SALA SA INIT … SALA SA LAMIG: Mas mataas dapat ang ranggo ni Manny Pacquiao sa listahann ng Top-100 ng GOAT
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Thu, 03 Mar 2022
Ang ngayon ay retirado nang si Pilipino world boxing icon Manny Pacuiao ay ginawaran ng RING MAGAZINE bilang isa sa 100 Pinakadakilang Boksingero Sa Lahat ng Panahon (Greatest of All Time o GOAT).
Ayon sa prestihiyosong magasin, pang-siyam ang ating si Manny sa mga magigiting na mandirigma sa ibabaw ng parisulat na lona na sumusunod kina Sugar Ray Robinson, (1); Joe Louis, (2); Muhammad Ali, (3); Tony Canzoneri, (4); Emile Griffith, (5); Floyd Mayweather, (6); Willie Pep, (7); at Ezzard Charles,(8) Pang-sampu ang tinaguriang óld warrior” na si Archie Moore.
Sa kinauupuan ng kolumnistang ito na may mahigit nang kulang-kulang na 50 taong sumusubaybay at kumokober ng mga kaganapan sa larangan ng sport na kung tawagin ay “sweet scence”, mula pa noong 1975, dapat ay pumang-apat man lamang si Sen. Manny sa listahan. O mas mataas sa pang-anim at kanyang mahigpit na kaaway na si Mayweather.
Bakit? Si Manny, alam ng lahat ng taga-subaybay ng boksing, ay kaisa-sang nilalang sa kasaysayan ng larong ito na nag-mayari ng di kukulangin sa isang dosenang pandaigdig na kampeonato sa walong weight division. Bagay na hindi nagawa kahit na ng mga nauna sa listgahan -- Sugar Ray Robinson, Joe Louis at Ali, “Thre Greatest”.
Ang dakilang Pilipinong ito ayg kauna-unahang mandirigma na nanalo ng limang lineal world championships sa limang iba’t-ibang dibisyon.
At kauna-unahan din sa kasaysayan na nagkamit ng major world title sa apat na orihinal na dibisyon ng kanyang sports – flyweight, featherweight, lightweignt, at welterweight – na kilala sa tawag na “glamour” divisions.
Si Manny rin ang una at kaisa-isang naghari ng pandaigdig na titulo sa apat na dekada (1990s, 2000s, 2010s, at 2020s). Noong Hulyo 2019, si Pacman ay tinanghal na pinaka-matandang welterweight na humawak ng korona sa 147-librang category sa edad na 40.
At kauna-unahan sa kasaysayan na kilalaning apat na beses nag-kampeon sa nasabing dibisyon.
Noong 2016, ang ama ng limang anak niya kay dating Sarangani Gob, Jinkee, ay pumangalawa sa listahan ng ESPN sa pound-for-pound sa nakaraang 24 na taon. Pinangalanan din si Manny na Fighter of the Dedade noong dekada 2000s ng Boxing Writers Association of America bukod sa pagiging Fighter of the Year ng RING tatlong beses (2006, 2008 at 2009) at Best Fighter of the Year ng ESPY (2010 at 2011).
Matagal na naitala si Manny na best active fighter in the world pound-for-pound ng halos lahat ng sporting news at boxing websites, kabilang ang ESPN, SPORTS ILLUSTRATED, SPORTING LIFE, YAHOO SPORTS, ABOUT.COM. BOXREC, at RING.
Anim sa walong koronang nakamit ni Manny sa landas na tinahak niya sa pagiging eight-division world champ ay sa pamamagitan ng KO o TKO – flyweight vs, Chatchai Sasakul (KO 8), super-bantamweight vs Lehlo Ledwaba (TKO 6), featherweight vs Marco Antonio Barrera (TKO 11), lightweight vs David Diaz (TKO 9), junior welterweight vs. Ricky Hatton (KO 2), welterweighrt vs. Miguel Cotto (TKO 12).
Tanging si Juan Manuel Marquez lamang super-featherweight (w 12) at Antonio Margarito super-welterweight (w 12) ang tinapos ang laban nang nakatayo. Lahat ng mga nakalaban ni Manny, maliban kay Margarito, ay pawang mga first ballot candidate para magawaran ng karangalang mapabilang sa International Boxing Hall o Fame.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Ortega wins Laguna chess
By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
Tue, 24 Dec 2024FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
Tue, 24 Dec 2024IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
Tue, 24 Dec 2024NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024Where Have All THE Heavyweights Gone?
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
Mon, 23 Dec 2024Beltran loses by KO in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
Mon, 23 Dec 2024Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
Mon, 23 Dec 2024Quirante KOs former teammate in 4th round
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Santisima, Portes bow in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
Sun, 22 Dec 2024Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024