
Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika-16 Bahagi): Wagi si Manny, 2-1, sa trilohiya niya vs Erik Morales
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Mon, 29 Mar 2021

Naganap ang makasaysayang tatlong labang serye sa pagitan ni ring idol Manny Pacquiao at ng maalamat ding Mehikanong si Erik Morales sa paghahangad ng Pilipinong lumipat sa super-featherweight o junior lightweight.
Target ni Pacquiao at Morales ang bakantengt IBF 126-librang korona, isang hakbang tungo para maging kaisa-isang boksingerong maghari sa walong dibisyon ng isport na kanyang pinili.
Hawak na ng Pambansang Kamao ang titulo ng WBC flyweight, IBF super-bantamweight at RING featherweight bago harapin si Morales na naging matalik niyang kaibigan kalaunan ng kanilang ring career.
Talo ang noon ay kongresista ng lalawigan ng Sarangqani sa unang paghaharap na ginanap noong Marso 19, 2005 sa MGM Grand kung kaya’t nangailangan ng isa pang paghaharap para mapagpasiyahan kung sino ang tatanghaling panginoon ng nasabing dibisyon.
Ang Thomas Mack Center sa Las Vegas ang napiling lugar para makabawi ang ating bata na noong Enero 10, 2006 pinatulog ang kanyang bagong katoto sa ika-10 round ng nakatakdang 12-round.
Sa labang iyon, dalawang beses nakaiwas si Morales sa pagkatalo sa pamamagitan ng KO, una sa second round nang makuha niyang makahawak sa lubid sa gitna ng umaatikabong kaliwa’t-kanang pag-atake ni Manny.
Ikalawa ay sa pang-anim na round kung saan ay bumagsak siya sa reperi sa gitna rin ng walang humpay na pagpapaulan ni Manny ng mga pampatulog niyang suntok.
Bago matapos ang araw, isinuko na ng korner ng Mehikano ang parusang tinganggap ng kanilag bata nang ihagis sa ring ang tuwalya bilang hudyat na itigil na ang laban.
Iyon ang kauna-unahang pagkatalo ni Morales sa pamamagitan ng TKO sa kanyang napiling propesyon.
At dahil tabla na sa 1-panalo at 1-talo ang kartada ng kanilang pagtutuos, itinakda ang kanilang pangatlong paghaharap na ikdinaos Nobiyembre 18, 2006 kung kailan naging mas madali para sa Pilipino na itigil na ang pangarap ni Morales na makapag-higanti.
Tatlong round lamang ang itinagal ng pangatlong laban na natapos nang nakalupasay si Morales sa lona na animo nananaginip.
Pagkatapos ng laban, inihayag ni Bob Arum, ang prinsipal na promoter ni Manny na ibinalik na ng kanyang alaga ang signing bonus na natangap niya galing sa kalabang Golden Boy Promotions bilang hudyat ng intensyon ng Piipino na mamalagi sa Top Rank Promotions.
Dahilan ito para idemanda ni Oscar DeLa Hoya ng Golden Boy si Pacquiao ng paglabag sa kontratang pinirmahan ng Pilipino.
Noong panahong iyon si Morales pa lamang ang kauna-unahang boksingerong nkaharap ni Pacquiao sa tatlong labang serye (trilogy).
(May Karugtong)
Click here to translate this article to other languages via Google.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Two Pacquiaos on same card?
By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
Tue, 02 Dec 2025USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
Tue, 02 Dec 2025THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
Tue, 02 Dec 2025Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
Tue, 02 Dec 2025Dejon Farrell Francis Turning Things Around
Tue, 02 Dec 2025WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
Tue, 02 Dec 2025PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
Tue, 02 Dec 2025Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025Jimuel draws in pro debut
By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025Kevin Durant sets new NBA record
By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
Sun, 30 Nov 2025