Mobile Home | Desktop Version




Atletang Pinoy na bayani rin sa pagtatanggol ng kalayaan

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Mon, 13 Jun 2022



Kahapon, araw ng Linggo, ika-12 ng Hunyo, ay ipinagdiwang ng Pilipinas ang ika 124 anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan. At, gaya ng kinaugalian tuwing sasapit ang araw na ito, ay ginunita din natin ang kabayanihan ng mga matatapang nating kababayang sinakripisyo ang kanilang buhay sa pagtatangol ng kalayaan.

Lingid sa kaalaman nng marami, kabilang ang pinakamatataas na lider ng sports sa bansa, 52 atletang Pilipino, siyam sa kanila ay Olympian, na bukod sa pagwawagayway ng ating bandila sa iba’t-ibang pang-internasyonal a kompetisyon sa iba’t-iang panikg ng daigdig, ay itinaya rin ang kanilang buhay sa larangan ng digmaan.

Sa kabuuang bilang, 19 sa kanila ang nagdala sa pangalang Pilipinas at sa saliang Pilipino sa iba’t-ibang kompetisyon sa athletics, 10 sa swimming, siyam sa baseball, lima sa basketball, tatlo sa boxing, tig-dalawa sa football at tennis at tig-isa sa wrestling at shooting.

Noong Hulyo 17, 1951, isang plakeng may sukat na 33x24 na pulgada na gawa sa bronze na nagtataglay ng kanilang mga pangalan ang ikinabit sa dingding ng basketball coliseum sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex ng ngayon ay wala nang Philippine Amateur Athletic Federation (PAAF) bilang pag-gunita sa kanilang kabayanihan.

Ang seremonya ay pinangunahan ng noon ay pangulo ng PAAF at kinatawaann ng International Olympic Committee sa Pilipinas na si Jorge Vargas. Kabilang sa mga dumalo ay ang mga opisyal at kimatawan ng mahigit 50 sports association, at ang athletic moderator ng Colegio de San Juan de Letran, Rev. Fr..Martin Diez.

Pitumpu at isang taon ang nakalipas mula noon, wala man ni isa sa mga sumunod na liderato ng sports sa bansa ang kahit papaano ay naka-alaala na kilalanin ang kabayanihang ito ng atletang sundalong Pinoy para makamit ang kalayaaan at kasarinlan.

Sa loob ng maraming taon, wala mang nakapansin sa plakeng nakasabikt sa harapan ng basketball coliseum na ang akala pa ng marami ay isang ordenaryong marking naglalaman ng pangalan ng atkitekto at inhenyerong nagtayo ng gusali.

Hanggang sa mapuna ito ng pamunuan ng Philippine Sports Commission na noong nakaraang ilang taon ay inilipat ang plake sa maliit na daang patungo sa Ninoy Aquino Stadiujm.

At saka pa lamang napuna ito ng mga dumadaang atleta, opisyal ng sports at bumibisita sa RMSC na ang naturang marker ay naglalaman ng mga pangalan ng ilan sa mga Pilipinong Olympic medalist na kinabibilangan nina swimmer Teofilo Yldefonso, trackster Miguel White, at pito pang Olympian at 43 pang internationalist na pumanaw noong Worldm War II sa pagtatanggol sa bayan.

Marami sa mga kinilala ay miyembro ng Philippine Scouts, USAFFE o underground guerilla unit. Tatlo ay naparangalan bilang “Most Outstanding Filipino Athletes of Half-A-Century” tulad nina Yldefonso, basketball Olympia Jacinto “Jumping Jack” Ciria Cruz at football star Virgilio Lobregat.

Si Yldefonso ay isang Philippine Scout na tubong Piddig, Ilocos Norte, ay matatandaang kauna-unahang Pilipinong nakapag-uwi ng dalawang Olympic bronze medals sa the 200-meter breaststroke, noong 1928 sa Amsterdam at 1932 sa Los Angeles,

Binawian siya ng buhay sa kasumpa-sumpang ‘Death March’ mula Mariveles, Bataan hanggang Capas Concentration Camp sa Tarlac.

