Mobile Home | Desktop Version




PBA Outlook: Di pa tapos ang lahat para kay Coach Chito at Coach Yeng

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Tue, 29 Mar 2022

Tatapusin na ng Barangay Ginebra at Meralco ang kanilang best-of-five semifinal round serye laban sa NLEX at Magnolia Pamabansang Manok Hotshots, ayon sa pagkakasunod, sa PBA Governors’ Cup ngayong araw sa Araneta Coliseum.

Kapuwa nangunguna, 2-1 panalo-talong kartada makaraan ang unang tatlong paghaharap, kailangan na lamang ng Gin Kings at Bolts na manalo sa kambal na labang ito na tampok sa Round of Four upang umabante sa Finals.

Kung saan mapapagpasiyahan kung sino sa kanila ang tatanghaling kampeon sa pangalawa at huling Conference na inihain ng kauna-unahang liga propesyonal sa basketball sa bansa bilang pagdiriwang sa ika-46 na season nito.

Pinawi ng Road Warriors ni coach Yeng Guiao ang 2-0 bentahe ng Kings noong sa mahigpitang pagtutuos noong Linggo sa Mall of Asia Arena, upang bigyang muli ng buhay ang kanilang kampanya na masungkit ang kanilang kauna-unahang titulo mula ang makakuha ng prangkisa noog 2014-2015 Season.

Tinalo rin ng Bolts ni coach Norman Black ang Hotshots noong araw ding iyon, 101-95, para mabawi ang kanilang upuan sa gold medal play na huli nilang naranasan noong Commissioner’s Cup ng 2016-2017 bago sila nabigo vs Barangay Ginebra ng pangalawang pagkakataon para sa dapat ay kauna-unahan nilang korona sa loob ng 12 taon mula noong 2010.

Kapag ang mga pangyayari ay umayon sa dapat maganap at ang Bolts at Kings ni coach Tim Cone ay muling magkaharap sa kampeonato, pang-apat na beses na itong magaganap sa loob ng walong taon.

Madaling sabihin ito kay sa gawin. Masyadong Malaki ang nakataya, di kukulangin sa kampeonato na hindi pababayaan kapuwa ng Hotshots ni coach Chito Victolero at Road Warriors na mangyari ng ganoon ganoon lamang.

Una, natuklasan na ni coach Yeng na possible nga palang talunin ang Kings ni coach Tim at tiyak na sasamantalahin nila ito para manalo, itabla ang serye at palawigin pang best-of-five sa buong rota nito.

“Actually, I just told the boys that we just have to save ourselves the embarrassment of being swept (in the series),” pagtatapat ni coach Yeng sa reporter na ito matapos silang makaligtas na mawalis noong Linggo. “I said, maybe if we won, we could change the complexion of the series and have a chance at winning (the title).”

“Eh nagawa na nga naming manalo!” dugtong niyang nanlalaki ang mata na ang ibig sabihin ay hindi pa tapos ang lahat.

Bigkas namann ni coach Chito: “We're down but we're not out!”

"We're executing well, especially down the stretch. Now, I don't know (what happened).." obserba ni coach na nangangakong ang kanyang tropa ay babalik para isalba ang season at makuha ang tropeong di pa nila nalalasap.

Anuman nang mangyari ngayong araw – matapos man o tumagal ang semis, asahan ang dalawang larong ito na magbibigay ng lubos na kasiyahan at kilig sa libo-libong papalaring makapanood nito sa loob man ng Big Dome.

O sa fans sa bulwagan ng kanilang tahanan at harap ng TV set na halos tatlong taon nang nadiyeta sa magagandang laro dala ng pandemya ng Covid 19.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Ortega wins Laguna chess
    By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024
  • Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
    By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024
  • Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
    Tue, 24 Dec 2024
  • FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
    Tue, 24 Dec 2024
  • IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
    Tue, 24 Dec 2024
  • NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
    By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024
  • Where Have All THE Heavyweights Gone?
    By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024
  • World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
    Mon, 23 Dec 2024
  • Beltran loses by KO in Japan
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
    Mon, 23 Dec 2024
  • Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
    Mon, 23 Dec 2024
  • Quirante KOs former teammate in 4th round
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • Santisima, Portes bow in Japan
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
    Sun, 22 Dec 2024
  • Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
    By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024