
SALA SA INIT… SALA SA LAMIG: “Eh ano kung mawala ang isang gold medal ni EJ” -- Juico
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Thu, 24 Feb 2022

EJ Obiena.
Walang peligrong hindi makalahok si Pinoy pole vault Olympian Ernest John Obiena sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Mayo at sa XIX Asian Games sa Septyembre.
Ito ay sa kabila ng muling pagtibayin ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president, Dr. Philip “Popoy” Ella Juico ang naunang pasiya ng kanyang lupon na ang 2019 SEA Games gold medalist at Asian record holder ay hindi bahagi ng pambansang koponan sa athletics na maghahanda sa darating na palarong nakatakdang ganapin sa Mayo sa Hanoi, Vietnam.
“EJ Obiena is not in the national training pool list. He has said he will ask help from others. Let’s see what works,” pahayag ni Doc Popoy Juico noong Martes sa online Philippine Sportswriters Association Forum.
Bagamat siniguro ni Juico, na hindi pa ganap na nasasaraduhan ng PATAFA ang pinto para mabalik muli ang 26 anyos na may ranggong numero 5 sa daigdig, ay kinakailangang maghanap ng ibang paraan kung paano makararating sa Hanoi para ipagtanggol ang kanyang koronang napanalunan ngna ganapin ang tuwing ikalawang taong palaro dito sa Pilipinas.
Ang pahayag namang ito ni Doc Poipoy ay pinasinungalingan ni Philippine Olympic Committee president, Cavite Congressman Abraham “Bambol” Tolentino.
Ayon kay Tolentino, bagamat totoo na ang isang national sports association ang kailangang mag-indorso sa isang atleta para makasama sa pambansang delegasyong kakatawan sa isang bansa sa isang pandaigdigang kompetisyon, ang karapatang iyan ay maaring isalin sa isang National Olympic Committee (POC sa kaso ng PilIpinas).
Ito, ani Tolentino, ay base sa Article 27 ng saligang Batas ng IOC na nagsasaad na ang isang NOC ay may kapangyarihan ding mag-indorso ng kahit ilang atleta sa pambansang delegasyon nito kung ang kinabibilangan nilang NSA ay bigo, sa anumang kadahilanan, na ipagtanggol ang kapakanan ng mga atleta na dalhin ang watawat ng kanilang bansa sa pandaigdigang kompetisyong kinikilala ng IOC at lalahukan ng kanilang bansa.
Sa katunayan, ay isinama na ni Tolentino ang pangalan ni Obiena sa may 80 atletang handang gastahan ang kanilang sarili para maka-biyahe tungong Vietnam at makalahok sa palaro sa Hanoi.
At kung kailangang ipangutang ng POC, gagawin ito ng grupo ni Tolentino maipadala lamang si EJ sa Vietnam at sa China sa Asiad at maging sa Paris 2004 XXXIII Games of the Olympiad.
Bukod ito sa makakalap ng POC na kontribusyonn mula sa mga sponsor na handing dumukot ng kuwarta sa kanilang mga bulsa para sa isang makabayang adhikain.
At kung hindi magkakatotoo ang balak ni Tolentino at ng POC, nandiyan pa rin ang alok ng ilang bansa sa Pilipinong pole vaulter na dalhin ang kanilang bandila sa lahat ng global competition na obligado ng salihan ng Pilipinas.
Ito sa gitna ng tila nagiging personal na ang away sa pagitan ni EJ at PATAFA president Juico. Sa PSA Forum dIn, nakuha pang maliitin ni Doc Popoy ang isang gintong medalyang tiyak na mapapasa-kamay ni EJ sa pagsasabing ang PATAFA ay hindi nababahalang mawala ang potensiyal na gintong medalya ni EJ, sa 11 nabingwiit ng athletics team noong 2019.
“Most of those who medaled with the gold and silver are still around and most of them are in shape," paliwanag ni Juico na ang tukoy ay ang mga gintong nahukay nina Clinton Bautista (110m hurdles), javelin thrower Melvin Calano, decathlete Aries Toledo, heptathlete Sarah Dequinan at marathoner Christine Hallasgo.
Lahat sila, dagdagf ni PATAFA president, “have been neck deep in training for the Vietnam meet.”
Ag mga foreign recruit na sina Fil-Am gold-winning standout -- Eric Cray (400m hurdles), Kristina Knott (200m), Natalie Uy (women’s pole vault) at William Morrison (shot put) -- ay inaasahan ding mauulit ang kani-kanilang performance tatlong taon na ang nakalilipas.
“We also have several new athletes. I don’t know what other countries have in store for us, but we know what we have in store for them," dagdag ni Juico.
Mistulang ininsulto rin ni Doc ang tinagurian niyang ‘other people’ na nangakong tutulong kay Obiena sa kawalan nito ng indorso mula PATAFA. ‘Let’s see what works.’
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
Fri, 12 Dec 2025MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
Fri, 12 Dec 2025Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
Fri, 12 Dec 2025Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
Fri, 12 Dec 2025