
SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: Mula sa pangkalahatang kampeon sa Maynila, pangatlo na lamang ang target ng Pilipinas sa Hanoi
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Fri, 06 May 2022
Kulang-kulang isang linggo mula ngayong araw, sa Mayo 12, ay sisimulan nang ipagdiwang ang XXXI edisyon ng tuwing iklalawang taong Southeast Asian Games sa pangunahing siyudad ng Hanoi, Vietnam kung saan ay idedepensa ng Pilipinas ang pangkalahatang kameonatong naipanalo ng mga atletang Pilipino tatlong taon na ang nakalilipas dito mismo sa dalampasigang ito.
Maliban sa pahayag ni Philippine Olympikc Committee president, Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, na ang bansa ay magpapadala ng isang “fighting team” na handang ipagtanggol ang pangkalahatang korona sa bansang nagtatangka pang maka-rekober sa pakikidigma nito laban sa world power Estados Unidos, wala pang makatitiyak kung ano ang kahihihinatnan ng ating kampanya sa lupaing maitutururing na “unknown territory” sa ating mga atleta.
Katunayan, ang nahirang na chef de mission ng Pambansang Delegasyon na si Philippine Sports Commission Commissioner Ramon Fernandez, sa isang bukod na pahayag sa media, ay pangatlo lamang na pangkalahatan ang inaasahan niyang posibleng marating ng 987 miyembrong koponan.
Sa pangkalahatang bilang, 646 ay atleteta at 296 coach at opisyal ng mga koponan. May 45 pang non-delegation members mula sa POC na gagastusan din ng PSC para makatulong sa booking ng flights at billeting pagdating sa Olympic Village.
“For me personally… target is top three,” pagtatapat ni Fernandez sa media.
Alinsunod ito, dagdag niya, sa kakulangan ng paghahanda ng mga atleta dala ng pandemya ng Covid 19. “Despite this, getting to the top three is doable.”
“I’m hoping for the best,” anang four-time PBA MVP. “Our athletes are in the final stage of preparation as they fine-tune in practice. But that’s all we can do, we hope for the best.”
Ang obserbasyon ni Fernandez at base sa overall performance ng pambansang koponan noong 2019 na 149 gintong medalya, 117 silver, at 121 bronze.
Pangalawa ang ngayon ay host na Vietnamese, 98-85.105; pangatlo ang Thailand, 92-103; pang-apat, Indonesia, 72-84-111; panlima, Malaysia, 56-57-71; at pang-anaim Singapore, 53-46-68.
Kung maisasalin ang ating silver medal production noong 2019, at bronze, posible ring maipagtanggol ng Pilipinas ang overall championship, ani Fernandez.
Bakit nga hindi?
Bagamat nauunawaan din daw niya na talagang dadaan sa karayom ang Pilipinas para maipanatili sa ating lupain ang pangkalahatang kampeonato. “A tough task considering that some of the sport disciplines that were in the 2019 calendar have been slashed in this year’s staging.“
Tukoy ni Fernandez ang arnis, isang sport na nagsimula sa Pilipinas kuing saan ay humakot ang mga Pinoy eskrimador ng 14 na gintong medalya, 4 at 2 bronze na dugtong niya’y mahirap mabawi kung hindi maisasalin sa ginto ang silver at bronze na nakamit natsin noong 2019.
“They (Vietnamess) have sports that they are expected to really be dominant,” ani Fernandez na lumipad noong Linggo patungong Hanoi kasama ang ilang opisyal ng delegasyon para sa ilang event, gaya ng football na nakatakdang magsimula ngayong araw.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Rodrigo to challenge undefeated Sandoval in US
By Lito delos Reyes, Sat, 23 Aug 2025Round 12 with Mauricio Sulaimàn: Call to Action 12 Items for Boxers' Safety
By Mauricio Sulaimán, Fri, 22 Aug 2025Libranza vs Pangga headlines Elorde card on Aug 24
By Lito delos Reyes, Fri, 22 Aug 2025GM Antonio to compete in P100,000 top prize Rapid chessfest this Sunday in Roxas City, Capiz Province
By Marlon Bernardino, Fri, 22 Aug 2025AISAT Basic Ed football training starts
By Kim delos Reyes-Teves, Fri, 22 Aug 2025Josh Navarro Scores Another Win in Pomona, California
By Carlos Costa, Fri, 22 Aug 2025UNDEFEATED CRIZTIAN PITT LAURENTE SET TO FACE HEBI MARAPU FOR IBF PAN PACIFIC TITLE
Fri, 22 Aug 2025Dare To Enter: Undefeated WBC Interim Champion Vergil Ortiz to Defend Super Welterweight Title From Number 1 Contender Erickson “The Hammer” Lubin
Fri, 22 Aug 2025Euri Cedeno Takes on Willie Jones on Friday, September 5th at Wind Creek Event Center in Bethlehem, PA
Fri, 22 Aug 2025COE AND HART CLASH ON BOOTS ENNIS CARD IN PHILADELPHIA
Thu, 21 Aug 2025‘There's nothing that he brings to the table that I've not got an answer for’ Sam Rennie on upcoming fight at Thunderdome 51
Thu, 21 Aug 2025JAMAINE "THE TECHNICIAN" ORTIZ TRAINING CAMP NOTES
Thu, 21 Aug 2025Gervonta Davis vs. Jake Paul: Exhibition Bout Announced for November
By Gabriel F. Cordero, Thu, 21 Aug 2025Legendary boxing coach John Brown Compares cornering Tommy Morrison & Rising young star Marco Romero
Thu, 21 Aug 2025World Kid to Host Meet-and-Greet and Open Workouts In advance of “The Return” on August 31 in Detroit
Thu, 21 Aug 2025