
Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-32 Bahagi): Landas na tinahak ni Pacquiao tungo sa paghahari sa walong dibisyon ng boksing
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 02 Jun 2021

Hindi lamang iilang beses na ito naisulat, napanood sa telebisyon, narinig sa radio. “Walang sinumang boksingero sa kasaysayan ang nanalo ng pandaigdig na kampeonato sa walong dibisyon ng sweet science maliban kay Manny Pacquiao.”
Para sa isang mandirigma sa ibabaw ng parisukat na lona, ang nagawa ni Pacquiao ay nagdala sa kanya para maging kauna-unahan at kaisa-isang nilikha na maghawak ng korona sa ganoong karaming dibisyon. Lalo na para sa isang boksingerong naging isang pro noong 1995 sa timbang na 106 libra.
At nakapag-uwi ng unang titulo makaraan ang tatlong taon sa 112 libra hanggang makarating sa 154-librang dibisyon samantalang tumimbang lamang ng 144.6 libra sa araw ng laban noong 2010.
Sa tutoo lang, ang bayani Pilipino sa larangan ng palakasan ay dapat sanang nakapaghari sa 10 ng 17 timbang ng sport na sweet science kung siya sana’y nagkapag-kampanya rin sa junior bantamweight at bantamweight bago tumalon sa junior featherweight.
Tungo sa kanyang ika-22 taon bilang pro, sa darating na Agosto kung kailan siya ay nakatakdang harapin ang wala pang talong si Errol Spence, ang reporter na ito ay tatangkaing bigyan ng sukatan ang walong laban niyang nagdala sa kanya bilang hari ng walong dibisyon.
Lahat ng laban ng ating idolo mula noong umakyat sa 147-librang kategorya ay itinuturing na makasaysayan kung kaya nga’t marapat na sa welterweight natin simulan ang paghihimay ng kahalagahan ng mga ito sa mahigit 25 taong pro-career ni Pacquiao:
1. Wilterweigt: Miguel Cotto, TKO, Nov. 14, 2009 – Ito ang pangalawa lamang na laban ni Pacquiao sa bago niyang timbang matapos puwersahin ang maalamat ding si Oscar De La Hoya na mag-retiro sa ika-9 na round. Pinabagsak niya si Cotto sa pangatlo at pangapat na round bago niya pasukuin ang kalaban sa panghuling yugto ng 12-round na paghaharap na itinuring na pinaka-mataas antas ng kanyang pagiging mandirigma.
"Miguel Cotto was the ultimate test for me. It was a very physical battle. No question Cotto was one of the best I ever fought and he made me dig down deeper than I ever had to pull it out. Cotto is fierce," pahayag ni Padquiao matapos ang laban.
2. Featherweight: TKO11 Marco Antonio Barrera: Unang laban na naman ni Manny sa bagong dibisyon ng featherweight laban kay Barrera, ang lineal champion at kabilang sa listahan ng elite pound-for-pound na pinadapa niya sa lona sa ikatlo at pang-11 round bago ang corner ng Mehikano tinapon ang tuwalya para sumuko na ikinagulat ng mga eksperto.
"I was never more prepared or in better condition for a fight than I was for my fight against Marco Antonio Barrera. It was the biggest fight of my career to that point,” wika ni Pacquiao na ayon sa maraming nakasaksi ay siyang naging hudyat ng kanyang pagiging alamat matapos ang sagupaan.
3. Junior-welterweight: Ricky Hatton, KO 2 round – Sa pagkabigo ng negosasyon para pagsabungin siya at si Floyd Mayweather Jr., napilitan ang kabiyak ni Sarangani Bise Gob Jinkee na umatras sa 140 libra laban kay Briton Hatton kung saan ay ipinamalas ni Pacquiao lakas niyang manuntok sa loob ng wala pang anim na minutong natapos sa KO. “Bago ang laban ay may nagtanong sa aking taga-media kung saang bahagi ng pagtutuos ko matatalo si Hatton,” pagtatapat n Manny. "Ang sagot ko ay noon pa lamang pirmahan ko ang kontrata.”
