Mobile Home | Desktop Version




Alamat ni Manny Pacquiao (Ika-15 Bahagi): Ang trilohiya ni Manny vs Erik Morales

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 24 Mar 2021


Si Erik Morales matapos talunin si Pacquiao. (Kuha ni Wendell Rupert Alinea.)

Matapos na malampasan ng Pambansang Kamao ang itinuring na madilim na bahagi ng kanyang buhay bilang boksingero – ang pagkatalo niya kay Timothy Bradley na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang korona sa WBO welterweight noong 2012 na sinamahan pa ng anim na round na pagkabigo laban kay Juan Manuel Marquez sa pagtatapos nang taon ding iyon, balikan natin ng tanaw ang tatlong laban ding serye laban naman kay Mehikanong si Erik Morales.

Petsa Marso 19, 2005 nang idaos ang paghaharap MGM Grand Arena.

Tulad ng kanyang trilohiya kontra Bradley, bigo si Pacquiao sa unang paghaharap nila in Morales, subalit hindi dahil sa kagaguhan ng mga huwes na tinawag ni promoter Bob Arum na “tatlong bulag na bubuwit,” kundi dahil sa kanyang sariling kapabayaan.

Lehitimo. Samakatuwid, ang panalo ni Morales, na sa kalaunan nay naging matalik na kaibigan ng Pilipinong idolo ng kanyang mga kababayan at ng buong mundo.

Matapos ang 12 round na sagupaan, inamin mismo ng ating si Manny ang kanyang naging kakulangan: “I couldn’t see out of one eye, and it was very hard. If I am not fighting on one eye, I think I could’ve knocked him out. “

“But I did my best and gave everyone a good fight,” pag-amin ng noon ay kongresista at ngayon ay senador nang si Pacquiao.

Talo man, nasiyahan naman ang 14,623 kataong nakasaksi sa laban na nakatayo sa kanilang upuan hanggang sa noong ipahayag ang kinalabasan ng kapana-panabik na suntukan.

Galing ang ating manok sa 15 sunod na panalo nang malasap ni Manny ang mapait na pagkatalo na naging dahilan para magkaroon ng di lamang isa kundi dalawang laban sa sumunod na taon.

Wagi ang ama ng limang anak niya sa beauty queen niyang kabiyak na si Jinkee sa pamamagitan ng TKO sa ika-10 round sa pangalawa nilang pagtutuos noong Enero 21, 2006 sa Thomas ang Mack Center sa Las Vegas at KO sa 3rd noong Nobiyembre 18 nang nasabi ring taon.

Bago ang pangalawang sagupaan, pinatulog muna ni Manny si Hector Velasquez sa ika-6 na round para sa WBC International 130 librang kampeonato. Pagkatapos dispatsahin si Morales sa pangalawang bakbakan, tinalo niya si Oscar Larios sa 12 round nilang laban sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

(May Karugtong)

Click here to translate this article to other languages via Google.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Rodrigo to challenge undefeated Sandoval in US
    By Lito delos Reyes, Sat, 23 Aug 2025
  • Round 12 with Mauricio Sulaimàn: Call to Action 12 Items for Boxers' Safety
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 22 Aug 2025
  • Libranza vs Pangga headlines Elorde card on Aug 24
    By Lito delos Reyes, Fri, 22 Aug 2025
  • GM Antonio to compete in P100,000 top prize Rapid chessfest this Sunday in Roxas City, Capiz Province
    By Marlon Bernardino, Fri, 22 Aug 2025
  • AISAT Basic Ed football training starts
    By Kim delos Reyes-Teves, Fri, 22 Aug 2025
  • Josh Navarro Scores Another Win in Pomona, California
    By Carlos Costa, Fri, 22 Aug 2025
  • UNDEFEATED CRIZTIAN PITT LAURENTE SET TO FACE HEBI MARAPU FOR IBF PAN PACIFIC TITLE
    Fri, 22 Aug 2025
  • Dare To Enter: Undefeated WBC Interim Champion Vergil Ortiz to Defend Super Welterweight Title From Number 1 Contender Erickson “The Hammer” Lubin
    Fri, 22 Aug 2025
  • Euri Cedeno Takes on Willie Jones on Friday, September 5th at Wind Creek Event Center in Bethlehem, PA
    Fri, 22 Aug 2025
  • COE AND HART CLASH ON BOOTS ENNIS CARD IN PHILADELPHIA
    Thu, 21 Aug 2025
  • ‘There's nothing that he brings to the table that I've not got an answer for’ Sam Rennie on upcoming fight at Thunderdome 51
    Thu, 21 Aug 2025
  • JAMAINE "THE TECHNICIAN" ORTIZ TRAINING CAMP NOTES
    Thu, 21 Aug 2025
  • Gervonta Davis vs. Jake Paul: Exhibition Bout Announced for November
    By Gabriel F. Cordero, Thu, 21 Aug 2025
  • Legendary boxing coach John Brown Compares cornering Tommy Morrison & Rising young star Marco Romero
    Thu, 21 Aug 2025
  • World Kid to Host Meet-and-Greet and Open Workouts In advance of “The Return” on August 31 in Detroit
    Thu, 21 Aug 2025