
SALA SAA INIT … SALA SA LAMIG: Isang pagpupugay sa PSA
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Thu, 31 Mar 2022

Si Hidilyn Diaz ay tiguriang PSA Athlete of the Year ng 2021.
Nais papurihan ng SALA SA INIT … SALA SA LAMIG ang Philippine Sportswriters Association sa minsan pang bigyan ng pagkilala ang mga atletang Pilipinong nagbigay ng karangalan sa PILIPINAS at sa katagang PILIPINO sa lahat halos ng sporting arena sa daigdig noong nakalipas na 2021.
Ang PSA, para sa kaalaman ng maraming hindi pa nakababatid, ay patuloy sa pagigiging kaisa-isang grupo sa palakasan na, simula sa pgkakatatag ng organisasyon noong 1949, ang hindi nakalilimot na kilalanin ang mga nagagawa at magagawa pa ng atletang Pinoy para ipakilala sa buong daigdig kung anong uri ng pagkatao at lahi ang Pilipino pati na ang bansa sa larangan ng palakasan.
Maliban sa ilang taon matapos ma-ideklara ang Martial Law sa Piipinas para maputol ang bantang patalsikin ang ating demokratikong pamahalaan, ay walang sawang tinu-tupad ng mga lalaki at babaeng miyembro ng samahang nagu-ulat ng mga kaganapan sa sports dito sa bansa at paano ang ating mga atleta ay buong pagmamalaking dinadala ang ating bandila sa lahat at bawat isang kompetisyong nilalahukan nila saan mang palaruang itinadaos ang mga ito.
Nagsimula ito nang muling buhayin ang PSA noong 1981 ng mga taong nagsilbing haligi pamamahayag sa sports gaya ilan sa kanila -- sina Tony Siddayao, Gus Villanueva, Teddy Benigno, Andy del Rosario, Mike Genovea – at marami pang iba.
At noon ngang nakaraang taon, sa kabila ng pamiminsala ng pandemyang dala Covid 19, ay pumalaot pa rin ang mga Pinoy sa lahat ng apat na sulok ng daigdig upang ipamalas sa mga katulad nilang mula sa iba’t-bang sulok ng mundo kung paanong lumaban ang Lahing Kayumanggi sa iba’t-ibang disiplilang sinalihan nila, partikular sa Olympic Games na tinatawag ding “The Greatest Sportrs Show on Earth.”
At noon ngang nakalipas na taon, sa Tokyo, pinutol na ni weightlifter Hidilyn Diaz ang 97 taon nang pagkauhaw ng Pilipinas sa gintong medalya mula sa Olympic Games nang taluin niya ang lahat ng kanyang nakaharap sa kanyang dibisyon at ihandog sa Pilipinas at sa kanyang mga kababayan ang matagal nang inaasam na ginto.
Hindi pa doon natapos ang pagsungkit ng karangalan ni Hidilyn. Tatlong boksingerong kasama niya sa pambansang delegasyon ang humakot ng tatlo pang medalya – dalawang pilak (silver) sa kagandahang loob nina Nesthy Petecio at Carlo Paalam at isang tanso (bronze) na nakasabit sa leeg ni Eumir Marcial na inaasahang mananalo sana ng isa pang gold pero sa kakulangan ng ensayo ay bigong madala ang inaasam sa kanya nng mga kababayang Pilipino.
Apat na Olympic medal na mas lalong pinatingkad ng isang ginto. Dahilan para ideklara ng mga lider sa sports sa bansa na ang 2021 Games na dapat sana’y gaganapin noong 2020 bilang pagsod sa tuwing ika-apat na taong cycle na ipanatutupad ng International Olympikc Committee, pero naipagpaliban dala ng mapaminsala at nakamamamtay na pandemya, na ito ang pinaka-matagumpay, pinakamayamang Olimpiyada na nilahukan ng bansa.
Isama ang pang 11 isang puwestong nakamit ni pole vaulter Ernest John Obiena para handugan ang Pilipinas ng karagdagang karangalang ‘The Best Southeast Asian Nation In the Olympics.’