4. Junior-middleweight: W12 Antonio Margarito – Ang sagupaang tumapos sa mahigit isang dekadang paglalakabay ng bayaning Pilipinong tungo sa karangalang sa ksaysayann ay wala pang nakagagawa at wala pang makakagagawa marahil hanggang sa katapusan ng kasalukuyang milenyo. Sa makasaysayang pag-akyat ng ngayon ay senador nang mandirigma, si Manny say tumimbang na mas magaan ng 17 libra kay Margarito. Sa kabila nito, bugbog sarado ang kalaban na nagdurusa isang career-altering eye injury na naging dahilan ng broken orbital bone.
5. Naging dahilan din ito para magpahayag si Pacquiao na ito rin ang una at huli niyang laban sa 154-librang dibisyon.
"This was my most physical and punishing fight. Once was enough for me at that weight. When I was asked if I wanted to defend [the title) I said, 'No thanks!' That was the fight where I had reached my limit in terms of weight class. I fought a very good fight and the atmosphere at Cowboys Stadium was so memorable. I do think the fight should have been stopped. Margarito took a lot of punishment.”
Photo: Noong Nobiyembre 14, 2009 pinasuko ni Manny Pacquiao si Miguel Cotto ng Puerto Rico sa para sa pandaigdig na kampeonato sa welterweight, pampito ng sensasiyonal na Pilipino sa walong nakatadhanang panalunan niya. (Mula sa file ni EDDIE G. ALINEA)
(May Karugtong)
Click here to translate this article to other languages via Google.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Rodrigo to challenge undefeated Sandoval in US
By Lito delos Reyes, Sat, 23 Aug 2025Round 12 with Mauricio Sulaimàn: Call to Action 12 Items for Boxers' Safety
By Mauricio Sulaimán, Fri, 22 Aug 2025Libranza vs Pangga headlines Elorde card on Aug 24
By Lito delos Reyes, Fri, 22 Aug 2025GM Antonio to compete in P100,000 top prize Rapid chessfest this Sunday in Roxas City, Capiz Province
By Marlon Bernardino, Fri, 22 Aug 2025AISAT Basic Ed football training starts
By Kim delos Reyes-Teves, Fri, 22 Aug 2025Josh Navarro Scores Another Win in Pomona, California
By Carlos Costa, Fri, 22 Aug 2025UNDEFEATED CRIZTIAN PITT LAURENTE SET TO FACE HEBI MARAPU FOR IBF PAN PACIFIC TITLE
Fri, 22 Aug 2025Dare To Enter: Undefeated WBC Interim Champion Vergil Ortiz to Defend Super Welterweight Title From Number 1 Contender Erickson “The Hammer” Lubin
Fri, 22 Aug 2025Euri Cedeno Takes on Willie Jones on Friday, September 5th at Wind Creek Event Center in Bethlehem, PA
Fri, 22 Aug 2025COE AND HART CLASH ON BOOTS ENNIS CARD IN PHILADELPHIA
Thu, 21 Aug 2025‘There's nothing that he brings to the table that I've not got an answer for’ Sam Rennie on upcoming fight at Thunderdome 51
Thu, 21 Aug 2025JAMAINE "THE TECHNICIAN" ORTIZ TRAINING CAMP NOTES
Thu, 21 Aug 2025Gervonta Davis vs. Jake Paul: Exhibition Bout Announced for November
By Gabriel F. Cordero, Thu, 21 Aug 2025Legendary boxing coach John Brown Compares cornering Tommy Morrison & Rising young star Marco Romero
Thu, 21 Aug 2025World Kid to Host Meet-and-Greet and Open Workouts In advance of “The Return” on August 31 in Detroit
Thu, 21 Aug 2025