
Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-21 Bahagi): Laban kay Clottey, nagpatatag sa reputasyon ni Manny bilang pinaka-malaking atraksyon sa boksing
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 14 Apr 2021

Ang pagkamatay ng negosasyon para pagharapin ang noon ay katatanghal pa lamang na kampeon ng WBO welterweight, ang Pilipinong si Manny Pacquiao at wala pang talong Amerikanong si Floyd Mayweather Jr., ang naging daan para sa unang depensa ng bagong may hawak ng korona laban kay Joshua Clottey.
Si Pacquiao mismo ang pumili sa kanyang challenger mula Ghana sa tatlong pinagpilian ng mga promoter-- si dating kampeon sa light-welterweight Paul Malignaggi, ang may ari ng sinturon ng WBA welterweight Yuri Foreman at Clottey, dating IBF 147 librang kampeon.
Ang Pacquiao-Clottey 12 round na pagtutuos na idinaos noong Marso 13, 2010 sa mala-higanteng Cowboy Stadium sa Alington, Texas, ang ipinalit sa naunsyaming Pacquiao-Mayweatgher I mega fight na hindi naisakatuparan dahil sa di pagkakasundo ng dalawang kampo sa ilang kondisyon ng laban, kabilang ang sistema ng gagamiting drug testing.
Dinomina ng WBO titlist ang nagpanggap na Ghanian challenger tungo sa isang nagkakaisang hatol na desisyon sa kasiyahan ng halos mapunong manonood na nagpatatag sa kanyang reputasyon na pinakamagaling na mandirigma sa ring sa kanyang panahon.
Walang tumumba sa laban subalit ang nakararami sa pro-Pacquiao na crowd, pangatlong pinakamalaki sa kasaysayan ng boksing sa Estados Unidos, ay ipinagbunyi ang nagtatanggol na kampeon sa buong mahigit isang oras na bugbugan kung saan ay binigyan niya ng leksyon ang humahamon.
Ang nagkakaisang hatol ng tatlong huwes ang nagpatunay sa pagka-dominante ng Pamabansang Kamao sa kanilang 120-108, 119-109 at 119-109 na desisyon. Isa lamang sa kanila ang nagbigay kay Clottey ng isang round, samantalang ang dalawa ay bokya ang kalaban.
Dahil ito sa kabuuan ng 12 round ay wala halos ginawa ang Ghanian kundi sanggahin ang walang puknat na kalikwa’t kanang ibinigay ng Pilipino. Bukod sa pinro-tektahan niya ang kanyang reputasyong di pa napapatumba sa kanyan g pro-career.
Pumukol ang ating bata ng average na mahigit 100 suntok sa isang round at nagpatama ng ganon ding karaming power punches. Tumama si Manny ng 246 na suntok sa 1,231 na kanyang binitiwan. Tatlong beses na marami kaysa 108 ni Clottey sa 399 na kanyang ipinukol.
Ang opisyal na bilang sa talaan ng mga nakasaksi ng laban sa Cowboy Stadium na 50,994 ay pangatlong pinakamalaki kumpara sa 63,350 na nanood nang talunin ni dakilang haeavyweight Muhammad Ali si Leon Spinks sa Louisiana Superdome noong 70s at ang 59,985 ng Pernell Whitaker-Julio Cesar Chavez fight sa San Antonio Alamodome.
Ang halos 51,000 na nakasaksi ng Pacquiao-Clottey ay nangyari matapos dagdagan ng mga promoter ng ilang libo pa sa kapasidad ng 50,000-seat Cowboys arena para isang boxing event para pagtibayin ang pagkilala kay Pacquiao bilang pinakamalaking humakot ng tao sa larangan ng boksing.
(May Karugtong)
Click here to translate this article to other languages via Google.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Rodrigo to challenge undefeated Sandoval in US
By Lito delos Reyes, Sat, 23 Aug 2025Round 12 with Mauricio Sulaimàn: Call to Action 12 Items for Boxers' Safety
By Mauricio Sulaimán, Fri, 22 Aug 2025Libranza vs Pangga headlines Elorde card on Aug 24
By Lito delos Reyes, Fri, 22 Aug 2025GM Antonio to compete in P100,000 top prize Rapid chessfest this Sunday in Roxas City, Capiz Province
By Marlon Bernardino, Fri, 22 Aug 2025AISAT Basic Ed football training starts
By Kim delos Reyes-Teves, Fri, 22 Aug 2025Josh Navarro Scores Another Win in Pomona, California
By Carlos Costa, Fri, 22 Aug 2025UNDEFEATED CRIZTIAN PITT LAURENTE SET TO FACE HEBI MARAPU FOR IBF PAN PACIFIC TITLE
Fri, 22 Aug 2025Dare To Enter: Undefeated WBC Interim Champion Vergil Ortiz to Defend Super Welterweight Title From Number 1 Contender Erickson “The Hammer” Lubin
Fri, 22 Aug 2025Euri Cedeno Takes on Willie Jones on Friday, September 5th at Wind Creek Event Center in Bethlehem, PA
Fri, 22 Aug 2025COE AND HART CLASH ON BOOTS ENNIS CARD IN PHILADELPHIA
Thu, 21 Aug 2025‘There's nothing that he brings to the table that I've not got an answer for’ Sam Rennie on upcoming fight at Thunderdome 51
Thu, 21 Aug 2025JAMAINE "THE TECHNICIAN" ORTIZ TRAINING CAMP NOTES
Thu, 21 Aug 2025Gervonta Davis vs. Jake Paul: Exhibition Bout Announced for November
By Gabriel F. Cordero, Thu, 21 Aug 2025Legendary boxing coach John Brown Compares cornering Tommy Morrison & Rising young star Marco Romero
Thu, 21 Aug 2025World Kid to Host Meet-and-Greet and Open Workouts In advance of “The Return” on August 31 in Detroit
Thu, 21 Aug 2025