SALA SA INIT, SALA SA LAMIG: Buhay na muli ang PBA
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Mon, 09 May 2022
Matapaos ang mala-roller-coaster na dalawang season – ang ika 45 noong 2020 at ika-46 noong 2021 - muling mabubuhay ang Philippine Basketball Association sa pagdiriwang ng ika-47 Season nito sa susunod na buwan kung kailan ang kauana-unahang liga propesyonal sa bansa at Asya ay babalik sa tatlong torneong pormat.
Kung masusunod ang plano, ang Philippine Cup, ang pinaka-prestiiyosong torneong tampok mula pa noong ipinanganak ang liga 47 taon ang nakararaan noong 1975, na idinaos sa iisang torneong bubble pormat sa Pampanga magsisimula ang tatlong conference na 47th Season ng PBA sa Hunyo 5.
Inaasahang matatapos ang All-Filipino sa Septyembre 2 bago magpahinga ang aksyon ng dalawang buwan upang bigyang daan ang paglahok ng Pilipinas sa ilang kompetisyong internasyonal kung saan ay obligadong magpadala ang bansa ng kinatawan, tulad ng XIX Asian Games sa China.
Kasunod ng Phlippine Cup ay ang Commissioners’ Cup, na hindi pa nilalaro mula noong manalasa ang pandemya ng Covid 19. Nakatakdang ganapin ang Commish Cup sa Oktubre 2, samantalang ang Governors’ Cup, kahuli-hulihan sa tatlong conference na season, ay itinakda sa Pebrero 2023.
Mangyayari ito bago tuparin ng PBA pangako nitong lumnahok sa East Asia Super League na nakatakdang ganaapin sa pagitan ng Commissioner’s Cup at Governors’ Cup.
Ang magagandang balitang ito ay magkasabay na ipinahayag nina PBA Chair Ricky Vargas, na muling hahalal sa kaniyang posisyon, at Commissioner Willie Marcial matapos ang planning session na idinaos sa Boracay noong nakaraang linggo.
“Marami tayong mga aktibidades na bubuhaying muli matapos na ang mga ito ay “mamatay’ dala pandemya.
“Plano din nating i-revive an gating tradisyonal na All-Star Game na hindi rin nakita ng ating fans mula noong mag-pandemic,” wika ni Marcial.
“Balak din nating dalhin muli ang ilang games sa priobinsya para ang ating fans doon, tulad ng mga nasa Metro Manila ay mapawi na sa kaniklang pananabik na makitang muli ang kanilang mga paboritong team at players na dalawang taong ding mahigit na hindi nila napapanood.
Kung hindi rin magkakabisala ang plano, posiblemg maglaro ang PBA sa Dubai.
“Tama ka Sir, buhay na naman ang PBA at sana ay magsilbing hudyat ito na mabuhay na muli ang sports dito sa ating bansa,” dugtong ni Kume.
Kumpisal ni Marcial na ang matagumpay ng pagdaraos ng dalawang torneong padiriwang ng ika-46 anibersaryo ng liga kug saan ay pinayagan na ang fans na makapasok at makapanood ng games ang nagbigay ng inspirasyon sa PBA Board of Governors na lubos nang buhayin ang PBA.
“Dahil din ito sa kagustuhan ng board na makabawi sa malaking luging dinanas ng liga sa nakaraang dalawang taon.
“We’re going back to three conferences,” sa kabilang dako ay pahayag naman ni Vargas. “In terms of expenses, to deliver three conferences, we are looking at close to P300 million. But we’re also looking at revenue that’s about P500 million. And if everything pushes through, the profit is about P180 to P200 million.”
“That really takes us back to where we were, and hopefully regain what we lost in Season 45 [when the pandemic started],” dagdag ng PBA top honcho.
Sa kabila ng pandemya, ang liga ay patuloy na pinasusuweldo ang mga empleyado ng buo. Ito rin ang ginawa ng 11 koponang miyembro ng PBA sa kanilang mga manlalaro, coach at utility personnel sa kabila ng isang torneo lamang ang naidaos noong 2020 at dalawa noong 2021.
Noong 2020 Philippine Cup bubble sa Pampanga, P65 milyon ang nagastos at ni isang sentimo ay walang bumalik, mula sa mga manonood na hindi pinayagang makapasok sa venue.
“Last season, we were able to do two conferences. We netted about P48 million, which is not so bad. It was a positive process and very positive news for us. Our cash flow also improved so that’s good, too,” ani PBA Chair.
Ayon kay PBA Vice Chair Bobby Rosales, “The (47th Season calendar will be very tight because the board committed its continued support to the SBP (Samahang Basketbol ng Pilipinas) by providing them with the players coming from the PBA.”
“The first conference will see the SEA (Southeast Asian) Games and the Fiba (International Basketball Federation) qualifiers. The second will see the EASL and the Asian Games. It’s a tight calendar, but the PBA is really finding a way to squeeze in everything,” ani Rosales.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Ortega wins Laguna chess
By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
Tue, 24 Dec 2024FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
Tue, 24 Dec 2024IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
Tue, 24 Dec 2024NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024Where Have All THE Heavyweights Gone?
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
Mon, 23 Dec 2024Beltran loses by KO in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
Mon, 23 Dec 2024Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
Mon, 23 Dec 2024Quirante KOs former teammate in 4th round
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Santisima, Portes bow in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
Sun, 22 Dec 2024Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024