinangaralan si Villa ng isang grupo ng international media bilang "Best Flyweight” ng nakaraang 100 taon bilang pagkilala sa kanyang dakilang nagawa bukod sa paglalagay ng Pilipinas at ng salitang Pilipino sa mapa ng pangaigdigang palakasan.
Punong-puno ng manonood ang popular na Polo Grounds sa New York ng 23,000 tagasunod ng boksing, karamihan sa kanila ay mga Pilipino na nagbayad ng $94, itinuring noon na isa sa pinaka-malaki, para mamamalas kung paano iginuhit ng isang may kaliitang Pilipino ang kasaysayan.
Dinomina ni Pancho ang kulang kalahating oras na pagtutuos sa pamamagitan ng malalakas at mabibilis na kaliwa’t kanang kombinasyon na nagpabagsak sa Welshman ng apat na beses sa loob ng napakaigsing panahong iyon at ibulsa ang titulo.
Nang si Pancho at ang kanyang mga handler ay umakyat sa ring noong araw ng Lunes na iyon, base sa ulat ng mamahayag na si Manuel Villa-Real para sa TVT chain of newspapers, sigaw na "Viva … Villa" ang pumuno sa mala-heganteng arena.
Bagamat niyakap ng mga Amerikano si Villa ay kababayan nila sa dahilang ang Pilipinas noon ay nasa ilalim ng pamahalaang Commonwealth, si Pancho ay itinuring na dehado sa pustahan.
Si Villa ay tumimbang ng 110 libra, si Wilde 109, ayon sa report ni Villa-Real, Lolo ng four-time Bowling World Cup champion Paeng Nepomuceno.
Bata pa magulang na nagmamay-ari ng simbilis ng kidlat na kaliwang jab at nakamamatay na one-two-attack, naging maingat si Pancho sa pagsisimula ng laban dala ng babalang malakas na kanang suntok ng kalaban.
Sa kalagitnaan ng unang round, duguan na ang kanang mata ng nagtatanggol na kampeon dala ng mabibigat ng kanang tinanggap niya mula sa Pilipino bagamat tinangka pa rin ni Wilde na makapagpalitan ng suntok na sa bandang huli ay lumabas na pinaka-malaki niyang pagkakamali.
Sarado na ang dumudugong mata ni Wilde pagdating na third round. Bagsak si Wilde sa sumunod na yugto kasabay ng sigawang “ihinto,na ang laban … ihinto na ang laban! ” mula sa mga manonood.
Lugmok na muli si Wilde sa ika-limang round kung kailan si Pancho naman mistulang nakikiuusap sa reperi na ihinto na ang laban upang matigil na ang parusang tinatangggap ng kalaban.
Tumangging sumuko si Wilde na nagdala kay Pancho na luwagan ang pag-atake. Pagkapuna nito, nilapitan si Pancho ng kanyang manager at foster father na si Francisco "Paquito" Villa matapos ang round at tanungin ang kanyang alaga kung ano na ang nangyayari.
Sinagot siya ni Pancho na nang pagtutuos ay nauwi na sa senseless slaughter. "Finish him off then," sagot na pasigaw ng manager. Pagtunog ng kampana hudyat ng pagsisumula ng ika-pitong round, umamba si Pancho na magbibitiw ng kanan na nagbigay daan para itaas ni Wilde ang kanyang depensa.
Sanamantala ito ni Pancho na nagpatama ng isang kaliwa sa sikmura, kanan sa panga na nagpa-bagsak muli sa kawawang Weilshman, na kilala sa tawag na "Mighty Atom," na hindi na nakabangon sa limang minutong pagkakahiga sa lona.
Tapos na ang laban!
At habang tinutulungan ni Pancho ang kanyang biktima patungo sa corner nito, lumapit sa kanya ang isang babaeng asawa pala ni Wilde na nagpasalamat sa kanyang pagka-maginoong ikinilos.
Habang ang crowd ay hinandugan ang bagong kampeon ng isang masigabong palakpakan.
Dinala si Jimmy ng kanyang mga handler pabalik sa dressing room na halos tulog pa, duguan ang bibig namamagang mukha at saradong mga mata.
Ang ulat makalipas ang ilang panahon ay si Wilde ay hindi na nakakitang muli.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Ortega wins Laguna chess
By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
Tue, 24 Dec 2024FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
Tue, 24 Dec 2024IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
Tue, 24 Dec 2024NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024Where Have All THE Heavyweights Gone?
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
Mon, 23 Dec 2024Beltran loses by KO in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
Mon, 23 Dec 2024Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
Mon, 23 Dec 2024Quirante KOs former teammate in 4th round
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Santisima, Portes bow in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
Sun, 22 Dec 2024Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024