Mobile Home | Desktop Version




PBA Outlook: Tuloy ang labanan ng grupo ni RSA at MVP para sa paghahari sa PBA

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Mon, 14 Mar 2022

Tuloy na ang quarterfinal round ng 2022 PBA Governors’ Cup bukas matapos makumpleto ng Phoenix Super LPG ang walong koponang maglalaban-laban para makuha ang kani-kanilang upuan sa susunod na round ng pagdiriwang ng ika-46 Season ng kauna-unahan at prestihiyosong liga propesyonal sa bansa.

Dalawang eksplosibong laro ang nakatakdang pagharapan sa pagubukas ng Round of 8 sa makasaysayang Araneta Coliseum kung saan ang magkapatid na koponang North Luson Expressway at Talk ‘N Text ay kapuwa nangangailangang magwagi ng isang beses laban sa Alaska Milk at Barangay Ginebra, ayon sa pagkakasunod, para maka-abante sa Final 4 Round.

Nakamit ng NLEX Road Warriors ni coach Yeng Guiao ang pangalawang puwesto sa likod ng nangungunang Magnolia Pambansang Manok at ma-enjoy ang twice-to-beat na prebilehiyo na naka-reserba sa unang apat na koponang nasa itaas ng team standing makaraan ang elimination round.

Gaya ng Hotshots na may 9-2 panalo-talong kartada sa qualifying round, at ng Road Warriors (8-3), nakapasok din ang Tropang Giga (7-4) sa apat na pribilihiyadong koponan na nakakuha ng bentaheng manalo lamang ng isang beses para umabante sa apat na koponang semifinal round.

Dalawa pang koponan, sa tutoo lang, ang natapos na may 7-4 panalo-talong rekord matapos ang unan g round – Meralco at San Miguel Beer -- subalit naungusan ng TnT at Bolts ang Beermen sa pangatlo at pang-apat na puwesto sa pamamagitan ng kanilang plus 5 at plus 1 quotient na ginamit sa pagbasag ng tie.

Dahil dito, bagsak ang Beeermen sa pang-lima. Sumonod ang Barangay Ginebra at Alaska sa talaan (kapuwa sa 6-5). Huling pumasok sa qujarterfinal round ang Phoenix Super LPG na pang-walo makaraan ang kanilang 101-98 na panalo noong Linggo ss kanilang winner-take-all playoff.

Kaya nga ang tanong ng maraming tagasunod ng liga, mayroon bang ipinagbago sa takbo sa kung sino na naman o anong grupo ang mananaig dito sa huli at pangalawang torneong inihahain ng liga sa ika-46th na anibersaryo nito?

Katanungang sila rin ang pahiyaw na sumagot: WALA!.

Bakit? Mapapansing sa walong koponang pumasok sa quarters, tig-tatlo ang RSA Group (Ramon S. Ang) -- Magnolia, SMB at Barangay Ginebra at MVP (Manny V. Pangilinan) Group – NLEX, TnT at Meralco.

Samakatuwid, ayon sa fans ang dalawang grupo lamang na ito ang malamang maglaban-laban sa kamponato. Dalawang team lamag ang nakapasok sa mahigpit na pagbabantay ng grupo ni RSA at MVP. Ito ay ang Alaska Aces at Phoenix Fuel Masters.

Kug may kakayahan man ang isa sa dalawaang koponang ito na lansagin ag dominasyon ng dalawang makapagyarihang grupo nina RSA at MVP, malalaman natin sa mga susunod na kabanata.

Ang masasabi ko lamang, ang Aces ni businessman-sportsman Fred Uytengsu ay may isang mahalagang misyon matapos na ipahayag ng pamunuan na bibitiw na ang kumpya bilang miyembro ng PBA.

At ito marahil ang isang malaking karagdaang inspirasyon at motobasyon para si coach Jeff Cariaso at ang kanyang Aces ay gawin ang lahat ng kanilang makakaya para maisakatupparan ang kanialang kahuli-hulihang misyon – HANDUGAN ANG PRANGKISA NG KAHULI-HULIHANG KORONA BILANG ISANG KOPONANG PROPESYONAL SA SPORT NA PINAKAMAMAHAL PA NAMAN NG KANILANG MGA KABABAYAN at FANS.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Ortega wins Laguna chess
    By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024
  • Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
    By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024
  • Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
    Tue, 24 Dec 2024
  • FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
    Tue, 24 Dec 2024
  • IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
    Tue, 24 Dec 2024
  • NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
    By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024
  • Where Have All THE Heavyweights Gone?
    By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024
  • World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
    Mon, 23 Dec 2024
  • Beltran loses by KO in Japan
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
    Mon, 23 Dec 2024
  • Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
    Mon, 23 Dec 2024
  • Quirante KOs former teammate in 4th round
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • Santisima, Portes bow in Japan
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
    Sun, 22 Dec 2024
  • Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
    By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024