Si White ng Legaspi City sa Bicol, ay isa ring bronze medalist sa 400-meter hurdles noong 1936 Olympic Games sa Berlin kung saaan si Ciria Cruz, kasama ni basketball Olympian Amador Obordo, ay nakatulong sa Pilipinas na tumapos na panlima na hanggang sa panahong ito ay hindi pa napapantayann ng anumang bansa sa Asya.

Si Ciria Cruz ay pinatay ng mga mananakop na Hapones habang nagsasagawa ng underground works sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Maliban kina Yldefonso, White, Ciria Cruz at Obordo, ang iba pang Pilipino Olympian na naging biktima ng digmaan ay sina Lt. Nemesio de Guzman, ng track and field, Lt. Otoniel Gonzaga (shooting), Lt. Simplicio de Castro (boxing) at Lt. Enrique Jurado at Abduraman Ali (swimming).

Si De Guzman ng Philippine Army ay miyembro ng pambasang delegasyon sa IXth Olympiad sa Amsterdam noong 1928, samantalang sina Gonzaga at De Castro ay lumahok sa XIth Games sa Berlin noong 1936. Si Ali ay lumangoy sa XIth Olympiad sa Los Angeles.

Sina Yldefonso at White ay dalawa sa 11 Olympic medalist na ginawaran ng “Lifetime Achievement Award” Sports Communicators Organization of the Philippines (SCOOP) sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng paglahok g Pilipinas sa Olimpiyada noong 2004.

Maliban kina White at De Guzman, ang iba pang Pilipinong mananakbo, mamumukol at mananalon na naging biktima ng digmaan ay sina Miguel Sugeco, Sgt. Doming Espanol, Lt. Jose Antonio, Mayor Emilio Bucoy, Wenceslao Bansale, Eliseo Razo, Civico Granado, Maximino Pasaporte, Albino Bangayan, Delfin Danguilan, Lt. Constantino Alambra, Moises Lucas, Felizardo Casia, Francisco Danao, Bartolome Barabad, Alejo Alvarez at Simon Santos.

Ang mga manlalangoy na sina Rosendo Aguinaldo, Policarpio Tolentino, Donato Cabading, Miguel Bartolaso, Ulka Mangona, Jakara Angkang, Bernardino Tugbo at Mauricio Guidote ay mga sundalong atleta ring nagsipanaw tulad nina Yldofonso and Ali.

Ang mga manlalaro ng baseball na kumatawan sa bansa ilang kompetisyong internasyonal kabilang ang Far Eastern Olympic Games na kinilalang pinagmulan ngayon ay Asian Games ay sina Sgt. Aquilino Jacob, Cpl. Pablo Chu, Sgt. Gervacio Estorba, Atilano Rivera, Cacimiro Francisco, Ramon Oncinian, Toribio Oncinian, Regino Bertulfo at Cipriano Platon.

Ang iba pang non-Olympic athlete na binawian ng buhay habang nakasuot ng uniporme ng militar ay sina Carlos Canillas, Albert Murrow at Robert Keesy sa basketball; Francisco Zarcal at Martin Roxas sa boksing, Jose Miranda sa football at Concepcion Santos-Cepeda at Juan Ladaw Jr. sa tennis.

Si Ginang Cepeda na matagal naging kampeon sa tennis, ay kapatid ni Simon Santos na sumakabilang buhay din noong panahon ng giyera habang lumalaban sa kanyang sport.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Ortega wins Laguna chess
    By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024
  • Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
    By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024
  • Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
    Tue, 24 Dec 2024
  • FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
    Tue, 24 Dec 2024
  • IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
    Tue, 24 Dec 2024
  • NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
    By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024
  • Where Have All THE Heavyweights Gone?
    By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024
  • World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
    Mon, 23 Dec 2024
  • Beltran loses by KO in Japan
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
    Mon, 23 Dec 2024
  • Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
    Mon, 23 Dec 2024
  • Quirante KOs former teammate in 4th round
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • Santisima, Portes bow in Japan
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
    Sun, 22 Dec 2024
  • Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
    By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024