
SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: Bayaning Pinoy surfer nami-mis sa 31st SEA Games
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Sun, 15 May 2022

Roger Casugay.
Marraming tawag at mensahe ang natanggap ng SAKSI NGAYON na nagtatanong kung bakit walang pangalan ni Roger Casugay sa listahan ng pambansang delegasyon.
Ang isang sport kung saan ay mas nakilala at hinangaan ang Pilipinas noong nakaraang 30th Southeast Asian Games na idinaos dito tatlong taon na ang nakalilipas ay hindi nnakasama sa mga paglalabanan sa taong ito sa Hanoi, Vietnam.
Ang surfing na tinampukan ng pagka-maginoo at kabayanihan ni Roger na hindi inalintana ang maari niyang pagkatalo sa kanyang paboritong event at bagkus ay piniling tulungan ang kanyang nakalaban para sa gintong medalya, si Arip Nurhidiyat ng Indonesia ay natanggal sa 40 sports na paglalabanan sa Hanoi.
Ito ay sa kabila ng pagsusumamo ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino na dumalo sa huling pagpupulong ng committee na naatasang pumili ng event na makakasama o hindi.
“We have appealed for the inclusion of several sports. They (Vietnam organizers) might accept four more sports based on the proposals of eight countries,“ pahayag ni Cavite Congressman sa kolumnistang ito sa isang panayam matapos ang birtuwal na pakikipagpulong sa SEA Games Federation.
Ang surfing ay isa sa 15 sports kung saan ang mga atletang Pilipino ay humakot ng 56 na gintong medalya para masungkit ang pangkalahatang kampeonato sa ikatlong pagho-host ng bansa sa tuwing ika-apat na taong palaro noong 2019.
Kabilang ang mga Olympioc events na surfing, rugby seven, jiujitsu, baseball, softball, soft tennis, duathlon, windsurfing at wakeboarding/water skiing ang mga sport na nakansela sa kalendaryo.
Kung nakasama sana ang surfing, si Casugay na tubong La Union ay tikyak na nanakaw ng pansin ng kanyang kapuwa atletang kumakatawan sa 11 bansang kasapi sa SEAGF, opisyales at iba pang bisitang manonood ng Games.
At aani ng lubos napaghanga, papuri at karangalan para sa bansa at sa salitang Pilipino.
Tagumpay namang naipaglaban ni Tolentino ang mga Olympic sports na triathlon, skateboarding at modern pentathlon, obstacle racing, sambo at esports na lahat ay nakadagdag sa panakalahataing 149 gintong medalyang napanalunan ng Team Philippines dito mismo sa ating lupain.
Hindi naman nawalan ng kabuluhan ang kabayanihang nagawa ng Pinoy surfer. Umani si Casugay ng papuri at paggalang hindi lamang mula kay Arip mismo kundi maging sa pinuno at lahat ng miyembro ng delegasyon ng Indonesia at maging kay Indonesian President Joko Wijojo.
PInasalamatan ni Prez Wijojo si Casugay “in upholding sportsmanship”.
Tumanggap din ang Pinoy surfer ng pagkilala mula sa Senado sa pamamagitan ng isang resolusyon kinatha nina Sen. Bong Go at Sen. Nancy Binay na nagsasaad ng for “showcasing the true heart of a champion by setting aside his goal of capturing a gold medal and saved the life of a competitor without hesitation”.
Si Casugay na sa kabila ng kanyang ginawa ay makamit din ang gintong medalya, ay pinarangalan “Fair Play Athlete” of SEA Games ni Panguloing Rodrigo Duterte nang siya at ang kanyang mga teammate ay dumalaw sa Malakanyang matapos ang closing ceremony sa New Clark City Athletic Stadium sa Capas, Tarlac noong Disyembre 11.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Two Pacquiaos on same card?
By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
Tue, 02 Dec 2025USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
Tue, 02 Dec 2025THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
Tue, 02 Dec 2025Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
Tue, 02 Dec 2025Dejon Farrell Francis Turning Things Around
Tue, 02 Dec 2025WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
Tue, 02 Dec 2025PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
Tue, 02 Dec 2025Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025Jimuel draws in pro debut
By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025Kevin Durant sets new NBA record
By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
Sun, 30 Nov 2025