Mobile Home | Desktop Version




SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: “Tapos na ang maliligayang araw niya,” babala ni coach Norman kay coach Tim

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Sun, 03 Apr 2022


Si Norman Black (kaliwa) at Tim Cone.

Dalawang koponan pa ring kumakatawan sa grupo ng San Miguel Corp. ni businessman-sportsman Ramon S, Ang at ng pangkat MVP ni Manny V. Pangilinan ang magsasagupa para sa kampeonato ng kasalukuyang ginaganap na Governor’s Cup ng PBA.

Matapos ang kapana-panabik na semifinal round ng ika-46 Sesson ng kauna-unahang liga propesyonal sa bansa -- ang Barangay Ginebra San Miguel ng grupo ni RSA at ang Meralco Bolts ni MVP nagkaroon ng karapatang magtuos at magpasiya kung sino ang tatawaging hari sa pangalawa at huling torneong inihanda ng liga sa mesa para ipangdiwang ang ika-46 Season nito.

Binigo ng Gin Kings ang hamon ng NLEX Road Warriors, 3-1 sa kanilang best-of-five series para makuha ang upuan sa Finals. Tinalo naman ng Bolts ang Magnolia Pambansang Manok Hotshots, 4-1 sa bukod nilang serye para gold medal play.

Ang Hotshots, ng RSA Group at Road Warriors na dala ang bandila ng pangkat ni MVP, sa tutuo lang, ang siyang lumabas na top two teams makaraan ang elimination round.

Ang paghaharap ng Ginebra at Meralco ay nangahulugan ng isa na namang RSA Group vs. MVP Group na siya ring naging kalakaran ng lahat ng torneong idinaos sa liga sa nakaraang walong taon mula noong 2015.

Katunayan, mula noong taong iyon, puro koponang pag-a-ari ng SMC – San Miguel Beermen, Ginebra at Magnolia -- ang nagpalitan sa paghahawak ng korona sa bawat toreong naidaaos.

Dalawang beses lamag na napatid ang dominasyong ito ng grupo ni RSA. Noong 2015, kung kailan ay namayani ang Rain or Shine Elasto Painters sa Commissioner’s Cup nang ito ay hawak pa ni coach Yeng Guiao ng ngayon ay NLEX, at ang 2021 Philippine Cup ni balik-PBA coach Chot Reyes.

Ito ang ika-apat na paghaharap ng Kings ni coach Tim Cone at Bolts ni basketball guru Norman Black na ang titulo ay pawang naibulsa ng Ginebra noong 2015-2016 season, 2016-2017 Season at 2019.

Isang pagkakataong lalong inasahang makadaragdag ng kasabikan sa fans na sa kauna-unahang pagkakataon mula nang magsimula ang pandemya ng Covid 19 ay makasasaksi ng laro ng 100 porsiyento sa Araneta Coliseum at Mall of Asia kung saan ang best-of-seven finale ay palit-palitang gaganapin.

Tulad nang mga nauna nilag pagtutuos para sa lahat ng nakataya, ang kampanya ni coach Tim at Kings ay nakasalalay sa kanilang import na si Justin Brownlee na ayon kay Cone mismo ay patuloy na nagpapakita ng pag-unlad sa kanyang laro mula nang siya ay dumating sa Pilipias noong 2015.

Ikinumpara ni coach Tim si Bro lee kay Bobby Ray Parks Sr., na patuloy na nagpapakikta ng pag-unlad sa kanyang laro mula nang siya ay dumating sa Pilipinas noong 2015.

“You might get him (Parks) one game, you might figure out something different for one game, but if you tried the second game, you’re dead,” papuri ni Cone sa kanyang ng reinforcement.

“He’ll figure it out and destroy you,” dagdag ni Cone. “Every time someone does something new, he’ll learn something and he adds it to his game. He continues to evolve.”

Bagamat tila ang kasaysayan ay nasa panig ng Ginebra, para kay coach Norman, gusto niya ang tsansa ng Bolts ngayong taon para makabawi sa kanilang naunang pagkatalo.

“I like my chances this time around,” ani Black. “I just hope I can get CB (Chris Banchero) back. If he comes back then I think my chances are pretty good.”

Maliban sa kanyang pag-giya sa Bolts na muling makapasok sa Finals, layon din ni Black n a tuldukan na ang tila wala nang katapusang pagkatalo niya kay coach Tim na anya’y hindi pa niya natatalo sa limang beses nilang paghaharap sa kampeonato.

“I’ve never beaten Tim before, so maybe this would be the right time to get it done,” Black aniya “We’ve been meeting a lot lately and he has been on the winning end every time.”


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Rodrigo to challenge undefeated Sandoval in US
    By Lito delos Reyes, Sat, 23 Aug 2025
  • Round 12 with Mauricio Sulaimàn: Call to Action 12 Items for Boxers' Safety
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 22 Aug 2025
  • Libranza vs Pangga headlines Elorde card on Aug 24
    By Lito delos Reyes, Fri, 22 Aug 2025
  • GM Antonio to compete in P100,000 top prize Rapid chessfest this Sunday in Roxas City, Capiz Province
    By Marlon Bernardino, Fri, 22 Aug 2025
  • AISAT Basic Ed football training starts
    By Kim delos Reyes-Teves, Fri, 22 Aug 2025
  • Josh Navarro Scores Another Win in Pomona, California
    By Carlos Costa, Fri, 22 Aug 2025
  • UNDEFEATED CRIZTIAN PITT LAURENTE SET TO FACE HEBI MARAPU FOR IBF PAN PACIFIC TITLE
    Fri, 22 Aug 2025
  • Dare To Enter: Undefeated WBC Interim Champion Vergil Ortiz to Defend Super Welterweight Title From Number 1 Contender Erickson “The Hammer” Lubin
    Fri, 22 Aug 2025
  • Euri Cedeno Takes on Willie Jones on Friday, September 5th at Wind Creek Event Center in Bethlehem, PA
    Fri, 22 Aug 2025
  • COE AND HART CLASH ON BOOTS ENNIS CARD IN PHILADELPHIA
    Thu, 21 Aug 2025
  • ‘There's nothing that he brings to the table that I've not got an answer for’ Sam Rennie on upcoming fight at Thunderdome 51
    Thu, 21 Aug 2025
  • JAMAINE "THE TECHNICIAN" ORTIZ TRAINING CAMP NOTES
    Thu, 21 Aug 2025
  • Gervonta Davis vs. Jake Paul: Exhibition Bout Announced for November
    By Gabriel F. Cordero, Thu, 21 Aug 2025
  • Legendary boxing coach John Brown Compares cornering Tommy Morrison & Rising young star Marco Romero
    Thu, 21 Aug 2025
  • World Kid to Host Meet-and-Greet and Open Workouts In advance of “The Return” on August 31 in Detroit
    Thu, 21 Aug 2025