
Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-22 Bahagi): Pangalawang usapan sa paghaharap nina Pacquiao at Mayweather, bigo muli
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Thu, 15 Apr 2021

Sa bisa ng pag-agaw ng korona ng WBO welterweight noong 2009 kay Miguel Cotto ng Puerto Rico at ng matagumpay na ipagtanggol ito laban kay Joshua Clottey ng Ghana, pinangalanan ang idolo ng bayan na si Manny Pacquao ng Boxing Writers Association of America “Fighter of the Decade” ng dekada 2000-2010.
Ito ay bukod sa karangalang pangatlong beses na iginawad sa kanya ng prestihiyosong samahan bilang ‘Sugar Ray Robinson Fighter of the Year’ na naunang ipinarangal sa kanya noong mga taong 2006 at 2008.
Ang dakilang heavyweight sa daigdig na si ‘Smokin’ Joe Frazier ang nag-abot kay Manny ng tropeo sa isang seremonyang ginanap sa Roosevelt Hotel sa New York noong ika-4 ng Hunyo, 2010.
Sa laban ding ito muling nabuhay ang usapan tungkol sa planong pagharapin ang bagong kampeong Pilipino at wala pang talong si Floyd Mayweather Jr. matapos ipahayag ni Bob Arum, ang promoter ni Pacquiao, na siya ay pumirma na ng kasunduan noong Mayo 13 nang nasabi ring taon para sa laban ng kanyang bata kay Mayweather na aniya’y nakatakda na sa Nobiyembre 13.
Pero gaya ng naunang usapan, ang di pagkakasundo ng dalawang kampo sa sistema ng drug testing na gagamitin ang naging malaking balakid para matuloy ng tinaguriang “Super Fight.”
Walong araw lamang ang nakalipas, noong Hunyo 12, 2010, si Oscar De La Hoya, pangulo ng Golden Boy Promotions, ang nagdeklara, sa isang panayam sa Spanish Network, na ang nabanggit na kasunduan, bagamat mahirap matupad ay maaring, ay malapit nang maidaos. Pahayag na pinagtibay ni Arum na pinatunayan pang lahat ng di pagkakaunawaan ay na-resolba na at ang pirma na lamang ni ‘Money Man’ ang hinihintay bago ito maging opisyal.
Katunayan, ang CEO ng Top Rank, nagkasundo na rin ang dalawang kampo sa $40 milyong premyong paghahatian ni Pacquiao at Mayaweather.
“Kasinungalingan,” bintang naman ni Leonard Ellerbe, isa sa mga pinakamalapit na tagapayo ni Mayweather, na nagsabing wala namang negosasyong nangyayari. Noong Hulyo 26, 2010, nakihalo si Ross Greenburg sa debate sa pagtatapat na siya ang nagsisilbing nasa gitna ng usapan sa pagitan ng kampo ni Pacquiao at Mayweather at ang mga grupo ay wala pang positibong napagkakasunduan, taliwas sa sinasabi ni Arum at ng kampo ng Pilipino.
Pagkaraan nang pangalawang negosasyon ay nai-deklaang kanselado, ipinagtapat ni Mayweather sa ASSOCIATED PRESS na katatapos lamang niyang lumaban animnapung araw ang nakalilipas at wala siyang interes na madaliin ang susunod niyang pakikipagsayaw sa ibabaw ng ring.
Sa gitna ng mga kaguluhang ito at sa nangyayaring hilahan sa lubid sa pagitan ng dalawang nag-aalitang kampo, nagpahayag si Arum na naitakda na niya na lalaban si Pacquiao kay Antonio Margarito sa Nobiyembre 13, 2010 para sa bakanteng titulo ng WBC light-middleweight o super-welterweight.
At kung magwawagi si Pacman, siya ang tatanghaling kaisa-isang nilalang sa kasaysayan ng boksing na maghahari sa walong dibisyon.
(May Karugtong)
Click here to translate this article to other languages via Google.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Two Pacquiaos on same card?
By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
Tue, 02 Dec 2025USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
Tue, 02 Dec 2025THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
Tue, 02 Dec 2025Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
Tue, 02 Dec 2025Dejon Farrell Francis Turning Things Around
Tue, 02 Dec 2025WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
Tue, 02 Dec 2025PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
Tue, 02 Dec 2025Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025Jimuel draws in pro debut
By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025Kevin Durant sets new NBA record
By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
Sun, 30 Nov 2025