Mobile Home | Desktop Version




Governors’ Cup Finals: Rambolan ng dalawang batikang coach sa PBA

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 06 Apr 2022



Sinimulan kahapon ng Barangay Ginebra Kings at ng Meralco Bolts ang ika-apat na kabanata ng kanilang tunggalian para sa kampeonato ng 2022 PBA Governors’ Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Parang pinagtitiyap ng pagkakataon, ang unang dalawang beses na paghaharap ng dalawang koponan ay upang pagpasiyahan kung sino sa kanila ang tatanghaling hari ng torneong ito alay sa Board of Governors ng kaunaunahang liga propesyonal sa basketbol sa bansa.

Unang nagsagupa sina coach Tim Cone at Norman Black sa torneong ito noong Season 2016. Sinundan itong muli nilang pagtutuos noong Season 2017-2018 at noong Season 2019. Lahat ng tatlong labang ito ng dalawang dayuhang bench tactician ay pinanalunan ni coach Tim patungo sa kanyang kabuoang siyam na korona sa Governors’ Cup.

At kung ang pagbabasehan para masagot ang katanungan kung sino ang liyamado sa dalawa, maliwanag na si coach Tim ang pipiliin ng mga mamumusta sa China Town at maging sa iba pang panig sa Asya, tulad ng Hongkong, kung saan ay popular ang PBA sa mga manunugal.

Dadalawang Governors’ Cup pa lamang ang nai-uwi ni coach Norman bagamat siya ang nag-a-ari ng karangalang kauna-unahang benchman na nanalo nito noong bininyagan ang paligsahan noong 1993 nang siya pa ang humahawak ng San Miguel Beermen ng RSA (Ramon S. Ang) Group.

Tinalo noon ng SMB ang Swift ni coach Yeng Guiao, 4-1 sa kanilang best-of seven series para sa kampeonato. Kampeon din sa Governors’ Cup si coach Norman noong 2001 kung kailan ay pinangunahann niyang tagumpay ng Sta. Lucia Realtors laban sa Beermen.

Matapos ang 1993 inaugural ng torneo, apat na sunod na namayagpag si coach Tim sa Governors’ Cup – 1994 hanggang 1997.

Naging abala si coach Tim sa pangungulekta ng iba pang PBA Conference title sa sumunod na limang season hanggang sa lumipat siya sa prangkisa ng Purefoods kung saan ay humakot na naman siya ng apat na tropeo dala ang bandila ng SanMig Coffee, kabilang ang isa pang pares ng Governor’s Cup mula Season 2012 hanggang 2014.

Sa kampeonatong ito ng Governors’ Cup, versus Meralco, si coach Tim ay pakay ang kanyang kabuuang 24 titulo para palakasin pang kanyang hawak sa pagiging pinakamarami sa isang coach.

Hangad naman ni coach Norman ang kanyang ika-12 korona sa PBA, pangatlo sa likod ni coach Tim at ng maalamat na si coach Baby Dalupan ng Crispa, Great Taste at Purefoods.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Ortega wins Laguna chess
    By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024
  • Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
    By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024
  • Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
    Tue, 24 Dec 2024
  • FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
    Tue, 24 Dec 2024
  • IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
    Tue, 24 Dec 2024
  • NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
    By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024
  • Where Have All THE Heavyweights Gone?
    By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024
  • World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
    Mon, 23 Dec 2024
  • Beltran loses by KO in Japan
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
    Mon, 23 Dec 2024
  • Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
    Mon, 23 Dec 2024
  • Quirante KOs former teammate in 4th round
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • Santisima, Portes bow in Japan
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
    Sun, 22 Dec 2024
  • Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
    By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024