SALA SA INIT ….. SALA SA LAMIG: Para sa mga ordinaryong Pinoy, si Bongbong Marcos ay isang anak na nagmamahal sa kanyang magulang
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Mon, 11 Apr 2022
Maraming mambabasa ng kolumnistang ito ang nagtatanong kung bakit hindi kami tumatalakay ng tungkol sa darating na pambansa at local na halalan na idaraos na sa susunod na buwan.
Ganoong, wika nila, ay isa ang kolumnistang ito sa mga naniniwala sa proposisyong ang sports ay isang epektibong behukulo sa pagkakaroon ng isang bansa tungo sa isang malakas, malusog at responsableng pamayanan.
Marami rin sa kanila –- lider ng sports, atleta, coach, trainer at lahat ng may kaugnayan sa palakasan ang nagtatanong kung sino-sino sa mga kandidato para maging Pangulo ng bansa ang dapat mahalal sa posisyon para makatulong sa lalo pang ikau-unlad ng sports at maitaas ang antas ng ating mga atleta.
Lalo pa’t noong nakaraang taon ay naputol na natin ang napakatagal at napaka-haba ng paghihintay natin na makakita ng gintong medalyang nakasabit sa leeg ng isa man lamang sa mga atletang Pinoy sa kanilang pag-uwi mula sa Olimpiyada.
Pero kasabihan nga nating mga liping Kayumanggi, dahan-dahan lang. Isa-isa alang at mahina ang kalaban.
Ang unang katanungang nais masagot ng mga mambabasa, yung mga simple at ordinaryong lalake at babae sa kalye ay bakit ayaw ni Bongbong Marcos na lumahok sa mga nakalipas na debateng naidaos na at gaganapin pa? Kung ang mga iyon ay matatawag nga na talagang debate o hindi.
Isa sa mga nakalap naming kasagutan sa tanong na iyan ay ito, batay sa obserbasyon ng mga ordinaryong nilalang na nabanggit ko mismo sa simula ng kolum na ito: Si Bongbong ay pinalaki ng kanyang mga magulang na sina dating Pangulong Ferdinand Sr. at First Lady Imeda Romualdez Marcos na Kristiyano na nagmamahal sa kanyang pamilya. Iginagalang ang kanyang pamilya.
Tulad ng kanyang mga kapatid na sina Imee at Irene at kani-kanilang pamilya, sila ay hinubog para magmahal at respetuhin ang kaanilag ama at ina, lalong-lalo na si Apo Makoy, na sa loob ng 36 taon o mahigit pa ay inalipusta, niyurakan ang pagkatao at dangal at dinimonyo na ng kanyang mga kalaban sa pulitika.
Sabi nga ng isang taksi drayber na nakausap namin, bilang isang mabuti at matinong anak, hindi papayagan ni Bongbong na siya pa maging instrumento para paulit ulit-ulit na marinig ang maraming akusasyong ibinato kay Apo na hangga noong siya’y nanunungkulan pa at maging noong wala na sa puwesto na karamihan, hanggang ngayon ay hindi pa napapatunayan.
Obra naman sa isang mananahing naglilingkod sa isang patahian sa isang maliit na bayan sa Bulakan, bilang mga dibotong Kristiyano, tinuruan din si BBM na gumalang at magmahal sa kapuwa niya lalo na sa mga nakatatanda alinsunod sa bagong ipinag-u-utos na Panginoong Diyos sa lahat ng naniniwala sa Kanya.
At siyempre ang mga testamentong ito ay bukod sa nasabi na ng kampo ni BBM at maging ng kanyang mga katunggali sa panguluhan na sa wari ay hindi na naniniwala sa mga magagandang kaugaliang itong likas sa ating mga Pilipino.
Mayroon ngang ibang nagparatang na si Bongbong ay duwag sa hindi pagharap sa mga debate.
Sinagot naman ng ating mga nakausap: Hindi karuwagan ang magmahal at gumalang sa magulang lalo pa’t ang kaugaliang ito ay ginagawa para mapanatili ang magagandang alaalang iniwan ng kanilang mga magulang.
Simpleng kaugaliang ang mga ordinaryong nasa laylayan ng lipunan lamang ang sumusunod ngayong mga panahong ito. Na sa malas ay ni hindi na nga yata itinuturo sa ating mga paaralan.
Sino pa nga ba ang nakakaalam na ang malakas na pamilya ang isang mahalagang sangkap para mapa-unlad ang sambayanan?
Na ang pamilya. Ayon sa mga eksperto: “teaches us how to function in the world. It should provide love and warmth to all of its members. A strong family gives its members the support they need to make it through life’s toughest spots.”
Ayon sa kanila, “strong families have open lines of communication -- where all family members feel heard and respected. One of the best ways to strengthen your family is to increase your listening skills and those of other family members. Until we can hear each other, we cannot build strong relationships.”
May kasabihan tayong mga Pilipinom na walang magulang ang nakatitiis sa kanyang anak.
Pero para kay Bongbong, ayon pa rin sa drayber na nakausap natin, “walang anak ang hindi dapat gumalang at magmahal sa kanyang magulang.”
Na aniya’y ginawang saligan ng kaisa-isang anak na lalaki ni Da Apo at Unang Ginang Imelda sa kanyang adhikaing “BANGON BAYAN MULI” o BBM NG kanyang pagtakbo para sa panguluhan ng bansa.
Sa susunod pang mga kolum ay tatangkain naming sagutin ang katanungang sino ag karapat-dapat na iboto para maging Punong Tagapagpaganap ng bansa kung saan ay tatalakayin namin ang mga kakayahan ng mga kandidato humaharap sa atin ngayon para alalayan ang nagawa ng ating mga atsleta sa nakaraang XXII Games of the Olympiad sa Tokyo.
Ni weightlifter Hidilyn Diaz sa pagkakamit niya ng ating kauna-unahang Olympic gold medal, dalawang silver ng mga boksingerong sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze ni Eumir Marcial.
ABANGAN!
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Ortega wins Laguna chess
By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
Tue, 24 Dec 2024FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
Tue, 24 Dec 2024IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
Tue, 24 Dec 2024NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024Where Have All THE Heavyweights Gone?
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
Mon, 23 Dec 2024Beltran loses by KO in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
Mon, 23 Dec 2024Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
Mon, 23 Dec 2024Quirante KOs former teammate in 4th round
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Santisima, Portes bow in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
Sun, 22 Dec 2024Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024