
Kapayapaan at Katahimikan sa Philippine sports
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 06 Apr 2022

EJ Obiena.
Ang mabuting bagay ay natatapos sa mabuti. All’s well that ends well, wika nga ng mga Kano.
Sa wakas, kapayapaan ang maghahari sa mundo ng Philippine sports matapos na ang sigalot sa pagitan ni Pilipino Olymipic pole vaulter Ernest Jphn Obiena at Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ay nagkasudong tigilan na ang alitan na tumagal nang halos anim na buwan at nagbunga sa pagkatanggal ni EJ sa pambansang koponan ng athletics.
Salamat sa pamamagitan ni Philippine Sports Commission Chair William “Butch" Ramirez, ang 26 anyos na talentadong si EJ ay mababalik na bilang miyembro ng pambansang koponan na lalahok sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Mayo 12-23 sa Hanoi, Vietnam.
Dahilan din para mabuksan ang pinto kay EJ na patunayan ang kanyang ranggong panlima sa daigdig at pinakamagaling na pole vaulter sa Asya sa XIX Asian Games sa Sityembre sa Hangzhou, China at World Outdoor Champions sa Eugene, Oregon sa Hulyo.
Ang pagkakasundo ng dalawang nag-a-away na kampo ay naging dahilan din sa pagwawalang bisa ng ng Philippine Olympic Committee sa dalawang resolusyon na pagsu-suspinde sa PATAFA ng 90 araw at nag-deklara sa pangulo nitong si Dr. Philip “Popoy” Ella Juico bilang persona non grata.
Opisyal na natuldukan ang kotrobersiya na nagmula sa ilang akusasyong ibinato ng PATAFA kay EJ tungkol sa umano’s maling paraan ng pagsasara nito ng kuwenta sa tulong pinansiyal na ibinigay sa kanya para sa kanyang preparasyon sa paglahok sa XXXII Games of the Olympics na ginanap sa Tokyo noong nakaraang taon noong Lunes sa pagtatapos ng pamamagitan ni PSC Chair Butch.
Bukas palad na tinanggap ng POC ang pagkakasundo sa pagitan ni EJ at ng PATAFA sa pamamagitan ni POC president at Cavite Rep. Abraham “Bambol" Tolentino sa kanyang pahayag sa pagwawalang bisa ng ban kay Doc Popoy na niya’y hudyat ng pababalik din ng PATAFA sa status nito bilang tagapagpatupad ng programa sa pagpapaunlad ng track and field sa bansa.
“As I have maintained even before, there are no losers but only winners (in the controversy). The main winner being the Filipino athlete.”
Pinasalamatan ni Chair Butch kapuwa ang kampo ni EJ ant ng PATAFA sa kanilang kooperasyon sa pagkakalutas ng problema.
Kasama ni Ramirez sa pulong noong Lunes sina PSC Executive Director, Lawyer Guillermo Iroy Jr.; Office of the Solicitor General’s ASG Bernard Hernandez; Philippine Dispute Resolution Center Inc.’s (PDRCI) Executive Director, Lawyer Arleo Magtibay; PDRCI Board Member and Chairman of the PDRCI Sports Arbitration Committee, Lawyer Charlie Ho.
“It is a learning experience for all. For us in the PSC, this experience is historical because it is our first-ever foray into sports mediation, and it showed us areas where we can craft policies for improvement,” pahayag ni Ramirez matapos ng pulong.
Ipina-alaala ni PSC chair sa mga kinauukulan na ituring ang lahat ng nangyari, impormasyon, diskusyon at palitan ng salita ay kumpidensyal.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
NYC PRESS CONFERENCE QUOTES: BERLANGA VS. SHEERAZ / SHAKUR STEVENSON VS. WILLIAM ZEPEDA
Fri, 16 May 2025HALL OF FAME TRAINER FREDDIE ROACH TO BE HONORED BY THE CITY OF LOS ANGELES IN PUBLIC CEREMONY AT FREDDIE'S GYM!
Fri, 16 May 2025HALL OF FAME BROADCASTER JIM LAMPLEY TO PARTICIPATE IN 2025 HALL OF FAME WEEKEND FESTIVITIES
Fri, 16 May 2025Minnesota, Indiana Back Again in the Eastern and Western Conference Finals
By Teodoro Medina Reynoso, Thu, 15 May 2025In Jonathan’s memory
By Joaquin Henson, Thu, 15 May 2025WATCH: HITCHINS AND KAMBOSOS JR IN INTENSE FACE-OFF WITH ONE MONTH UNTIL NYC SHOWDOWN
Thu, 15 May 2025Toledo-Xignex Trojans finally win the PCAP online team chess tournament
By Marlon Bernardino, Thu, 15 May 2025Former WBA Super Bantamweight Champion Nazarena Romero to Exercise Immediate Rematch Clause Against Mayelli Flores Rosquero
Thu, 15 May 2025Pacquiao's Controversial WBC Ranking Explained: "Legend" Status Cited Amid July Return
By Dong Secuya, Thu, 15 May 2025No-contest ruling awaited
By Joaquin Henson, Thu, 15 May 2025FISHER VS. ALLEN 2 + UNDERCARD FINAL PRESS CONFERENCE QUOTES
Thu, 15 May 2025Tyler Langer Defeats Raphael Carolina By Unanimous Decision in Headline Bout of Jeter Promotions Card at Rosecroft Raceway in Fort Washington, Maryland
Thu, 15 May 2025Canelo vs. Crawford Bout Faces Date and Venue Shift
By Dong Secuya, Wed, 14 May 2025BROADCAST TEAM ANNOUNCED FOR “CHAMPIONING MENTAL HEALTH: A NIGHT OF BOXING” ON THURSDAY, MAY 22
Wed, 14 May 2025UNBEATEN AMATEUR WORLD CHAMPION TIAH-MAI AYTON SIGNS PROMOTIONAL DEAL WITH MATCHROOM
Wed, 14 May 2025