Mobile Home | Desktop Version




SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: Gusot ni EJ Obiena at PATAFA, katulad ng away ni Lydia de Vega at Gintong Alay

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Thu, 10 Mar 2022


EJ Obiena.

Para sa Philippine Olympic Committee, walang makapipigil kay Pilipino pole vault Olympian Ernest John Obiena na katawanin muli ang bansa sa darating na 31st Southeast Asian Games, may indorso man o wala ng Philippine Athletics Track and Field Association.

Ang tuwing ikalawang taong kompetisyon na huling idinaos dito mismo sa bansa kung saan ang Pilipinas ay nabawi ang pangkalahatang kampeonao ay nakatakdang ganapin sa nalalapit ika- 12-23 ng Mayo sa Hanoi, Vietnam.

At si POC president, Cavite Congressman Abraham “Bambol” Tolentino at ang kanyang board ay may malakakas na argumento kung bakit sila’y naniniwalang makararating si Obiena sa pangunahing Lunsod ng Vietnam papanatilihin ang gintong medalyang napalunan niya noong 2019 sa dalampasigang ito.

Na malamang ay siyang magiging laman ng liham a ipadadala ng POC sa SEA Games Organizing Committee bilang kapalit ng indorsong patuloy na ipinagkakait ng PATAFA sa Numero 1 atleta nito na may ranggong panlima sa mundo sa kanyang event at kailsa-isang Asyanong atletang nakapasok sa Finals ng pole vault sa nakaraang XXXII Olympic Games sa Tokyo.

Una ay ang Article 27 ng Charter ng International Olympic Committee na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang lahat ng atletang may angking galing at talento na ipamalas ag mga ito sa lahat ng kompetisyong pinahinintuluan ng IOC, ang pinakamataas na namumunong kinatawan sa pagpapaunlad ng palakasan sa buong daigdig.

Sa kanyang hiling na magkaroon ng indorso, ipinaliwanag ni EJ na ang kambal ng gintong medalyang nakamit niya mula Poland noong nakaraang buwan ay ang naging lisensya niya para maging karapat-dapat na makalahok sa pandaigdig na sa Oregon, sa SEA Hanoi Games at Asian Games sa China sa Sityembre.

“My 5.81m jump in my two title wins in the Orlen Cup (Feb. 13) and the Orlen Copernicus Cup (Feb. 23) both in Poland officially made the standard required for the 2022 World Indoor Athletics Championship and 2022 World Athletics Championship,” paniniyak ni Obiena sa kanyang liham sa PATAFA board.

“It is also better than my 2019 SEA Games gold medal standard and the 2018 Asian Games Gold medal standard,” dugtong ng 26 anyos na “Bayang Tundo.” .

Na hindi pinahalagahan ng PATAFA sa dahilang, anila’y hindi pa umano natatapos na mediation na iminungkahi ng Philippine Sports Commission.

Bukod dito, may ilan pang mga kaganapang maaring gamiting alinsunuran o pagbasihan kung bakit ang POC ay may karapatan at kapangyarihang magpawalang bisa sa karapatan at kapangyarihang ito na iniaatas ng kautusan.

Noong 1984, ang Pilipinas ay napiling host ng ASEAN Cup of Athletics. Ang pangulo ng PATAFA noon ay si Michael Keon, pamangkin ni Pangulong Marcos, at ng POC bukod sa pagiging Executive Director ng Project Gintog Alay.

Bilang Executive Director ng Project Gintong Alay, si Keon din ang nagtayo at mamahala ng National T&F Training Camp sa Baguio City kung saan ay may 40 atletang nagsasanay noon para sa kampeonato ng ASEAN Cup.

Isa sa mga atletdang nasa Baguio ay si Lydia de Vega na dalawang taon pa lamang ang nakalilipas ay naging kauna-unahang atletang babae na nagkamit ng karangalang back-to-back Asian Games Sprint Queen at, natural na maging paboritong magwagi ng hindi lamang isa o dalawang gintong medalya sa ASEAN Cup, kundi lima – 100 metro, 200 metro, 400 metro at 4x100 at 4x400 metro relay.

Si Francisco “Tatang” de Vega, ama at personal coach ni Diay ay gustong manatili sa camp upang makatulong sa training ng anak bukod na bantayan din ang noon ay 17 anyos pa lamang na Asia’s fastest woman. Hindi ito pinayagan ng pangulo ng PATAFA, bagay na nagbunsod kay Tatang na i-pullout si Diay sa camp at kasamang pauwi sa Meycauayan, Bulacan.

Dahilan para tanggalin at suspendinhin ni Keon si Diay sa listahan ng national training pool, gaya ng ginawa ng PATAFA kay EJ.

Humaba rin at tumagal ng ilang panahon ang kasong ito sa pagitan ni Diay at ng Gintong Alay na nakarating pa kay Imee Marcos, panganay na anak ng First Couple, at kay First Lady Imelda Romualdez Marcos at Presidente Marcos mismo.

Noong una, si Surigao Gov. Jose Sering, chair ng PATAFA, ay panig sa GA executive director sa dahilang ang aksiyong ito ni Keon ay para ma-disiplina an isang atletang nasa ilalim ng kanilang pamamahala. Subalit sa bandang huli ay nanaig din ang interes at kakapakanan ng bansa para maibalik si Diay bilang miyembro ng Pambansang Koponan.

Makaraan ang dalawang araw na takbuhan, talunan at pukulan, ASEAN Cup ay itinuring na pinakama-tagumpay sa kasaysayan ng kompetisyon bagamat ang pangkalahatang kampeonato ay napagpasiyahan makaraan lamang ay huling dalawang event – 4 x 100 at 4x400 relay na pinangunahan ni Lydia na makamit ang gintong medalya.

Ito ay bukod sa kambal na gintong medalyang nakopo rin ipinagmamalaki ng mga Bulakenyo at Pilipino.

Ilang araw ang nakaraan, si Keon ay nagbitiw bilang pangulo ng POC, PATAFA at Executive Director ng Project Gintong Alay.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Ortega wins Laguna chess
    By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024
  • Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
    By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024
  • Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
    Tue, 24 Dec 2024
  • FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
    Tue, 24 Dec 2024
  • IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
    Tue, 24 Dec 2024
  • NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
    By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024
  • Where Have All THE Heavyweights Gone?
    By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024
  • World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
    Mon, 23 Dec 2024
  • Beltran loses by KO in Japan
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
    Mon, 23 Dec 2024
  • Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
    Mon, 23 Dec 2024
  • Quirante KOs former teammate in 4th round
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • Santisima, Portes bow in Japan
    By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024
  • Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
    Sun, 22 Dec 2024
  • Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
    By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024