
Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-34 Bahagi): Ang pagsikat at paglubog ni Manny Pacquiao sa dibisyon ng welterweight
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Mon, 28 Jun 2021

Mula noong kanyang unang laban bilang welterweight, nanatili ang ang dakilang Pilipinong mandirigma sa ibabaw ng ring -- si Manny Pacquiao -- hanggang sa panahahong ito sa nasabing 147 librang dibisyon maliban sa dalawang pagkakataong pagbaba niya sa junior-welterweight (140 libra) at pag-akyat sa mas mataas na timbang sa super-welterweight (154 libra).
Unang nakasagupa ni Pacquiao sa kanyang bagong dibisyon ang maalamat na si Oscar DeLa Hoya, 1992 Barcelona Olympic gold medalist at 11 beses na world pro champion sa anim na weight division, kabilang ang lineal championship sa tatlong weight classes.
Ang 12 round na sagupaan na walang nakatayang korona na bininyagang “The Dream Match,” ay ginanap sa MGM Grand noong Disyembre 6, 2008 makaraang lumipat ang Pilipino mula sa kategorya ng lightweight kung saan ay kapapanalo lamang niya ng titulo sa pamamagitan ng KO sa ninth round kay David Diaz.
Bagamat umakyat ang Pambansang Kamao sa ring na kilalang numero uno sa listahan ng pound-for-pound, maraming tinatawag na eksperto sa daigdig ng sweet science na ang 147 librang dibisyon ay sobrang napakabigat para sa isang boksingerong nagsimulang lumaban sa timbang na 109 libra.
Kahit na si Manny na noon ay tinanghal nang pandaigdig na nagma-may-ari na ng sinturon sa flyweight, super-bantamweight, featherweight at super-featherweight para harapin at tangkang talunin ang mas malaki at mas mabigat na si DLH.
Sa kabila ng kanyang pagiging dehado, dinomina ni Pacquiao si DeLa Hoya at matapos ang walong round, ang korner ng Mehikano-Amerikanong kalaban ay na-obligang ihagis ang puting tuwalya, hudyat ng pagsuko na nagkaloob sa Pilipino ng TKO na panalo na nagbunsod kay DLH na ipahayag ang kanyang pagre-retiro.
SA bisa ng kanyang impresibong pagsupil sa isang dakilang Olympian, ipinasiya ng kanyang mga promoter na ibaba siya sa timbang ng junior-welterweght para makuha ang ika-anim niyang kampeonato sa walong nakatadhana niyang makolekta..
Pinatulog ng Pilipino great si Ricky Hatton sa ikalawang round lamang ng nakatakdang 12-round na labanan para mahawakan din ang korona ng 14-librang dibisyon bagay na nagtulak sa mga humahawak sa kanyang career na ibalik siyang muli sa 147 librang klase at hamunin ang nagtatanggol na kampeong si Miguel Cotto para sa titulo ng huli.
Noong Nobiyembre 14, 2009, pinasuko ni Pacquiao si Cotto sa 12th round TKO sa MGM Grand sa Las Vegas sa sagupaang tinawag na "Firepower." Laglag ang Puerto Ricano sa lona sa round three at round four bago itinigil ng reperee ang laban may 0:55 segundo na lamang ang nalalabi sa huling round.
Bukod makuha ang karangalang maging kauna-unahang boksingero na manalo ng kanyang ika-pitong sinturon, ginawaran din ang noon ay kongresistang si Manny ng WBO Super Championship title.
Nai-uwi rin ni Manny ang kauna-unahang espesiyal WBC Diamond Championship belt na nilikha bilang eksklusibong parangal sa magwawi ng makasaysayang paghaharap sa pagitan ng dalawang pinaka-magagaling na mandirigma sa boksing. Makaraan ang laban, ipinahayag ni promoter at Top Rank top man Bon Arum: "Pacquiao is the greatest boxer I've ever seen, and I've seen them all, including Ali, Hagler and Sugar Ray Leonard."
Naging hudyat din iyon ng negosasyon para sa inaasam na Pacquiao-Floyd Mayweather “Super Fight,” bagamat tumagal ang usapan ng limang taon bago ito naganap.
Samantala, sa pagitan ng mga pangyayaring ito, matagumpay na naipagtanggol ni Pacquiao ang kanpeonato nang sunod-sunod laban kina Joshua Clottey, Juan Manuel Marquez at Shane Mosley bago ito “ninakaw” sa kanya ni noon ay wala pang talong si Californian Timothy Bradley sa isang kuwestiyonableng split decision noong 2012.
Larawan: Tumama ng kanan si Manny Pacquiao kay Shane Mosley nang maglaban sila noong Mayo 2, 2011. (Mula sa file ni EDDIE ALINEEA).
(May Karugtong)
Click here to translate this article to other languages via Google.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
BEN WHITTAKER PRESS CONFERENCE: EVERYTHING THAT WAS SAID AS NEW MATCHROOM SIGNING MEETS GAVAZI – PLUS: VUONG vs GWYNNE II
Sun, 19 Oct 2025BIADO, YAPP, AND DUONG POWER TEAM ASIA TO THE BRINK OF GLORY
Sat, 18 Oct 2025Prado, Catubig dominate DTI Run
By Lito delos Reyes, Sat, 18 Oct 2025YORK HALL FIGHT NIGHT RESULTS: GEORGE LIDDARD MAKES HISTORY TO BECOME THE YOUNGEST EVER BRITISH MIDDLEWEIGHT CHAMPION
Sat, 18 Oct 2025Usyk in Bare Knuckle event?
By Gabriel F. Cordero, Sat, 18 Oct 2025IIEE Singapore tops National Chess Olympiad, Quezon City Simba's Tribe wins 2 matches in PCAP
By Marlon Bernardino, Sat, 18 Oct 2025Liddard Destroys Conway to Claim British Middleweight Title, Becomes Youngest-Ever Champion
By Dong Secuya, Sat, 18 Oct 2025Keiron Conway vs George Liddard: Unbeaten Prospect Faces Stiff Challenge
By Chris Carlson, Sat, 18 Oct 2025Alicaba to fight for WBC Asian Continental super fly
By Lito delos Reyes, Sat, 18 Oct 2025DAY TWO: STARBOY MANAS STEALS THE SHOW AS TEAM ASIA EXTENDS PERFECT RUN
Sat, 18 Oct 2025MANNY PACQUIAO PROMOTIONS INTRODUCES CHIEF FINANCIAL OFFICER AND VICE PRESIDENT TONY COHEN
Sat, 18 Oct 2025Joseph Subia Signs with Wise Owl Boxing
Sat, 18 Oct 2025Sirimongkhol, Midgley Make Weight for WBF World Title in Thailand
By Carlos Costa, Fri, 17 Oct 2025ICTSI South Pacific on Oct. 28-31
By Lito delos Reyes, Fri, 17 Oct 2025PIONEERING FILIPINO BOXERS TAKE THE SPOTLIGHT ON FIL-AM HISTORY MONTH (PART II)
By Dong Secuya, Fri, 17 Oct 2025