
Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-31 Bahagi): Maniwala kayo’t hindi, balik na si Manny sa dating lakas at bilis
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Mon, 31 May 2021

Isa pang kontrobersiyal na pagkatalo laban sa Australyanong dating high school teacher dalawang taon na ang nakararaan ang lalong nagpatatag sa malawakang panawagan para kay Manny Pacquiao na mag-retiro.
Ang mapait na pagkabigong maipag-tanggol ang kampeonato sa welterweight sa pangatlong pagkakataon mula na maagaw niya ang korona kay Miguel Cotto noong 2009 ang nagtulak sa kahit na sa mismong matatapat na tagasunod ng pambansang bayani sa palakasan na tapusin na ang kanyang pagiging boksingero na noon ay kulang na lamang ng tatlong taon sa ika-25 taon niya sa pakikipag-basagan ng mukha sa ibabaw ng ring.
“Oo nga’t naagaw sa akin ang titulo, pero hindin naman basta naagaw sa akin ito. Ninakaw sa akin,” pagtatapat n Pacquiao sa reporter na ito makaraan ang pagtutuos na ang tukoy ay ang katulad na pagkatalo niya sa kamay ni Timothy Bradley noong 2012 at sa mahigpit niyang kaaway na si Floyd Mayweather Jr. noong 2015 – mga pagkatalong sa mata ng mga naniniwala at hindi naniniwala at dapat na naiapanalo niya.
“Kailangan kong mabawi itong muli at patunayan sa lahat ng fans ng boksing na karapat-dapat pa rin akong kilalaning kampeon, gaya ng pagkakilala nila sa akin,” pangako ni Manny.
At noon ngang araw na iyon ng Hulyo 15, 2018 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, tinupad ni Manny ang kanyang pangako. Pitong round lamang ang itinagal ng sagupaan nila ni Argentine Lucas Matthysse para tanghalin siyang muli na hari ng 147 librang dibisyon.
Pinatunayan din ni Pacman na hindi pa tapos ang career niya sa sweet science. Sa halip, sa edad na 39 anyos noon ay nagsisimula pa lamang ito. Ang TKO desisyon ay kauna-unahan makaraang patulugin niya si Cotto Nobiyembre 12, 2009 sa MGM Grand sa Las Vegas.
Pinatunayan din ng ating idolo ang sabi-sabing si Pacquiao palubog na at ang ipingmamalaki niyang lakas at bilis na siyang na naging trade mark ng kanyang matagumpay na karera tungo sa pagiging kaisa-isang nilalang sa ibabaw ng planeta na maghari sa walong dibisyonn ng larangang napili niya, ay unti-unti nang nawawala.
"I'm still here," anang kabiyak ni dating Sarangani Bise Gob Jinkee sa harap ng mga mamahayag sa kinaugaliang post-fight press conference. "Sometimes you just need to rest and get it back, and that's what I did."
Ang nakayayanig na left uppercut na nagpabagsak kay Matthysse sa ikatlong pagkakataon sa ika-pitong round ay patunay rin na seryoso pa rin si Manny sa ipagpatuloy ang pagiging isang pro. Iyon ding suntok na iyon ang nakapagpaluhod sa Argentine sa pangatlong round.
Tunay na napaka-tamis ang pagwawaging ito ni Manny makaraan ang pinkamatagal niyang pamamahingang tumagal ng 378 na araw at ang pakikipaghiwalay niya ka Freddie Roach na siyang naging gabay niya sa nakalipas na 16 taon.
Matatandang matapos siyang dayain ni Horn sa Brisbane isa ang Hall of Fame trainer na nagpayo sa kanyang kalimutan na ang boksing at gugulin ang nalalabi pa niyang araw sa pagsisilbi sa kanyang mga kababayan bilang mambabatas.
O Pangulo ng bansa, kung mamarapatin.
Hindi ito sinunod ni Manny na sa halip ay matagumpay na naipagtanggol niya and titulo laban kay Adrien Broner bago ariin din ang WBA “super” welterweight title laban kay noon ay wala pang talong si Keith Thurman.
Tatong buwan mula ngayon, sasagupain ng ipinagmamalaki ng Pilipinas ang isa pang wala pa ring talong si Errol Spence Jr. at gaya ng mga nauna niyang laban sa mga boksingerong may perpektong rekord, hinulaan na naman ng kanyang mga kritiko na malamang ay ito na ang huli niyang laban.
Maaring mangyari pero kung ang pag-babasehan ay ang kasaysayan, posibleng kainin na naman ng mga hindi naniniwala sa kanyang kakayahan ang kanilang salita.
(May Karugtong)
Click here to translate this article to other languages via Google.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Two Pacquiaos on same card?
By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
Tue, 02 Dec 2025USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
Tue, 02 Dec 2025THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
Tue, 02 Dec 2025Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
Tue, 02 Dec 2025Dejon Farrell Francis Turning Things Around
Tue, 02 Dec 2025WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
Tue, 02 Dec 2025PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
Tue, 02 Dec 2025Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025Jimuel draws in pro debut
By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025Kevin Durant sets new NBA record
By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
Sun, 30 Nov 2025