Ang ikinalulongkot ng maraming tagasunodng sports, maliban sa ilang opisyal ng sports dito ay wala man lamang matataas na pinuno ng pamahalaan ang kumilala sa milestone na itong magawa ng ating mga atleta.
Lalo na ang mga kandidato sa matataas na puwesto ng gobiyerno na tumatakbo sa darating na halalan.
Mabuti na lamang at may isang samahan, tulad Ng PSA na hindi nakalilimot na parangalan ang atletang Pinoy na taon-taon ay bitbit at iwinawagayway ang ating kulay puti, asul, at pulang bandila sa tuwinang sila ay palalaot sa lahat ng sports arena saan man sa mundo para ipakita kung bakit ang Pilipinas ay tinaguriag ‘Perlas ng Silangan’ at ang Pinoy bilang ‘Litlle Brown Dolls.’
Sa PSA at sa pamunuan nito, sa pangunguna ng kasalukuyang pangulo ng sportswriting fraternity, ang inaanak kong si Rey Lachica, sports editor ng pahayagang TEMPO na ilang beses ko na ring pinaglingkurasn sa aking 5O-taong pagiging sportswriter; MARAMING SALAMAT SA INYO AT NAWA’Y IPAGPATULOY PA NINYO ANG PAGTUPAD SA ATING SINUMPAANG PANGAKO NA TULUNGANG PAUNLARIN ANG SPORTS SA BANSA AT ATING MGA ATLETA!
Dalawang taon mula ngayon ay sasabak na naman ang ating mga ateta para ipagdiwang ang ika-100 taong paglahok nito sa Olimpyada. Sama-sama nating ipagdasalna mas magand pa kaaysa Tokyo ang kamilang performance para sa mas maringal PSA Sports Award Night.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Rodrigo to challenge undefeated Sandoval in US
By Lito delos Reyes, Sat, 23 Aug 2025Round 12 with Mauricio Sulaimàn: Call to Action 12 Items for Boxers' Safety
By Mauricio Sulaimán, Fri, 22 Aug 2025Libranza vs Pangga headlines Elorde card on Aug 24
By Lito delos Reyes, Fri, 22 Aug 2025GM Antonio to compete in P100,000 top prize Rapid chessfest this Sunday in Roxas City, Capiz Province
By Marlon Bernardino, Fri, 22 Aug 2025AISAT Basic Ed football training starts
By Kim delos Reyes-Teves, Fri, 22 Aug 2025Josh Navarro Scores Another Win in Pomona, California
By Carlos Costa, Fri, 22 Aug 2025UNDEFEATED CRIZTIAN PITT LAURENTE SET TO FACE HEBI MARAPU FOR IBF PAN PACIFIC TITLE
Fri, 22 Aug 2025Dare To Enter: Undefeated WBC Interim Champion Vergil Ortiz to Defend Super Welterweight Title From Number 1 Contender Erickson “The Hammer” Lubin
Fri, 22 Aug 2025Euri Cedeno Takes on Willie Jones on Friday, September 5th at Wind Creek Event Center in Bethlehem, PA
Fri, 22 Aug 2025COE AND HART CLASH ON BOOTS ENNIS CARD IN PHILADELPHIA
Thu, 21 Aug 2025‘There's nothing that he brings to the table that I've not got an answer for’ Sam Rennie on upcoming fight at Thunderdome 51
Thu, 21 Aug 2025JAMAINE "THE TECHNICIAN" ORTIZ TRAINING CAMP NOTES
Thu, 21 Aug 2025Gervonta Davis vs. Jake Paul: Exhibition Bout Announced for November
By Gabriel F. Cordero, Thu, 21 Aug 2025Legendary boxing coach John Brown Compares cornering Tommy Morrison & Rising young star Marco Romero
Thu, 21 Aug 2025World Kid to Host Meet-and-Greet and Open Workouts In advance of “The Return” on August 31 in Detroit
Thu, 21 Aug 2025