
Alamat Ni Manny Pacquiao (Ika 8 Bahagi): Mas masakit na pagkatalo ni Pacquiao kay Bradley
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Tue, 23 Feb 2021

Walong taon makaraang mabigong mahubaran ng korona si Juan Manuel Marquez sa kanilang una sa apat na pagtutuos, napagkaitan na naman ang idolo ng mga Pilipinong si Manny Pacquiao ng panalo nang siya ang mapatalsik bilang kampeon ng WBO welterweight, muli, dahil sa maling hatol ng mga huwes.
Kung noong tablahan siya ni Marquez sa una nilang sagupaan, ganoon na lamang ang pagkabigla ni Pacquiao at ng libo-libong nasa loob ng MGM Grand Arena sa Las Vegas at milyon pang nanood sa telebisyon nang ang kamay ng Amerikanong si Timothy Bradley ang itinaas ang ng reperi matapos ang 12 round na sagupaan.
Mas masakit na karanasan ang natikman ng ating si Manny sa labang iyong idinaos noong Hunyo 9, 2012 sa dahilang matapos ang madugong paghaharap, wala na ang 147 librang koronang nakapatong sa ulo ng ating Pambansang Kamao mula pa noong Nobiyembre 14, 2009.
Noong nabanggit na petsang iyon nakuha ni Manny ang sinturon sa pamamagitann ng 12 round TKO.
Mas Masakit dahil halos lahat nga ng nakasaksi sa laban, maliban sa tatlong hurado na tinawag ni Top Rank top honcho na si Bob Arum na the “Three Blind Mice,” ay niniwalang si Pacquiao ang nagwagi para mapanatili ang titulo sa kanya.
“I’ve never been as ashamed in the sport of boxing as I am tonight,” pahayag ni Arum matapos na ipahayag ang resulta ng laban sa gitna ng sigawan ng mga nanood na gaya niya ay hindi sumangayon sa kinalabasan ng desisyon.
Ang mga huwes na sina Duane Ford at C.J. Ross ay kapuwa humusgang si “Desert Storm “ang nangibabaw sa score na 115-113. Judge Jerry Reese ay bumoto kay Pacquiao, sa mas malaking lamang na 117-111. Punching stats ay nagpakitang mas maraming pinatama ang ating bata, 253 kontra sa 159 lamang ng kalaban, Ang Compubox stats ay nakapagtala ng mas marming ring patama si Pacuiao sa 10 sa 12 round.
Katunayang bugbog sarado ang Amerikano sa Pilipino ay ang huling paglabas ni Bradley sa kinaugaliang post fight interview sa media. Lamog ang mukha niya at nakasuot ng salaming may kulay para itago ang maga niyang mga mata at nakasakay sa wheelchair dala na may pilay ang paa dahil sa patuloy niyang pag-iwas sa mga malalakas na suntok na binitawan ni Manny buong laban. Bukod sa pag-boo ng mga manonood, katakot-takot na puna din ang sumalubong sa desisyion mula sa halos lahat ng media na nakasaksi sa pagtutuos.
Tinawag ng mga eksperto ang desisyon na isang halimbawa ng korupsyon umiiril sa sport ng boksing. Ang ESPN.com, tulad ng di-opsyal na huradong si Harold Lederman ay umiskor ng 119-109 pabor kay Pacquiao. Halos lahat ng media sa ringside ay pumanig din kay Pacquiao.
Makaraann ang apat na araw, bilang tugon sa mgqa negatibongn puna, si WBO president Francisco “Paco” Valcarcel ay bumuo ng lima-kataong kuponan ng mga independiyenteng hurado na sa nagkakaisang paninindigan na dapat ay si Pacquiao ang ipinahayag na nagwagi sa botong 117-111, 117-111, 118-110, 118-112 at 118-113.
At sapagkat ang WBO ay walang kapangyharihang baligtarin ang resulta, si Bradley ay nanatiling kampeon ng welterweight hanggang sa mabawi ito in Pacquiao mismo nsa kanilang pangalawang paghaharap.
Photo: Si Manny Pacquiao at si Tim Bradley sa weighin ng kanilang unang sagupaan noong Hunyo 9, 2012 (Kuka sa file ni Wendell Rupert Alinea).
(May Karugtong)
Click here to translate this article to other languages via Google.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Two Pacquiaos on same card?
By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
Tue, 02 Dec 2025USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
Tue, 02 Dec 2025THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
Tue, 02 Dec 2025Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
Tue, 02 Dec 2025Dejon Farrell Francis Turning Things Around
Tue, 02 Dec 2025WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
Tue, 02 Dec 2025PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
Tue, 02 Dec 2025Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025Jimuel draws in pro debut
By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025Kevin Durant sets new NBA record
By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
Sun, 30 Nov 2025