
Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-18 Bahagi): Panalo kay De La Hoya ang nagdala kay Pacquao sa dibisyon ng welterweight
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Thu, 01 Apr 2021

Eksaktong limang buwan matapos talunin si David Diaz at makamit ang korona ng WBC lightweight, panlima ni Manny Pacquiao sa limang dibisyon, iniwan ng Pilipinong icon sa ring ang nasabing 135 librang timbang para magdagdag ng timbang at kumampanya sa kategoreya ng welterweight o mas mabigat na 147 librang dibisyon.
At ang nakatayo sa kanyang harapan para pigilan siya sa kanyang tangkang agawin ang bandera ay ang maalamat na Amerikano na may dugong Latinong si Oscar De La Hoya.
Si De La Hoya ay gold medalist noong 1992 Barcelona Olympics at, sa walong taong pagiging pro, ay nag-mayari ng 11 pandaigdig na titulo sa anim na dibisyon, kabilang ang tatlong weight classes.
Sa Barcelona rin sa pagdiriwang ng XXV Games of the Olympiad magugunitang ang Pilipino amateur na si Roel Velasco ay nakapag-uwi ng medalyang tanso (bronze medal).
Disyembre 6, 2008 itinakda ang sagupaang bininyagang “The Dream Match” sa MGM Grand Arena. Sa kabila ng si Pacquiao ay noon nay kinikilalang hari ng pound-for-pound sa kanyang timbang, siya pa rin ang lumabas na dehado dala ng magandang record ng kalaban.
Maraming eksperto sa larangan ng sweet science ang nag-akalang ang 147 librang timbang ay napakalayo na para marating ng isang may kaliitang mandirigmang nagsimulang lumaban sa 106 librang klasipikasyon.
Katunayan, doblado, 2-1, ang logro pabor kay De La Hoya nang magkasabay na tumuntong sa pariksukat na lona ang dalawa.
Subalit pinatunayan ng ating si Manny na mali ang mga sinasabing dalubhasa sa boksing. Umakyat si DLH sa ring na 20 libra ang kulang kaysa nakatakdang weight limit.
Dahilan para dominahin ng ipinagmamalaki ng Pilipinas ang respetadong si DLH. Matapos ang walong round na suntukan ay inihagis na ng korner ng Mehikano-Amerikano ang tuwalya at ibigay kay Pacquiao ang tagumpay sa pamamagitan ng TKO.
Lamang si Manny sa lahat ng scorecard nang matapos ang paghaharap, dalawa sa kanila ang humusga, 80-71, samantalang ang pangatlo ay 79-72. Tumama ng 224 ang 585 na suntok na binitiwan ni Manny. Walumpo at tatlo lamang sa 402 na ipinukol ni DLH ang tumama.
“We knew we had him after the first round,” pahayag ni trainer Freddie Roach makaraan ang laban. ”He (DLH) had no legs, he was hesitant and he was shot.”
Namamaga ang mukha ni Oscar, duguan ang mata at lamog ang buong katawan ni Oscar nang ihinto ang lumabas na huling laban ni DLH na nang matapos ay nagpahayag na tapos ng lahat ang boksing para sa kanya.
Retirado na siya!
Noong Disyembre 22, nang nasabing taon, iginawad kay Pacquao ang Philippine Legion of Honor na may ranggong “Officer” (Pinuno) sa seremonyang ginanap para sa pagdiriwang ng ika-73 taong pagkakatatag ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
Sa kakulangan ng makakalaban, napuwersang bumaba si Manny ng timbang sa light-welerweight o super-lightweight para harapin ang British na si Ricky Hatton na inihatid niya sa daigdig ng panaginip sa loob lamang ng wala pang anim na minuto.
Lawaran: BANG! Sapul sa mukha si De La Hoya ng kanang binitiwan ni Manny noong paghaharap nila Disyembre 6, 2008 sa MGM Grand Arfena. (Mula sa file ni EDDIE G. ALINEA).
(May Karugtong)
Click here to translate this article to other languages via Google.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Two Pacquiaos on same card?
By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
Tue, 02 Dec 2025USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
Tue, 02 Dec 2025THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
Tue, 02 Dec 2025Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
Tue, 02 Dec 2025Dejon Farrell Francis Turning Things Around
Tue, 02 Dec 2025WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
Tue, 02 Dec 2025PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
Tue, 02 Dec 2025Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025Jimuel draws in pro debut
By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025Kevin Durant sets new NBA record
By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
Sun, 30 Nov 2025