Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-29 na Bahagi): Anim na taon matapos ang Pacquiao-Mayweather I, may “Fight of the Century II” kaya?
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 12 May 2021
Makaraan ang mahigit limang taong urong-sulong na usapan, ang tinaguriang “Fight of the Century” pagitan ng Pilipinong si Manny Pacquiao at wala pang talong Amerikanong si Floyd Mayweagther Jr. ay natuloy din sa wakas noong ika 2 ng Mayo taong 2015 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ang paghaharap ng dalawang pinaka-magagaling na mandirigma sa ibabaw ng ring ay naging usap-usapan sa halos lahat ng dako ng mundo. Pero matapos ang 12 round ng pukpukan, ang mahigit na 16,000 kataong nagsiksikan sa MGM Grand Arena ay umuwing luhaan, bigong makita ang walang humpay na bakbakang ipinangako ng mga promoter bago ang gabi ng laban.
Si Mayweather, 38 anyos na noon, at si Pacquiao, 36 ay, hula ng marami, maaring lipas na kanilang panahon, ganoon pa man ang buong kamunduhan ng bokxing ay nagpasalamat din na ang pagtutuos na hnintay-hintay nila sa mahabang panahon ay matutuloy na at umaasang makakapanoond ng kapana-panabik na suntukan.
Ang laki ng laban at ang perang nakapaloob ($600 milyon gross revenue at 4.6 milyon PPV buys) ay itinuring na pinakamalaki mula noong 1971 nang simulan ang klasikong Mubhammad Ali Joe Frazier trilohiya.
Ang mga pang-araw-araw na balita tungkol dito ay inukopa ang front page at backpage ng lahat ng peryodiko sa buong panahon ng negosasyon at napanood at narinig sa TV at radyo at naging trend din sa social media.
Ang mga upuan sa ibaba ng ringside ay ibinenta sa pinakamataas na halagang $180,000. Ang listahan ng A-list celebrities, kasama ang Prinsipe, mga artistang Robert De Niro at Clint Eastwood ay kabilang sa mga dumalo. Ang mga upuan sa ibaba ng nakapaglalaway na timbangan ay naibenta sa presyong $1,500 at $7,500 at ubos na ilang araw pa lamang bago dumating ang laban.
Na nagbunsod kay Bon Arum, CEO ng Top Rank Promotions na magsabing: "We had Ali-Frazier, we had Leonard-Duran, we had Leonard-Hagler, and now we have Pacquiao and Mayweather. This is the biggest fight of its era. It's a great event for boxing. Everybody around the world is interested in this fight -- ambassadors, senators, celebrities."
Ang fans ng anti-climax boxing ay hindi napigilang magpakita ng galit sa kinalabasan ng sagupaan kung saan si “Money Man“ ay walang ginawa kundi magtatakbo na halatang ang layon lamang ay protektahan at panatilihin nang “0” sa kanyang panalo-talong rekord.
Si Paquiao na na-injure ang kanang balikat sa panahon ng paghahanda sa Wild Card Gym ni chief trainer Freddie Roach ay hirap na hirap humabol sa nagtatakbong si Mayweather sa kabuuan ng 12 round na labang nauwi sa karera.
Wala isa man sa dalawa ang bumagsak o nagpakitang nasaktan.
Napanatili ni Mayweather ang kanyang WBC at WBA titulo ng welterweight samantalang naagaw ang sinturon ng 147 libra ni Pacquiao sa nagkakaisang 118-110, 116-112, 116-112 hatol ng mga huwes. Habang sinelyuhan din niya ang pagkilalang “the best fighter of his era.”
Bagamat ito ay nag-iwan pagdududa sa kanyang pag-angkin sa karangalang “the best ever.”
Idagdag pa ang pagkakait ng Nevada State Athletic Commission sa hiniling ng kampo ng Pilipino na ma-ineksyunan ito ng pain reliever ayon sa regulasyon sa kabila ng pagpapaunlak nito sa bukod na apela ng kabilang kampo na ayon kay Arum ay ilegal.
Sa tradisyonal na presscon matapos ang laban, ipinangako ni Mayweather na boibigyan niya si Manny ng rematch, bagamat makalipas ang halos anim na taon makaraan ang Pacquiao-Mayweather I, ay wala pa ring naaaninaw sa ipinangakong Superfight 2.
(May Karugtong)
Click here to translate this article to other languages via Google.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Ortega wins Laguna chess
By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
Tue, 24 Dec 2024FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
Tue, 24 Dec 2024IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
Tue, 24 Dec 2024NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024Where Have All THE Heavyweights Gone?
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
Mon, 23 Dec 2024Beltran loses by KO in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
Mon, 23 Dec 2024Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
Mon, 23 Dec 2024Quirante KOs former teammate in 4th round
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Santisima, Portes bow in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
Sun, 22 Dec 2024Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024