SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: Maganda at masamang balita sa SEA Games
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Thu, 24 Mar 2022
Batay sa kanyang nasaksihan sa tatlong araw niyang pagbisita sa Hanoi noong nakaraang linggo, tiniyak ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino na maidaraos ang 31st Southeast Asian Games ng walang sagabal sa orihinal nitong iskedyul sa Mayo 12 hanggang 23 sa pangunahing Lunsod na ito ng Vietnam.
Ito ang magandang balita. Ang masamang balitga – hindi pa tiyak kung makalalahok si Pilipino pole vaulter Ernest John Obiena sa kompetisyon ng athletics kung saan ay ipagtataggol niya ang gingtong medalyang napanalunan nniya noong 2019 dito mismo sa bansa.
Pumunta si Tolentino noong Biyernes para sa pagpupulong ng mga chef de mission ng 10 iba pang miyembro ng SEA Games Federation at iniulat niyang base sa kanyang nakita ay nasa tamang lugar ang paghahanddang ginagawa ng host sa kabila ng pagdamia ng mga kaso ng Covid 19 sa lugar.
“Lahat ng ibang aspeto ng preparasyon, sa tingin ko, ay nabibigyan ng pansin,” paniniguro ni Tolentino, nagsisilbi ring kongresista ng Lunsod ng Tagaytay sa kanyang sinilangang lalawigan ng Cavite sa panayam noong Martes sa lingguhang Philippine Sportswriters Association Forum.
“Everything seemed to be on track,” aniya. “We did site visitations of the different venues. We also did inspections of the hotel for the athletes and officials.”
Naisumite na rin ng POC, dagdag ni Tolentino, ang listanan ng mga miyembro ng pambansang delegasyon ng Pilipinas na kinabiobilangan ni Obiena na hindi isinama ng kanyang sariling pederasyon, ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa listahan nito.
“Vietnam has received our entries by names and we’re just waiting for the final confirmation,” anang pangulo ng POC.
Si Obiena na may ranggong panlimang pinakamagaling na pole vaulter sa daigdig, ay siyang magma-may-ari ng Asia rekord 5.91 metrong taas sa kanyang event.
Hindi rin matiyak ni Tolentino, kandidato sa pagka-alkalde ng Tagaytay sa darating na halalan, kung tataggap ng manonood sa palaro dala ng naitalang 171,446 kaso ng Covid 19sa Hanoi sa nakaraang 10 linggo
“But it’s declining now. In fact, they are now open to tourists,” dagdag ng mambabatas na ang kailangan lamang ng mga dayuhang delegado sa Games ay magpakita ng prueba ng pagkapag-bakuna o booster shot.
“We just need to be extra careful,” aniya. May kabuuang 979 atleta at opisyal ang nasa listahang isinumite ni Tolentino sa Games organizers.
Alinman sa chartered flights ng Singapore Airlines o Philippine Airlines ang maaring sakyan ng delegasyon patungong Vietnam.
Pinasalamatan forum ni Tolentino Department of Foreign Affairs sa pagtulong ng ahensya sa 103 ng Team Philippines na nag-apply o nag-renew ng kanilang pasaporte.
“We wrote to the Foreign Affairs and they responded by accommodating us,” said Tolentino.
Napag-alaman din ni Tolentino na ang Malaysia, isa sa mga makakalaban ng mga Pilipino para maipagtanggol ang pakalahatang kamponato, ay kakatawan ng hindi kukulangin sa 800 athleta, 656 na kakatawan sa nagtatanggol na kampeon.
Wala pa siyang impormasyon, ani Tolentino, kung ilan ang ipadadala ng mga malalakas ding delegasyon ng Thailand at Indonesia.
“Hindi pa natin alam,” bagamat sinabi niyabng may kumpiyansa siyang ang Pilipin as ay handang lumaban para mapanatili sa dalampasigang ito ang pangkalahatang kempeonato.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Ortega wins Laguna chess
By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
Tue, 24 Dec 2024FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
Tue, 24 Dec 2024IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
Tue, 24 Dec 2024NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024Where Have All THE Heavyweights Gone?
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
Mon, 23 Dec 2024Beltran loses by KO in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
Mon, 23 Dec 2024Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
Mon, 23 Dec 2024Quirante KOs former teammate in 4th round
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Santisima, Portes bow in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
Sun, 22 Dec 2024Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024