
Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-26 Na Bahagi): Kambal na masaker sa Macau
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 28 Apr 2021

Taong 2013 at 2014 nang muling ipinamalas ng Pilipinong si Manny Pacquiao ang kanyang kakayahang bumangon mula sa pagkakadapa at ituloy ang kanyang misyon sa pagiging boksingero – ang magpaligaya ang tao. Pinili ng noon ay 28 taon nang beterano sa pakikipagbasagan ng mukhang mandirigma ang Macau kung saan ay, sa kauna-unahang pagkakataon ay lumaban siya sa harap ng punong-punong Cotai Arena para kapwa supilin ang mga ambisyosong humamon sa kanya na sina Brandon Rios at Chris Algieri sa pamamagitan ng nagkaka-isang hatol.
Sariwa pa sa alaala ng marami ang mapait na kambal na pagkatalo ni Manny sa kamay ni Timothy Bradley (split decision in 12) at Juan Manuel Marquez (KO in 6) isang taon ang nakararaan noong 2012 bagamat nabawi ng idolo ng bayan ag pagkabigo niya kay Bradely (UD in 12) 11 buwan bago harapin si Rios noong Abril 12, 2014.
Madaling nai-dispatsa ng noon ay 35 anyos na si Pacquiao ang nagpanggap na Amerikanong challenger sa kanilang pagtutuos na pinangalanang “Clash in Cotai (Fight as One)” noong Nobiyembre 24, 2013 para mai-uwi ang titulo ng bakanteng WBO International Welterweight sa pagbunyi ng mga nanood na halos lahat ay Pilipino at Asyano.
Matapos ang bakbakan, idineklara ni Pacquiao na inialay niya ang panalo sa mga biktima ng bagyong katatapos lamang na sumalanta sa Pilipinas.
Isang taon matapos paluhurin si Rios sa kanyang harapan, noong Nobiyembre 23, 2014, pinabagsak ni Manny ng anim na beses si Algieri upang maipagtanggol ang kampeonato ng WBO 147 libra na nabawi niya kay Bradley sa ikalawa sa pangatlong laban nilang serye.
Para sa ama ng lima niyang supling kay Sarangani Bise Gob. Jinkee, mas matamis ang panalong ito kay Algieri sa dahilang ang noon ay 35 anyos nang Pilipino ay itinuring ng kampo ng kanyang kalaban na palaos na at patungo na sa pagre-retiro.
Ito ay naramdaman agad ng kaaway matapos siyang padapain ni Manny sa ikalawang round pa lamang ng laban at tatlong beses pa sa ika-anim, ika-pito at ika-sampung yugto.
Sa 10th round, dapat sana’y tapos na ang boksing nang tigilan ni Manny ang pagpaparusa sa New Yorker sa ag-pag-aaakalang itinigil na ni reperi Genaro Rodriguez ang sagupaan.
Inamin ni Manny na talagang tinangka niyang patulugin si Algieri upang aminin din na “Chris is a tough fighter and he showed that by avoiding that to happen.”
Para sa chief trainer ni Manny na si Freddie Roach, ng napakalayong agwat ng boto ni judge Michael Pernick na 120-102 ay maaring pinaka-malaking kalamangan sa nakalipas na 20 taong kasaysayan ng sport ng boksing.
Kay Top Rank Promotion CEO Bob Arum, ang anim na knockdown na iniskor in Pacquiao ay katumbas ng KO panalo na siya namang hangad Roach sa isang banda.
“I can’t remember a fighter scoring six knockdowns in my long time in boxing,” sabi ni Arum sa reporter na ito pagkatapos ng laban. “Yeah, it could be considered a knockout but the official result is still a unanimous decision.”
Ang dalawa pang huwes – Patrick Morley at Levi Martinez – ay bumoto ng 119-103 at 118-103, ayon sa pagkakasunod pabor sa ama nina Jimwel, Michael, Princess, Queenie at Israel. Kapuwa sila walang ibinigay na round kay Algieri.
Sa nakaugaliang post-fight presscon, inamin ni Algieri ang malaking kalamangan ni Manny. “Pacquiao is a great, great champion. He’s so fast, it was very difficult for me to keep track on him.”
(May Karugtong)
Click here to translate this article to other languages via Google.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Rodrigo to challenge undefeated Sandoval in US
By Lito delos Reyes, Sat, 23 Aug 2025Round 12 with Mauricio Sulaimàn: Call to Action 12 Items for Boxers' Safety
By Mauricio Sulaimán, Fri, 22 Aug 2025Libranza vs Pangga headlines Elorde card on Aug 24
By Lito delos Reyes, Fri, 22 Aug 2025GM Antonio to compete in P100,000 top prize Rapid chessfest this Sunday in Roxas City, Capiz Province
By Marlon Bernardino, Fri, 22 Aug 2025AISAT Basic Ed football training starts
By Kim delos Reyes-Teves, Fri, 22 Aug 2025Josh Navarro Scores Another Win in Pomona, California
By Carlos Costa, Fri, 22 Aug 2025UNDEFEATED CRIZTIAN PITT LAURENTE SET TO FACE HEBI MARAPU FOR IBF PAN PACIFIC TITLE
Fri, 22 Aug 2025Dare To Enter: Undefeated WBC Interim Champion Vergil Ortiz to Defend Super Welterweight Title From Number 1 Contender Erickson “The Hammer” Lubin
Fri, 22 Aug 2025Euri Cedeno Takes on Willie Jones on Friday, September 5th at Wind Creek Event Center in Bethlehem, PA
Fri, 22 Aug 2025COE AND HART CLASH ON BOOTS ENNIS CARD IN PHILADELPHIA
Thu, 21 Aug 2025‘There's nothing that he brings to the table that I've not got an answer for’ Sam Rennie on upcoming fight at Thunderdome 51
Thu, 21 Aug 2025JAMAINE "THE TECHNICIAN" ORTIZ TRAINING CAMP NOTES
Thu, 21 Aug 2025Gervonta Davis vs. Jake Paul: Exhibition Bout Announced for November
By Gabriel F. Cordero, Thu, 21 Aug 2025Legendary boxing coach John Brown Compares cornering Tommy Morrison & Rising young star Marco Romero
Thu, 21 Aug 2025World Kid to Host Meet-and-Greet and Open Workouts In advance of “The Return” on August 31 in Detroit
Thu, 21 Aug 2025