Mobile Home | Desktop Version




Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-24 Na Bahagi): Paano tinahak ni Manny ang daan para pagharian ang walong dibisyon ng boksing?

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Sun, 25 Apr 2021



Labindalawang taong singkad ang hinintay ni Manny Pacquiao kung kailan ay nagpatulo ng di matingkalang pawis at dugo ang Pamabansang Kamao para mapasa-kamay ang karangalang kaisa-isang nilalang sa planeta na manalo ng walong pandaigdig na korona sa ganoon ding karaming dibisyon ng boksing.

Nagsimulang umani ng titulo ang ipinagmamalaki ng lahing Pilipino noong 1998, tatlong taon mula na matuto siyang magsuot ng glab, nang patulugin niya sa ika-walong round ang Thai na si Chatchai Sasakul at ariin ang korona ng lineal flyweight, kauna-unahan niyang pandaigdig na hiyas sa sport na napili niya.

Sa kasamaang palad - kung gaano kabilis niyang makamit ang korona ganoon ding kadaling nawala sa kanya ito nang siya naman ang mapatulog sa pangatlong round ng kababayan ni Sasakul na si Medgoen Singsurat katatapos lamang niyang maipagtanggol ang kampeonato kay Mehikanong Gabriel Mira.

Subalit sa pangalawang pagkakataon ng kanyang pagiging pro, dito muli ipinakita ni Manny ang kanyang kakayahang bumangon sa pagkatalo nang makapagtala ng 14 sunod-sunod na pagwawagi bago muling mabigo laban sa naging kaibigan niyang matalik na si Erik Morales ng Mehiko noong 2005.

Agad namang nakabawi ang ama ng lima niyang anak kay dating Sarangani Bise Gob. Jinkee sa pagkatalong ito ng kumamada siya ng 11 sunod na panalo, kabilang ang dalawang beses na pagpapatulog kay Morales, at limang iba pa para bigyan ang sarili ng apat na karagdagang titulo.

Ito ay ang super-bantamweight, featherweight, super-featherweight at lightweight na nakamit niya laban kay Aprikanong si Lehlo Ledwaba (TKO 6), Marco Antonio Barrera (TKO 11), Juan Manuel Marquez (UD 12) at David Diaz (TKO 9), ayon sa pagkakasunod.

Ang pakikipagtuos ni Pacquiao kay Ledwaba ay una niya sa Amerika at kauna-unahan din sa ilalim ng pamamatnubay ni Hall of Fame trainer Freddie Roach.

Sa pagitan ng mga labang ito ay ang walong round niyang TKO kay Mehikano-Amerikanong alamat Oscar De La Hoya na walang koronang nakataya na una niyang laban bilang welterweight, ang dibisyong pinagtuunan niya ng pansin sa nakalipas na labindalawang taon.

Tinapos ng ating idolo ang 12 taong kampanya para marating ang kung saan ay kinaroroonan niya ngayon – bilang eight-division world champion noong ika-13 ng Nobiyembre, 2010 makaraang gulpihin si Antonio Margarito sa loob ng 12 round sa kanilang paghaharap sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Matapos mai-dispatsa si Diaz at kilalaning kauna-unahang Pilipino at Asyano na makahawak ng korona sa 135 librang dibisyon, isinunod ng dating kongresista at ngayon ay senador nang si Manny bilang biktima ang mapagmalaking si Ricky Hatton ng Ingaletera na pinadapa niya sa pangalawang round lamang noong Mayo 2, 2009, nang pansamantala niyang iwanan ang 147 librang dibisyon para subukan ang kanyang galin g sa light-welterweight.

Sa labang Pacquiao-Hatton fight napasa-kamay ng ating bata ang IBO, RING at lineal light-welter plum para maging pangalawa lamang na tao sa kasaysayan ng sweet science na maghari sa anim na dibisyon.

Ito rin ang nagbigay sa kanya ng karangalang Ring Magazine “Knockout of the Year” for 2009.

Petsa Nobiyembre 9, taong 2009 pinasuko ni Manny ang Puerto Rikanong si Miguel Cotto para pagharian din an g 147 librang dibisyon ng boksing para dominahin ito at magpabalik-balik ng tatlong beses.

(May Karugtong)

Click here to translate this article to other languages via Google.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Two Pacquiaos on same card?
    By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025
  • OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
    By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025
  • Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
    By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025
  • WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
    By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025
  • Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
    Tue, 02 Dec 2025
  • USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
    Tue, 02 Dec 2025
  • THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
    Tue, 02 Dec 2025
  • Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
    Tue, 02 Dec 2025
  • Dejon Farrell Francis Turning Things Around
    Tue, 02 Dec 2025
  • WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
    Tue, 02 Dec 2025
  • PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
    Tue, 02 Dec 2025
  • Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
    By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025
  • Jimuel draws in pro debut
    By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025
  • Kevin Durant sets new NBA record
    By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025
  • LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
    Sun, 30 Nov 2025