Mobile Home | Desktop Version




Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-33 Bahagi): Apat pang matarik na bundok na inakyat n Manny upang marating ang kinalalagyan

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Thu, 17 Jun 2021




Sa nakaraang ika-32 banagi nng seryeng ito at sa pagtataya ng reporter na ito, ang laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao kay Puerto Rican pride Miguel Cotto noong Nobiyembre 14, 2009 ang nangunguna sa mahirap at madawag na landas na kanyang tinahak tungo sa pagiging kaisa-isang boksingerong naghari sa kasaysayan sa walong dibisyon ng kanyang sport.

Sa panalong iyon sa pamamagitan ng TKO sa ika-12 round, nakamit ng ngayon ay senador nang si Pacquiao ang korona sa welterweight at pampito sa itinadhanang walo na mapapasakamay niya.

Sa pagra-ranggong ginawa, pumangalawa ang laban kay Marco Antonio Barrera para sa titulo ng featherweight, pangatlo vs Ricky Hatton para sa junior-welterweight, at pang-apat ang laban kay Antonio Margarito para sa junior-middleweight.

Sa bahaging ito ng serye, tatalakayin ng SAKSI NGAYON ang apat pang nalalabing istoryang bumalot sa mahigit isang dekadang kampanya ng dating dalawang beses na kongersista para marating ang kinalalagyan niya ngayon.

Panlima sa listahan ay ang labang Pacquiao-Lehlo Ledwaba na nagbigay sa Pilipino ng kanyang ikalawang alahas – junior featherweight -- sa kauna-uanahan niyang pakikipaglaban sa Amerika at una rin sa ilalim ng tanyag na trainer na si Freddie Roach.

Malaki ang kahalagahan ng labang ito sa 25 taong kasaysayan ng ating bayani sa boksing. Hindi nakatakda ang paghaharap at napili lamang ang ating pambato bilang pamalit kay Enrique Sanchez na nagkaroon ng injury habang naghahanda. Kung kaya’t matapos ang pagtutuos ay ito ang namutawi sa labi ni Manny: “What a fun time that was.”

“Kailan lamang kami nagkasama ni Freddie at wala sinumang nakakikilala sa akin. Kaahit ang mga TV commentator ay hindi mabigkas ng wasto ang pangalan ko,” aniya. Ang Aprikano na Numero 1 sa dibisyon agad nagdugo ang ilong sa unang round pa lamang at bumagsak sa second at sixth round.

Sumunod sa listahan ng sa talaan ng mga pinaka-makabuluhang koronang nasa kamay na niya na lahat ay sa pamamagitan ng KO o TKO, hindi pa nagsawa ang ating idolo na pinuntirya naman ang titulo ng lightweight na hawak ni 1996 U.S. Olympian David Diaz na noong Hunyo 28, 2008 ay pinasuko rin niya sa ika-9 na yugto ng laban an para maging hari ng pound-for-pound at masungkit ang panlimang koronang mithi niya.

“I remember thinking, I was fighting for world title in a new division without a tuneup fight,” bulalas ni Manny matapos ang laban. “But I felt great at a heavier weight. For the first time, I was able to eat a full meal on weigh-in day.”

Sinimulan ni Pacquiao ang kanyang kahanga-hangang koleksyon ng titulo tatlong taon makaraan ang kanyang debut bilang propesyonal noong Disyembre 4, 1998 kung kailan ay pinatulog niya si Chachai Sasakul ng Thailand sa ika-8 round para mabawi ang pandaigdig na titulo sa flyweight. Nalamangan ang ating bata sa lahat ng tatlong scorecard 70-64, 69-64, 68-65 nang masapol niya ang kampeon ng isang nakayayanig na kaliwa na mula noon ay siya niyang naging trade mark sa mga sumunod niyang pakikipag-basagan ng mukha sa ibabaw ng ring.

“What I really remember was how special everyone felt when I brought back the world title belt to the Philippines,” aniya makaraan ang sagupaan tukoy ang pagkaka-agaw sa kanya ng 112-librang sinturon ng isa ring Thai Medgoen Lukchaoprmasak via KO ng third round.

Pang-walo at huli sa importransiya ng kanyang kampanya para makuha ang walong division title ay ang pangalawa sa apat na sagupaan nila ni Juan Manuel Marquez noong Marso 15, 2008. Kinailangan ni Manny na paluhurin ang kanyang pinaka-mahigpit na kaaway sa third round para magwagi sa split decision at makoronahan bilang kampeon ng super-featherweight.

Nang una silang magsagupa noong Mayo 8, 2004 ay pinabagsak ni Manny si JMM ng tatlong beses sa unang round pa lamang ngunit natapos ang laban sa split draw nang iskoran ng isa sa tatlong judge ang nabanggit na round ng 10-7 pabor kay Pacquiao sa halip na 10-6 na sadyang kalakaran kapag nakapagpa-bagsak ang isang boksingero ng kalaban ng tatlo ng beses sa isang round.

“At least I won this time,” pabuntong-hninigang nabigkas ni Pacquiao makaraan ang pagtutuos. I always believed I would beat him as I believed I did in our first encounter.”


(May Karugtong)

Click here to translate this article to other languages via Google.



Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Two Pacquiaos on same card?
    By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025
  • OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
    By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025
  • Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
    By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025
  • WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
    By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025
  • Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
    Tue, 02 Dec 2025
  • USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
    Tue, 02 Dec 2025
  • THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
    Tue, 02 Dec 2025
  • Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
    Tue, 02 Dec 2025
  • Dejon Farrell Francis Turning Things Around
    Tue, 02 Dec 2025
  • WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
    Tue, 02 Dec 2025
  • PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
    Tue, 02 Dec 2025
  • Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
    By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025
  • Jimuel draws in pro debut
    By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025
  • Kevin Durant sets new NBA record
    By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025
  • LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
    Sun, 30 Nov 2025