Mobile Home | Desktop Version




SALA SA INIT ... SALA SA LAMIG: It’s Barangay’s ‘never-say die’ attitude, Bebe!

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Mon, 25 Apr 2022



Matapos mawala ang korona ng PBA Philippine Cup, wala sinuman ang nag-akala na makababangon pa ang Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings sa pagkakadapa sa una sa dalawang torneong inihanda ng liga sa ika-46th Season nito.

Dala ng pandemya ng Covid, 19 na mahigit dalawang taon nang pananalasa sa lahat ng bansa sa daigdig, dalawang torneo lamang ang inihanda sa mesa ngayong taon para pagtiyagaan ng fans. Una ay ang All-Filipino bilang pambungad na pagdiriwang ng Season 46 ng pinakamatandang ligang propesyonal sa bansa at maging sa Asya.

Wala pa ang madulas na point guard na si Stanley Pringle at Jared Dillinger, pinakamalaking dahilan ng kanilang kabiguang maipagtanggol ang titulo ng First Conference.

Bahagya pa lamang nagsisumula ang Governors’ Cup, ay heto na si Aljun Mariano naman ang naging biktima ng injury. At nasa kainitan pa lamang ng playoffs ay ang kanilang pangunahing rebounder, defender at scorer na si Japeth Aguilar ang sumunod na mabalda.

Mga problemang pinalala pa ng di agad pag-pick up ni import Justin Brownlee ang labis ding ikinabahala ng pamunuan ng koponan, lalo na si Alfrancis Chuia, ang kinatawan ng prangkisa sa PBA Board of Governors

“Pinakamahirap ito,” halos pasigaw na badya ni Chua matapos ang tagumpoay.

"Sa simula pa lang kinabahan ako kasi kulang sa bala. Injured sina Stanley, Dillinger, Aljun at Japeth," Kumpisal ni Chua sa media. "Si Justin late na nag-pick up ang game."

Pero sa kabila ng mga ito, nalampasan ng Kings ni coach Tim Cone ang elimination round para makapasok sa quarterfinals. Bahagya nga lamang sa pang-anim na puwesto at kinakailangang talunin nila ang No. 3 seed at All-Filipino champ TNT Tropang Giga na nag-daloy ng twice-to-beat advantage sa kanilang paghaharap.

"Tumaas ang kumpinyansa noong tinalo ang TNT," obserbasyon ni Chua, Chualay sa mga kaibigan, sa kambal na, 104-92, at, 115-95, na panalo ng Kings sa Tropa.

Nagsimulang umaliwalas ang mga mukha ni Chualay, coach Tim at Kings nang biglaang umalis ang primadong import ng NLEX na si KJ McDaniels sa susunod na kabanata ng playoffs sa semis na pinagwagihan ng Ginebra. 3-1.

At sa wakas, ay nabuksan muli ang pinto ng ika-apat na yugto ng tunggaliang Ginebra-Meralco para mapagpasisyahan ang kamp;eonato ng Governors’ Cup.

"Hanggang sa Game 1 ng title showdown, nasa isip ko pa rin na agrabiyado pa kami," pagtatatapat ni Gov. Chua. "Nag-improve ang Meralco, kami naman napilay ng husto. Pero noong manalo kami sa Game 2, nakita ko na kayang ipanaloang kampeonato.”

Tukoy ni Chua ang 99-93 desisyong panalo ng Kings sa Game 2 na nagdala sa dalawang magka-away na team kung saan nagsimula ang serye na lalo pang nagpataas ng morale at kumpiyansa para makatablang muli, 2-2 matapos ang isa pang impresibong 95-84 win sa Game 4.

Hindi natapos doon ang pagtitiyaga at determinasyon ni Brownlee at mga kasama na sa maigsing salita ay nangibabaw sa Bolts sa sumunod na tatlong laro sa gold medal play upang maulit ang kanilang back-to-back Governors' Cup title runs noong 2016 a 2017.

At doon lamang naa-alaala ni Chualay ang ngayon ay kilala na sa buong mundo ng basketball na kapuri-puring ‘never-say-die na pagkilala ng di lamang ng fans ng prangkisa kundi pati mga kalaban na ipinunla at ipinamana ng dating playing-coach at ‘basketball living legend’ Robert “Sonny” Jarworski.

"We're a team that doesn't quit. We have that legacy and it's always an honor and a curse to live up to that. It's very hard but these guys have been finding a way to do that," nabigkas ni coach Tim bilang pagkilala sa pamanang iniwan sa kanila ni Jawo.

Sayang at wala si Jawo o Big J, na nagpapa-galing sa kanyang karamdaman (hindi Covid 19) sa oras ng tagumpay ng kanyang koponang hinawakan niya bilang playing-coach sa loob ng ng 14 na taon mula 1984 haggang 1998.

Maalaa-alang maliban sa taong ito, mula noong 2016 nang kumamada ang Ginebra ng apat na kampeonato sa Governors’ Cup, ay palaging nandoon si Jawo para magbigay ng karagdagang inspirasyon at pagganyak sa Kings.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Ortega wins Laguna chess
    By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024
  • Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
    By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024
  • Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
    Tue, 24 Dec 2024
  • FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
    Tue, 24 Dec 2024
  • IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
    Tue, 24 Dec 2024
  • NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
    By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024
  • Where Have All THE Heavyweights Gone?
    By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024
  • World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
    Mon, 23 Dec 2024
  • Beltran loses by KO in Japan
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
    Mon, 23 Dec 2024
  • Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
    Mon, 23 Dec 2024
  • Quirante KOs former teammate in 4th round
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • Santisima, Portes bow in Japan
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
    Sun, 22 Dec 2024
  • Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
    By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024