
SALA SA INIT … SALA SALAMIG: Ang mga di makakalimutang nagawa ni EJ Obiena sa Philippine sports
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Sun, 17 Apr 2022

EJ Obiena.
Naisulat ko na ang istoryang ito kulang dalawang taon na ang nakararaan at nailabas sa kolum ko na pinamagatang OUTSIDE LOOKING IN sa isang pahayagang broadsheet noong Setyembre 30, 2020.
Naisipan kong sariwaing muli ang artikulong iyon at ilabas sa Tagalog kolum ko sa pahayagang ito na pinamagatang SALA SA INIT … SALA SA LAMIG ngayong araw, isang araw matapos na gunitain ng ka-Krisiyanuhan ang mahal na Pasyon ng ating Panginoong Hesukristo – pagkamatay Niya sa Krus, bilang pagsunod sa Banal na Kasulatan para matubos ang kasalanan ng sangkatauhan.
Pasko rin ng Pagkabuhay noong ika 21 ng Abril, taong 2019 nang ang Pilipino pole vaulter na si Ernest John Obiena ay handugan ang Pilipinas ng gintong medalya sa pang-Asyang lebel na kompetisyon sa pole vault gaya ng Asian Athletics Championships.
Pang 23 na edisyon ng Asian Championships na kung tawagin din ay 4 na idinaos sa Doha, Qatar kung saan ay tinanghal si Obiena, anak ng tanyag ding pole vaulter noong kapanahunan niya na si Emerson Obiena at kabiyak na hurdler na si Jeanette, na kauna-uahang Pilipino sa kanyang event na nakapag-uwi ng gintong medalya makaraan ang kulang 100 taon o 94 taon eksakto.
Sa totoo lang, pinutol ni EJ ang matagal na 94 taong pagkaauhaw ng bansas sa gintong medalya sa pole vault mula nang si Antonino Alo ay huling maipanalo ang korona noong 1925 sa ika-7 edisyon ng Far Eastern Games.
Sa tutoo rin lang, mula nan gang FEG ay ipanganak sa Maynila noong 1913, tatlong Pilipino pole vau;ter ang nagdomina sa nasabing event sa unang pitong taon ng multi-event Games.
Unang Pilipinong naghari sa pole vault si Remigio Abad na tinalo ang dalawa niyang katunggaling Chinese na siyang naging susi sa halos ay isang dekadang pamamayagpag ng mga may dugong Kayumanggi sa nabanggit na event.
Sinundan ni Genaro Saavedra si Abad dalawang taon ang nakalipas noong 1915 bago umupo sa trono si Antonino Alo noong 1919, taon kung kailan ay nabingwit din niya ang gintong medalya sa discus throw.
Namalaging nakaupo msa trono ng pole vault sa tuwing ika-dalawang taong palaro si Alo anim na taon pa ag nakaraan noon 1921, 1923 at 1925 bago niya ito isinuko noong 1927 sa karibal niyag Hapones na si Yonetaro Nakasawa.
Wala nang Pilipinong Agila ang sumunod kay Alo sa sa mahigit siyam na dekada hanggang sa biglang pagsipot ng noon ay mag-25 taong gulang na si EJ na ipinanganak noong Nobiyembre 17, 1995 sa Barrio Obrero sa Tondo noon ngang Easter Sunday ng taong 1919 nang talunin niya ang taas na 5.71.
Anim na buwang ang nakaraan matapos ang kanyang makasaysayang paglipad sa Doha, nakuha ni EJ ang karangalang kauna-unahang Pilipinong pole vaulter na ma-qualify sas XXXII Games ng Olympiad sa Tokyo nang mapaunlad pa niya ang kanyang rekord sa 5.81 metro.
Ang Philippine sports media ay literal na minaliit ang nagawang mga ground-breaking feat na ito ni Obiena sa maraming kadahilanan. Isa rito ay ang kawalan ng kamuwangan sa kahalagahan ng kabayanihang ipinakita ni EJ o kakulangan ng sapat na pananaliksik sa kasaysayan ng sports sa bansa, sa ang kalahatan o ng Philippine athletics sa particular.
Inilibing ng media ang dapat sana’y di makakaliliamutang kaganapang ito sa kasaysayan nng Philippine sports sa ilalim ng mga sports page. Pero hindi kailanman ang tunog ng balitang yumanig sa apat a sulok ng daigdig.
Nakalulugkot na maliban dito sa Pilipinas, laman ng lahag ng pahayagan, narinig sa radyo at napanood sa telebisyon ang mga kaganapang itong pinagbidahan ng isang Pilipinong nagngangalang Ernest John Obiena.
Ang pagpasok ni Obiena sa Tokyo Olympics na tinatawag ding “Greatest Sports Show on Earth,” ay kauna-unahan ng Pilipinas sa pole vault.
Pang 11 lamang ang kinalabasan ng partisipasyon ni EJ Sa Tokyo, subalit ang pagiging isang finalist, at kaisa-isa sa Asya ng makagawa nito, ay itinuturing nang isang napakalaking karangalan hindi lamanang sa kanya personal kundi maging sa bansa.
At makapag-bigay sa kanya ng lakas ng loob ang taas noong makapagmalaking kakampi niya ang International Olympic Committee laban sa tangkang sirain ang kanyang reputasyon bilang isang pambansang atleta na maipakita ang kanyang galing at talent sa alimang kopmpetisyon internasyonal na kailangann niyang lahukan.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Two Pacquiaos on same card?
By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
Tue, 02 Dec 2025USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
Tue, 02 Dec 2025THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
Tue, 02 Dec 2025Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
Tue, 02 Dec 2025Dejon Farrell Francis Turning Things Around
Tue, 02 Dec 2025WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
Tue, 02 Dec 2025PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
Tue, 02 Dec 2025Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025Jimuel draws in pro debut
By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025Kevin Durant sets new NBA record
By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
Sun, 30 Nov 2025