Mobile Home | Desktop Version




SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: Balik tanaw sa kahanga-hangang 2019 SEA Games

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Fri, 13 May 2022

Limampu at limang taon mula noong 1977 nang ang Pilipinas ay matanggap na miyembro ng Southeast Asian Games Federation, ang mga atletang Pilipino ay walang patlang na lumahok sa tuwing ikalawang taong palaro hanggang noon 2019 kung kailan ay pangalawang beses tayong naging punong abala.

Gaya noong 2005, tinanghal pangkalahatang kampeon ang bansa tatlong taon na ang nakararaan sa pamamagitan ng superyor na kabuuang 387 medalyang napanalunan ng ating mga atleta,149 gold, 117 silver at 121 bronze.

Sa kabuuan, ang Pilipinas ay nakakuha ng 14 gintong medalya mula sa medal-rich na arnis, ang sport na nagmula dito mismo sa bansa,10 sa dancesport at pito sa wushu,

Ang tatlong sports na ito – arnis, dancesport atg wushu ay hindi inasahan mismo ng mga oipisyal ng pambansang delegasyon at, lalo na ng mga kalaban.

Matapos na ang usok ng digmaan ay mapawi, ang mga atletang Pinoy ay isa-isang tumayo sa victory podium para tanggapin ang mga medalyang kanilang pinagbuhusan ng dugo at di matingkalang sakripisyo sa kanilang paghahanda.

Maliban sa 24 gintong bitbit ng ating mga mananayaw at eskrimador, tatlo pa ang naidagdag ng siklista, tigatlo rin sa basketball, gymnastics, modern pentathlon, sepak takraw, sambo, shooting, at skateboarding, tig-dalawa sa weightlifting, athletics, fencing, golf, squash at isa sa swimming.

Ang 30th SEA Games na nagsimula noong Nobiyembre 30 ng nasabing taon, ay tumuntong sa kalagitnaan ng kompetisyon kung kailan ang host ay nakalikom na ng sapat tungom sa kanilanng pangalawang pangkalahatang kampeonato na una nilang natikman 14 na taon ang nakalipas noon.

Makaraan ang limang aarw na sagupaan ng lakas, bilis at talino, ang mga Pinoy, na ayon sa kanilang mga kritiko ay walang kakayahang makaahon sa pang-anim na puwestong pangkalahatan dalawang taon pa lamang ang nakalilipas noong 2017 sa Kuala Lumpur ay sabi nga ng mga dayuhan, ‘started like a house on fire’ sa kanilang kampanya.

Sa unang araw pa lamang ng kompetisyopn, ang host ay naka-kolekta na ng 23 ginto para okupahin ang pamumuno sa 11-nasyong samahan. Pangungunang hindi nila binitiwan mula noon hanggang sa kahuhulihang araw.

Na sa kalagitnaan ng paligsahang ginanap sa iba’t-ibang bahagi ng Central Luzon, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas at sa kadulu-duluhan ng La Union sa Northern Luzon, ang ating mga atleta ay nakaipon na ng 70 gold medals, 41 higit sa kanilang pina ka-malapit na kalaban mula Vietnam, kung saan ay nagsimula na ang ika-31st edisyon ng palaro noong Huwebes.

Iyon, ayon sa talaaan ng SEA Games ay ang pinaka-mabangis na pagpapakita ng lakas ng isang delegasyon sa anumang araw at alin mang edisyon ng palaro na inanganak dala ng pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Itinuturing din ito na mas mapang-wasak kumpara sa pangalawang araw ng kompetisyon noong 2005 nang ang Pilipinas ay nakatuntong sa podium ng 20 beses tungo sa overall championship na may 113 gold noong taong iyon.

Makaraan ang ilang araw, ang atin namang manandata ang nagpakitang gilas sa Angeles Unversity Foundation Gym nang lampasuhin nila ang mga nakaharap para sa 14 na ginton medalyang nahakot nila.

Ilan sa mga tampok na nangyari noong 2019 Games: world gymnastics champion Carlos Edriel Yulo at ang magandang dilag ng wushu, si Agatha Wong na kapuwa tinanghal na kauna-unahang atletang nakasungkit ng kambal na gold medal sa kani-kanilang sports, Si Rio de Janeiro Olympic silver medalists sa weightlifting Hidilyn Diaz na gold tinapos ang matagal na pangarap na manalo ng SEA Games gold at si Fil-Am James Deiparine na tinuldukan ang 10 taong pagkauhaw ng bansa sa gold sa swimming.

Isang araw bago magsimula ang Games sa pamamagitan ng maka-higanteng Olympic-style opening, pinahanga rin ng host ang mga dayuhang kalahok na pagbubukas na palatuntunang idinaos sa 55-thousand seat Philippine Arena sa Bulakan.

Ito ang kauna-unahang pagkakaton sa mahigit na anim na dekadang palaro na gagsimula noong 1959 na ang opening ceremony at ginanap sa isang indoor stadium.

Lahat ng humigit-kumulang na 40 venue na ginamit sa Games na pinangambahang hindi matatapos ng mga di naniniwala sa pamahalaan ay natapos lahat katunayan na ang mga pangambang ipinukol sa Games Orgnizing Committee ay pawing haka-haka lamang kung hindi man “fake news” na ang layon ay sirain ang magandang pagkakilala sa Pilipinas at magandang kaugalian ng mga Pilipino..”

Lahat ng dayuhang bisita – atleta man o opisyal -- ay, siyang-siya sa pagkaing inihanda 24/7 sa lahat ng tirahan at lugar ng kompetisyon para pasinungaalingan ang akusasyong na ang Philippine SEA Games Organizing Committees ay walang kakayahan sa pinto ng akomodasyon na inilathala kapuwa ng social at mainstream media bago mag-umpisa ang palaro.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Ortega wins Laguna chess
    By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024
  • Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
    By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024
  • Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
    Tue, 24 Dec 2024
  • FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
    Tue, 24 Dec 2024
  • IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
    Tue, 24 Dec 2024
  • NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
    By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024
  • Where Have All THE Heavyweights Gone?
    By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024
  • World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
    Mon, 23 Dec 2024
  • Beltran loses by KO in Japan
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
    Mon, 23 Dec 2024
  • Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
    Mon, 23 Dec 2024
  • Quirante KOs former teammate in 4th round
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • Santisima, Portes bow in Japan
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
    Sun, 22 Dec 2024
  • Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
    By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024