SALA SA IN IT … SALA SA LAMIG: Ginintuang Alaala ng XI Manila SEA Games
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Mon, 23 May 2022
Bago ang 2005 At 2019 Southeast Asian Games kung kailan ay napiling host ang Pilipinas na maging punong-abala ng tuwing ikalawang taong palaro sa pagitan ng mga magagaling na atleta mula sa Timolg Silangang Asya, dito rin idinaos ang ika-11 edisyon ng Games ng dalawang beses.
Apat na taon matapos matanggap na miyembro ng Southneast Asia Games Federation noong 1977, ay agad nabigyan ang bansa ng karapatang maging lugar na pagdausan ng ika 11 pagtatanghal ng pinaka-maliit na multi-event na kompetisyon sa daigdig sa labas ng Asian Games at Olympic Games.
Napili rin ang Pilipinas na gumanap bilang host noong 1991, kung saan ang mga atletang Pilipino ay kauna-unahang nagpakitang gilas nang sila’y makatapos na pangalawang pangkalahatang kampeon na natalo lamang ng isang gintong medalya ng Indonesia para sa pinaka-mataas na karangalan.
Pangatlong puwesto lamang ang nakuha ng mga Pilipino sa pag-ganap bilang host noong 1981 pero hindi ito nangangahlugan na hindi makasaysayan ang pagkakataong iyon.
Una, tulad ng mga sumunod na dumaong sa dalampasigang ito ang SEA Games, maraming problema ang nagsulputan. Na noon ang masyadong pagka-antala na matapos ang mga dapat matapos para sa opening ceremonies, kuweswtiyon sa kalidad ng playing fields, pagbabago ng iskedyul, etc.
Katunayan, maraming mga opisyal ng pamahalaan ang nagpanukalang ilipat ang pagdaraaos ng panimulang programa hanggang sa matapos ang masasasimuot na problema.
Hindi ito pinahintulutan ni Panguling Marcos. Bagkos ay binilinan niya ang mga kinauukuan na tapusin lahat ang mga dapat tapusin at kung hindi ay may mga ulong gugulong.
“After all,” wika ng Pangulo, “the theme of the Games is ‘Solidarity, so dito pa lamang sa atin ay ipakita natin sa ating magiging bisita --athletes, coaches, officials and guests na kaya nating solusyunan ang lahat ng problema so the Games can start as scheduled.”
Kaya nga noong hapon ng araw ng opening rites, ay diretsong tumayo si Pres, Makoy sa entablado para batiin ang lahat ng naroroon sa bagong kare-repair na Rizal Memorial Sports Complex sa gitna ng putok ng kanyon at mga nagmamartsang miyembro ng 10 nasyong delegasyon na marahil ay nagtataka kung paanong natapos ang mga pagawaing noong simula ay tila walang solusyon.
Noong bago magsimula ang kompetisyon, ang Pilipinas ay natapos na pang-lima o pangalawa sa huli sa overall standing noong una tayong lumahok sa palaro noong 1977 sa Kuala Lumpur. . Umakyat tayo sa pang-apat noong 1979 sa Jakarta at, pangatlo dito mismo noong 1981.
Madaling sagutin ang katanungang ito. Noong taong iyon ay dadalawang taon pa lamang naitatatagg ang Project: Gintong Alay, isang programa para ihanda ang mga atletang Pilipino sa mga darating na komptisyong internasyonal mula noong 1979 na likhang-isip ng pamangkin ng Panglong si Michael Keon.
Kung kaya nga’t lahat halos ng atletang kumatawan sa Pilipinas noong taong iyon ay produkto ng Gintong Alay sa pangunguna ni 16 anyos na sprinter Lydia de Vega na matapos manalo ng dalawang gintong medalya noong edisyon iyon ng Games ay dodominahin ang Asian track and field scene bilang “Asia’s Sprint Qujeen.”
Limang araw makaraan ang pagbubukas ng Games noong Disyembrre 11, ang may mahabang biyas at may mgandang mukhang si Diay ay pumasok sa track oval, nagsuot ng kanyang spikes, tumakbo sa 200-meter event at nakarating sa finish line una sa lahat ng mga hmahabol sa kanya.
Dumagundong ang buong stadium sa sigawan ng pagbubunyi ng crowd nang ina-nunsyong bukod sa nanalo siya ng kanyang kauna-unahang gold sa Games ay sinira niya ang SEA Games record sa 200-meter event.
Ang bagong record ni Diay ay nalampasan din ang noon ay 11-taong marka ni Asian athletic great Chi Cheng.
Nang bumalik si Diay sa oval para sa karera sa 400-meter, punong-puno na ang stadium ng taong umaasa sa isa na namang grand performance ng kanilang bagong bayani sa sports. Hindi sila binigo ng naka-pony-tail na reyna na muling binigyan ang kanyang mga kababayan ng isa pang gold at record-shattering na panalo.
Kinilala si Diay bilang Queen of SEA Games Atletics sa gitna ng kayang kamangha-manghang nagawa na sumira rin sa inaasaahag kumpletong dominasyon ng mga Indonesian sa pang 11 edisyon ng palaso.
Humakot ang Indonesia, ang perennial overall champion ng palaro mula nang ito ay matanggap sa SEA Games Federation kasabay ng Pilipinas at Brunei noong 1977, ng 85 gintong medalya, 73 silver at 56 bronze.
Pumangalawa ang Thailand, 62 gold at pangatlo ang Pilipinas, 55-55-77.
Pagkatapos ng siyam na araw tagisan ng lakas, bilis at talino, iginalang ni Pangulong Marcos ang palaro sa kanyang apat na sunod na pagdalo sa mga huling araw ng labanan kompetisyon.
Sa isang di pangkaraniwang kaganapan kung saan ay ang pangulo ng isang bansa ang gumampan, si Pangulong Marcos, bilang pagkilala sa nagawa ni Diay sa Games at sa bansa, din ang nagsabit ng gintong medalya sa Reyna ng Sprint matapos makamit ng huli ang panalo sa 200-meter dash.
Ginawaran pa ng Pangulo ng isang matamis na halik sa pisngi si Diay na lubos na ikinagalak ng mga dumadalo sa paligsahan.
A kanyang speech sa closing ceremonies, hinimok ng Pangulo ang mga dayuhang atletang magsibalik sa kani-kanilang bansa at sabihin sa kanilang mga kababayan “the splendid they had shown in Manila.
“Speak of the friendship that. Im sure, all of you have made here. Tell your people, above all, of the common hope which that burning flame stands for,“ wika ng Pangulo sabay turo sa Olympic Flame na unti-unting namamatay upang sindihang muli sa susunod na host, Singapore.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Ortega wins Laguna chess
By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
Tue, 24 Dec 2024FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
Tue, 24 Dec 2024IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
Tue, 24 Dec 2024NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024Where Have All THE Heavyweights Gone?
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
Mon, 23 Dec 2024Beltran loses by KO in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
Mon, 23 Dec 2024Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
Mon, 23 Dec 2024Quirante KOs former teammate in 4th round
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Santisima, Portes bow in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
Sun, 22 Dec 2024Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024