Mobile Home | Desktop Version




Alamat ni Manny Pacquiao (Ika-10 Bahagi): Nang lumiwanag ang madilim na bahagi ng karera ni Manny

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 03 Mar 2021


Tumama sa ulo ang kanang suntok ni Pacquiao laban kay Rios.

Siyam na buwan makalipas ang itinuturing na pinakamadilim na kabanata ng kanyang pagiging boksingero noong 2012 kung kalian ay itinuring ng marami na natapos na ang kanyang 17 taong pangingibabaw sa ring, muling bumulusok paitaas ang Pilipinong si Manny Pacquiao na nagpahiwatig na di pa tapos ang kanyang maliligayang araw.

At ng kanyang mga kababayan!

Ang kambal na sunod niyang pagkatalo sa kamay ng noo’y wala pang talong si Timothy Bradley Hunyo 9 nang taong iyon at ang 6 round na KO ipinalasap ng kaaway niyang mortal, ang Mehikanong si Juan Manuel Marquez, Disyembre 8 ang nagbunsod sa mga eksperto tutoong tapos na ang pro career ni Pacquiao na nagsimula noong 1995.

Ang kontrobersyal na talo ni Pacman kay “Desert Storm” sa kanilang unang paghaharap ang tumapos din ang kanyang tatlong taong paghahari sa WBO welterweight division na naagaw niya kay Miguel Cotto Nobiyembre 14, 2009.

Nobiyembre 24 nang sumunod na taon, ipinakita ng dating dalawang beses na kongresista at ngayon ay senador nang si Manny, ang kanyang kakayahang bumalikwas sa anumang kagipitang maaring mangyari sa buhay ng isang nilalang, boksingero man o hindi.

Nangyari ito matapos niyang lupigin si Brandon Rios sa 12 round nagkakaisang hatol para sa bakanteng WBO International welterweight title sa sagupaang ginanap sa Venetian Resort sa Macau. Ang labang ito ay una sa dalawang nairaos sa lungsod ng mga bisyo sa Asya.

Sa kabila ng kambal na kabiguang naranasan isang taon lamang ang nakararaan, hindi man lamang kinakiktaan si Manny ng epekto malungkot na karanasan.

Sa halip ay dinomina ni Pacquiao ang dating kampeon sa WBA lightweight makaraang ang huli ay mapakita ng kanyang kakayahan pero hilaw na karanasan sa pakikilaban sa ibabaw ng parisukat na lona.

Mistulang tinuruan ni Manny kung paano kumonekta ng kaliwa’t kanang kumbonasyon na lumikha ng sugat sa kaliwang mata ng kalaban matapos lamang ang anim na round at pamamaga ng kanang mata sa huling hahagi ng laban. Duguan nang bibig ni Rios nang matapos ang labang naging hudyat ng pagabalik ni Pacquiao sa listahan ng mga piling mandirigma sa ring.

Wagi ang ipinagmamalaki ng lahing Pilipino ng malaking agwat – 119-109, 120-108, 118-110 – sa mata ng tatlon hurado.

“This is still my time,” deklara ni Manny matapos ang animo’y madaling laban. “My time isn’t over. This is not about my comeback. My victory is a symbol of my people’s comeback from natural disaster and national tragedy. My journey will continue. I said we will rise again and that’s what happened.”

Abril ng sumunod na taon, muling nagharap si Manny at Bradley kung saan ay bumawi ang ating bata at makuhang muli ang kampeonato ng WBO welterweight na ninakaw ng huli noong una nilang pagtutuos.

(May Karugtong)

Click here to translate this article to other languages via Google.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Two Pacquiaos on same card?
    By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025
  • OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
    By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025
  • Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
    By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025
  • WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
    By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025
  • Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
    Tue, 02 Dec 2025
  • USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
    Tue, 02 Dec 2025
  • THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
    Tue, 02 Dec 2025
  • Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
    Tue, 02 Dec 2025
  • Dejon Farrell Francis Turning Things Around
    Tue, 02 Dec 2025
  • WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
    Tue, 02 Dec 2025
  • PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
    Tue, 02 Dec 2025
  • Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
    By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025
  • Jimuel draws in pro debut
    By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025
  • Kevin Durant sets new NBA record
    By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025
  • LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
    Sun, 30 Nov 2025