SALA SA INIT, SALA SA LAMIG: SI MANNY PACQUIAO AT ANG MGA TAKSIL!
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Fri, 20 Aug 2021
Sa Linggo (oras sa Maynila), tatangkaing maipanatili ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang pamanang hangad niyang iwan sa bansa at sa Lahing Kayumangi sa pakikipagsagupa niya sa Cubanong WBA welterweight champion Yordenis Ugas sa T-Mobile Arena sa siyudad ng bisyong Las Vegas.
Noong ordinaryong panahon, nang hindi pa dumarating ang pesteng Corona Virus sa mundo at maglunsad ang mga pamahalaan, kabilang ang Pilipinas, ng nakaka-paralisang lockout, ang halos lahat ng lugar sa bansa ay tumigil sa paghinga.
No, hindi po sasakabilang buhay ang ang mga Pilipino. Ang ibig lang pong sabihin, gaya noong panahong iyon, wala nang masyadong kaganapang mangyayari sa labas ng tahanan …. Wala ng maglalakad sa kalye, lalo na sa Kalakhang Maynila hindi dahil sa mahigpit na restriksiyong pinatutupad ng otoridad kundi bunsod sa darating na pakikipagtuos ni Manny kay Ugas na gusto nilang masilayan.
Ang mga Pilipino ay makikinig na lamang sa kanilang mga radyo, mamalagi sa sala ng kanilang mga tahanan para panoorin sa telebisyon ang laban ng kanilang idol na para sa kanila ay isang malaking dahilan kung bakit may natitira pa silang dapat ipagmalaki sa kanilang kapuwa sa lahat ng dako sa buong daigdig.
Wala nang maghahanap ng sinehan at kainan na nagpapalabas ng laban. Mga stadium at plasa kung saan doon din nila mapapanood ang eight division champ sa pagbibigay ng karangalan sa bansa at sa salitang Pilipino.
Wala nang mga kasundaluhan ng pamahalaan at mga kaaway na rebelde na magkakasama sa mga lugar na may higanteng telebisyon set para saksihan kung paano tataluhin ng kanilang bayani ang sinumang makakalan. Makilugod sa kanilang kababayan kapag nagtagumpay at lumuha kapag nabigo.
Ganoon din ang mga magkaka-away sa pulitika. Natatandaan ba ninyo si dating Congresswoman Darlene Magnolia Antonino, ang nakalaban ni Pacquiao sa unang tangka niyang maglingkod sa bayan? Sa isang laban ni Manny, si Cong Darlene mismo ang nagsumikap na maglagay ng higanteng TV set sa isang liwasan sa General Santos City at sumamang manood sa kanyang mga kababayan. At nakipag-diwang nang ang kanyang kalaban sa pulitika ay magwagi.
Isang napakagandang halimbawa ng pagka-maginoo (sportsmanship) ng isang babae pa naman na hindi na ginagawa ngayon!
Nakalulungkot, ayon kay Mang Kiko, aking paboritong taksi drayber noong ang kolumnistang ito ay nakalalabas pa bago ideklara ang lockdown, na malayo nang mangyari ang ginawa ni Cong. Darlene.
“Eh bago pa lang umalis si Sen. Manny patungong Los Angeles para maghanda sa laban pinatalsik na siya ng kanyang mga kapartikdo mismo sa kanyang puwesto bilang presidente ng kanyang partido,” pahimakas ng aking kaibigan nang tumawag sa akin ilang araw pa lamang ang nakararaan.
“At noong nasa kainitan na si Manny ng pag-e-ensayo, ipinamalita pa ng kanya ng mga kalaban na aalisin din siya bilang miyembro ng partido,” aniya. “Paano natin maasahan pa ang mga ganitong uri ng pulitiko na gayahin ang ginawa ng dating Congresswoman.”
“Tanggapin natin ang katotohanan,” dugtong ng drayber. “Madumi ang uri ng pulitika dito sa kawawa nating bansang ito. At madudumi rin ang ating mga pulitiko na walang iniintindi kundi ang kanilang sariling kapakanan.“
Kung tutuusin, ani Mang Koko, si ngayon ay senador nang si Pacquao ay isa nang maututuring na bayani na ang kabayanihang kanyang nagawa ay dapat igalang ng lahat ng Pilipino, hindi lamang ng mga ordinaryong tao sa lansangan kundi, lalo na ng mga matataas na opisyal ng gobiyerno, na may mga hawak pa namag matataas na puwesto sa gabinete.
“Pero sino ba itong mga taong ito? Ano na ang kanilang nagawa para makilala ang ating bayan at igalang tayong mga Pilipino?” tanong ni Mang Kiko. “Wala na nga silang nagagawa sa bayan, inaapi, kinakawawa at nilalait pa nila ang isang bayaning sa loob ng napakatagal na panahong kanyang inilagi bilang boksingero ay napakarami nang nagawa para sa ating bansa,” pagdidiin niya.
“Hindi kaya pagtataksil sa bayan ang ginagawang ito ng mga kaaway ni Sen, Manny sa pulitika? Nagtatanong lang po?”
Sandali naming nakausap si Manny sa telepono nong Huwebes at ito ang tanging ipinahahatid niya sa ating mga kababayan: “Pakisabi sa ating mga kababayang nasa Pilipinas, huwag silang mag-alaala. Hindi ako nababahala sa mga nangyari bago ako umalis ng bansa at kahit ngayong ilang araw na lamang at aakyat akong muli sa ring na ipinagmamalaking dala ang ating bandila. Tulad ng dati ay gagawin kong lahat ng aking magagawa upang pagsilbihang muli ang ating bayan at kayong aking mga kababayan sa paraang kaya ko —boksing. Umasa kayong muli kong dadalhing pabalik sa Pilipinas ang koronang ipinagkait sa akin hindi sa ibabaw ng ring kundi sa conference table. Handang-handa na po akong makipag-basagan ng mukha. Hiling ko lang po ay ipagdasal ninyo ako at lahat ng aking mga kasama dito!”
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Ortega wins Laguna chess
By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
Tue, 24 Dec 2024FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
Tue, 24 Dec 2024IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
Tue, 24 Dec 2024NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024Where Have All THE Heavyweights Gone?
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
Mon, 23 Dec 2024Beltran loses by KO in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
Mon, 23 Dec 2024Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
Mon, 23 Dec 2024Quirante KOs former teammate in 4th round
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Santisima, Portes bow in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
Sun, 22 Dec 2024Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024