
SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: Luhaang umuwi ang Ginebra fans noong Miyerkules
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Thu, 07 Apr 2022

Piniga ng Meralco Bolts ang dugo sa katawan ng katunggaling Barangay Ginebrqa Kings ang unang dugo sa Game 1 ng kanilang best-of-seven series para sa kampeonato ng 2022 PBA Governors’ Cup noong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.
Ganito inilarawan ng halos lahat ng media ang 104-91 pagwawagi ng Bolts ni coach Norman Black laban sa koponan ni coach Tim Cone na matagal nang nagpapairap sa kanila sa nakalipas na na anim na taon.
Luhaang umuwi ang may halos lahat ng 12,457 ng fans ng Kings noong araw na iyon na umaasang ang kanilang paboritong team ang mangingibabaw sa imprtanteng Game 1 na malimit ay ginagawang basehan ng resulta sa isang mahabang pitong serye na nakataya ang korona.
Tunay na talaga namang halos tuyuin ng Bolts ang dugong nananalaytay sa mga ugat ng Kings sa layong mahandugan ng kampeonato ang prangkisa ng Manila Electric Co. mula nang mabili ng MVP Group of Companies ni Many V. Pangilinann ang Sta. Lucia Realtors noong 2010.
At maipag-higanti ang kaapihang dinaranas ng MVP Group sa kamay ng katunggali nitong RSA (Ramon S. Ang) Group ng San Miguel Corp.
Bukod sa mapatid na ang 22 taong pagkauhaw ng prangkisa sa titulo at sariwain ang mga araw noong 1930s kung kailan ay dinomina ng noon ay kilalang Meralco Athletic Club ang senaryo sa basketbol dito sa bansa.
At balikang tanaw din ang maliligayang araw noong 1970s, panahong ang noon ay tinatawag na Meralco Reddy Kilowatts ay isa sa mga nagpahirap sa maalamat na Crispa Redmanizers na kontrolin ang ranggong amatyur.
Mahaba pa ang landas na dapat lakbayin, ayon na rin kay coach Norman, pero kung masusustena ng kanyang Bolts, particular sina Allein Maliksi at import na si Tony Bishop, ang laro nila noong Game 1, hindi rin malayong matupad nila ang kanilang misyon.
Tukoy din, siyempre ni coach Norman ang hustle play ni Cliff Hodge lalo sa depensa at ng kanyang anak nasi Aaron Black natulad ni Bishop unang nakalaro sa Finals.
Kaya nga lamang, ang makasaysayang Quezon City Big Dome ay itinuturing ng tahanan ng Meralco at ng dalawa pang koponang pag-a-ari ng MVP Group – Talk ‘N Text Tropang Giga at NLEX Road Warrior-- kung kaya’t dapat lamang na mas gamay nilang maglaro doon.
Tatangkain ng Bolts na mapalawig ang kanilang kalamangan sa 2-0 panalo-talo ngayong araw sa itinuturing na unfamiliar territory ng Mall of Asia Arena sa Pasay City kung saan ay pakay naman ng King na makabawi at tablahan ang serye sa 1-1.
Mahaba pa ang tatakbuhin ng serye, ito rin ang nasa isip ni coach Tim at ng Kings. Anim na laro pa at apat na panalo ang kailangan para makaupong muli sa trono. May kahirapan, pero napagdaanan na niya ang ganitong situwasyon.
Ang problema, ay si Japeth Aguilar ang workhorse ng Kings sa opensa at depenswa na bagamat bahagyang napupunuan ni Christian Standhardinger ang butas, sa malas ay hindi sapat ito para maipagtanggol ang kampeonatong napanalunan niya at ng Kings noong 2019 bago mag-pandemya.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Two Pacquiaos on same card?
By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
Tue, 02 Dec 2025USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
Tue, 02 Dec 2025THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
Tue, 02 Dec 2025Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
Tue, 02 Dec 2025Dejon Farrell Francis Turning Things Around
Tue, 02 Dec 2025WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
Tue, 02 Dec 2025PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
Tue, 02 Dec 2025Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025Jimuel draws in pro debut
By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025Kevin Durant sets new NBA record
By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
Sun, 30 Nov 2025