Mobile Home | Desktop Version




SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: EJ Obiena, isang responsableng Pilipino

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Sun, 20 Mar 2022


EJ Obiena.
Sa nakaraang ilang linggo, ipinamalas ni Asian pole vault king Ernest John Obiena kung ano ang nagawa sa kanya ng sports para maging isang responsableng miyembro ng lipunan.

Ilang araw matapos makamit ang silver medal sa Perche Elite Tour sa Rouen, France at makatalon sa taas na season-best 5.91 metro at ilang araw din makaraang simulan ng Russia ang pagsakop sa Ukraine, nagpahayag ang 26 anyos na si Obiena ng pakikiramay sa maliit na bansang dating sakop ng USSR.

Nitong weekend lamang, nagpakita muli ang may ranggong panglima sa daigdig sa kanyang event ng kahinugan ng pag-iisip nang batiin niya ang kababayang Fil-Am na si Kristrina Knott sa partisipasyon nito sa World Indoor Track and Field championships sa Belgrade, Serbia.

Si Obiena na popular din sa tawag na EJ, ay dapat sanang kasama ni Knott sa Team Philippine subalit tinanggihan siyang irekomenda ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa kabila ng isa siya sa mga inaasahang mananalo ng medalya dala ng kanyang mataas na world ranking.

Si EJ ay paborito ring madomina ang pole vault at mapanatili ang gintong medalya sa dalampasigang ito pagdating sa Hanoi SEA Games.

Ang problema nga lamang ay, hanggang sa araw na ito, hindi pa matiyak kung papayagan siyang makalahok sa kompetisyon sa athletics para maipangtanggol ang koronang ipinanalo niya noong 2019 sa Pilipinas.

Si Philippine OIlympic Committee president, Cavite Congressmasn Abraham “Bambol” Tolentino, at ang apat-kataong pambansang delegasyong nagsisikap na mapasama siya bilang opisyal na miyembro ng koponan ay kasalukuyan pang nasa Hanoi sa pag-asang mabigyan si EJ ng pahintulot na makasali.

"I am proud to call Kristina a teammate and friend and I want to thank her for making our nation proud. SEA Games are next and I am sure Kristina shall defend her gold medals in Hanoi!," wika ni EJ sa kanyang mensaheng pinadaan sa social media.

“My heart and thoughts are with you,” anang mensahe ni EJ sa mga taga-Ukraine na sinulat niya sa kanyang Facebook post na nilakipan niya ng emoji ng bandila ng nasabing bansa.

“Silence never helped the oppressed or the abused… Stay strong, Ukraine!” bilin ni EJ sa mga kababayan ng kanyang matagal nang coach na si Vitaly Petrov.

Samantala, ang kambal na nakakataba ng pusong nagawa ni EJ ay nagbunsod sa kanyang ama at personal coach na si Emerson Obiena, dati ring pole vaulter, na magpahayag ng pag-asang ito ay magsilbing “motivation for track and field athletes in the years to come.”

Sa gitna ng mga kaganapang ito, “EJ is nothing short of a perfect role model for those who want to achieve the same.

"Gusto ko sana maging inspirasyon [si EJ] para doon sa mga batang nagsisimula pa lang dito sa larangan ng sport na ito,” ani Emerson.

“Hopefully, maging modelo nila si Ernest and mag-strive sila na someday maging katulad niya," pahayag ng nakatatandang Obiena sa Philippine Sportswriters Association Awards Night na idinaos sa Diamond Hotel noong Lunes.

Tunay na ang tagumpay na tinatamasa ni EJ ngayon sa gitna ng gusot niya sa PATAFA ay nagsisilbing liwanag at gabay sa mga batang atletang nagtatangkang tularan ang kanyang mga nagawa.

"'Di natin na-imagine na aabot sa ganitong level ang isang katulad ni EJ. Tingin ko, nung time na yun, especially sa track and field, hindi natin nakikita na pwede tayong dark horse. Pero ngayon nandidito na," paliwanag ng kabiyak ni Jeanette na isa ring coach at dating hurdler.

"So, it is possible and hopefully sana, yung mga kabataan natin ngayon makita nila na may kakayahan din pala ang mga Pilipino para maging excellent sa sport na ito,” dugtong niya.

At higit sa lahat, ang mga kabayanihang ipinamamalas ni EJ at ng mga medalista sa nakaraang Tokyo Olympics kung saan ang weightlifter na si Hidilyn Diaz ay pinutol ang 97 taong pagkauhaw ng Pilipinas at mga Pilipino sa gintong medalya.

Na tinampukan din ng silver medal ng mga boksingerong sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze ni Eumir Marcial, ay nagsisilbing testamento ng malawak na papel na ginagampanan ng sport para ang bansang Pilipinas ay makapagtayo, hindi lamang isang malusog at malakas na pamayanan, kundi ng matalino at responsableng miyembro ng lipunan alinsunod sa iniaatas ng Saligang Batas.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Weigh-In Results: Vito Mielnicki Jr. vs. Kamil Gardzielik
    Sat, 21 Jun 2025
  • ‘LA FRIDAY NIGHT FIGHTS 2’ 6 P.M PST/9 P.M. EST TONIGHT, LIVE ON DAZN, FEATURING STEVENS VS. KHAMUKOV
    Sat, 21 Jun 2025
  • YAFAI VS. RODRIGUEZ WEIGHTS AND RUNNING ORDER
    Fri, 20 Jun 2025
  • Thursday’s Action Featured Stellar Showings at the 2025 USA Boxing Junior Olympics and Summer Festival
    Fri, 20 Jun 2025
  • Finals Go All the Way to Game 7 as Indiana Bludgeons Oklahoma in Game 6, 108-91
    By Teodoro Medina Reynoso, Fri, 20 Jun 2025
  • Araneta Loses on Points in Odd Judging Setup; Still no Japanese World Welterweight Champion
    By Teodoro Medina Reynoso, Fri, 20 Jun 2025
  • Espinas, Cao Make Weight, Ready for WBC Asia Battle Saturday in China
    By Carlos Costa, Fri, 20 Jun 2025
  • ASAPHIL Taps World-Class Coach to Lead RP Blu Girls to Greater Heights
    By Marlon Bernardino, Fri, 20 Jun 2025
  • YAFAI VS. RODRIGUEZ + UNDERCARD FINAL PRESS CONFERENCE QUOTES
    Fri, 20 Jun 2025
  • Press Conference Notes: Vito Mielnicki Jr. Set for Homecoming Versus Kamil Gardzielik
    Fri, 20 Jun 2025
  • DUARTE VS. SIMS JR. TICKETS GO ON SALE TOMORROW, FRIDAY, JUNE 20TH
    Fri, 20 Jun 2025
  • Day Three Finalized at the 2025 USA Boxing Junior Olympics and Summer Festival
    Fri, 20 Jun 2025
  • Normel De Jesus rules IIEE Central Luzon Region leg chess tilt
    By Marlon Bernardino, Fri, 20 Jun 2025
  • Thanongsak Simsri Edges Christian Araneta by Split Decision, Claims IBF 108 World Title; Could Vayson Be Simsri's First Challenger?
    By Carlos Costa, Thu, 19 Jun 2025
  • Tokyo Fist: Brian Norman Jr. KOs Jin Sasaki to Retain Welterweight Crown
    Thu, 19 Jun 2025