Natanggal sa Team Philippines sa athletics, si EJ Obiena ay napiling flag bearer sa 31st SEA Games
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 20 Apr 2022
EJ Obiena.
Bukod sa mangarap na mapiling katawanin ang kanyang bansa sa Olimpiyada at iba pang pang pandaigdig na kompetisyon, panaginip din ng isang atleta na maging tagapag-wagayway ng bandila ng kanyang bansa sa mga nabanggit na maramihang sports na palaro.
May kasabihang ang maging Olympian ay isa nang napakalaking kangalan para sa isang atleta at ang makapag-uwi ng medalya ay bonus nang maituturing.
Pero ang maatasang maging flag bearer ay magsisilbing daragdagang inspirasyon at motibasyon para pag-ibayuhin ng isang atleta na sa pagbalik niya sa kanyang bansa ay may nakasabit na medalya sa kanyang leeg, tanda ng kataasan ng antas ng kanyang kaaalaman laban sa mga nakalaban sa kanyang sport.
Para kay weightlifter Hidilyn Diaz, kauna-unahang gold medalist ng Pilipinas sa Olimpiyada, ang mapiling flag bearer ng pambansang delegasyon, tulad ng karangalang ipinagkaloob ng Philippine Olymic Committee kay pole vaulter Ernest John Obiena sa darating a 31st Southeaast Asian Games ay katunayan kung paanong ang isang atletang Pilipino ay lumaban at matagumpay na para sa katuparan ng kanyang pangarap na mabigyan ng karanagalan ang bansa at ang salitang Pilipino sa lahat ng pandaigdigang konpetisyon sa paraang tanging siya lamang at kanyag kauri ang nakaaalam – sports.
Si Diaz, simula pa noong maglabasan ang ng mga akusasyon ibinato kay EJ ng kanya mismong pederasasyon, ang Philippine athletics Track and Field Association (PATAFA) kaugnay ng umano’y maling paraan ng pagsasara (liquidation) niya sa mga naibigay sa kanyang tulong pinansyal at bintang na ibinulsa niya pati ang suweldo ng kanyang Ukranian coach Vitaly Petrov, ay nagpahayag na ng kanyang pag-suporta sa kanyang Tokyo Olympics teammate, ay, sa tutoo lang, kasama ni EJ na inirekomenda ng POC para maging isa sa mga flag-bearer ng Team Philippines.
Subalit, ayon kay POC president, Cong. Abraham “Bambol” Tolentino ang kanilang rekomendasyon ay tinanggihan ito ng SEA Games Organizing Committee sa dahilang isa lamang bawat bansang mula sa 11 miyembro ng SEAGF ang ipadala para magwagayway ng kanilang bandila sa opening ceremony na nakaaakda sa Mayo 12 sa Hanoi, Vietnam.
Para kay Diaz, ayon sa kanyang pahayag na pagbati, si EJ “is a story of every Filipino athlete who fights to bring home pride and glory to the country.”
“I’m very happy to see EJ as our flag bearer for Team Philippines,” ani Diaz, na gaya ni Obiena ay tatangkaing ipagtanggol ang kanyang korona sa weightlifting sa darating na palarong tatagal hanggang Mayo 23.
“I’m happy for him and the rest of the Philippine delegation. I will support him," dagdag pa ni Hidilyn.
Si Obiena, dating No. 5 sa daigdig ng pole vaulting na ngayon ay no. 6 na sa kakulangan ng kompetisyong dala ng kanyang gusot laban sa PATAFA, ay maluwag ng tianggap ang kanyang responsibilidad bilang flag bearer.
“It’s an honor,” ani EJ. “I was heading home after training here in Formia [Italy] when I received the message.”
Sinisiguro na ng mga eksperto ang gold medal ni Obiena sa kanyang event dala ng kanyang superyor na 5.45 metrong performace noong 2019 sa New Clark City sa Tarlac na napa-unlad niya sa 5.93 metro nong nakaraang taon sa Innsbruck, Austria.
Sa kabila ng kawalan ng tulong pinansyal matapos ipa-suspinde ito ng PATAFA sa Philippine Sports Commission dala ng sigalot, tuloy ang paghahanda ni EJ sa Formea, Italy kung saan siya nakaa-base.
“All I can do for now is to train harder and be better, and smarter,” wika ng 26 anyos. “I really want to defend my SEA Games title.”
Ang 6-foot-2 pole vaulter ay isa sa 656 atletang naatasang magtanggol ng pangkalahatang kampeonato ng bansa sa SEA Games na sa pangalawang pagkakataon ay idaraos sa Vietnam mula noong 2003.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Ortega wins Laguna chess
By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
Tue, 24 Dec 2024FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
Tue, 24 Dec 2024IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
Tue, 24 Dec 2024NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024Where Have All THE Heavyweights Gone?
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
Mon, 23 Dec 2024Beltran loses by KO in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
Mon, 23 Dec 2024Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
Mon, 23 Dec 2024Quirante KOs former teammate in 4th round
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Santisima, Portes bow in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
Sun, 22 Dec 2024Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024